“Sir, please, baka puwedeng gawing fifty percent na lang ang passing.”
Iyon ang request ng mga estudyante ni Drei pagkatapos niyang ibalik ang papel ng mga ito sa long quiz nila. Hindi naman alam ni Drei kung ano ang magiging reaksiyon niya. Maaawa kaya siya sa mga estudyante niya o tatawanin niya ang hindi maiguhit na mukha ng mga ito. Hindi ito ang unang beses na nag-request ang mga estudyante na babaan ang percentage sa passing score. Minsan, napapailing na lang siya dahil kahit paabutin niya ng twenty percent, walang mababago sa mga score nilang zero.
“Fifty? That's too low,” wika niya saka napaupo sa ibabaw ng mesa. “Isa pa, don't stress yourselves sa scores niyo. Hindi pa naman 'yan exam. Hindi pa finals.” Kinuha ni Drei ang libro mula sa kaniyang likuran saka ipinatong iyon sa kaniyang hita. “Puwede pa kayong bumawi.”
Kung ano-anong hinaing ang narinig ni Drei sa loob hanggang sa wala na siyang maintindihan. Nang tumahimik na ang kaniyang klase, saka siya nagsimula ng panibagong topic.
Samantala, si Shamille at Ralf lang ang naiwan sa engineering office dahil may mga pasok iba. May ibang faculty rin na mas pinipiling tumambay sa mga laboratory room dahil mas malamig doon.
“Ralf,” malumanay na saad ni Shamille nang makalapit ito kay Ralf. Nakasuot ito ngayon ng puting collared polo shirt na naka-tuck sa kaniyang jeans. Simple lang ang suot niya ngayon kumpara sa mga naging suot niya noong mga unang araw. Ganoon pa man, consistent ito sa pagpaoanatili ng ganda ng kaniyang mukha.
May pinindot naman muna si Ralf sa kaniyang keyboard bago ito tumingin kay Shamille. “Bakit?”
Nagtataka si Ralf kung bakit ito lumapit sa kaniya. Ngayon lang din kasi ito nakipag-usap ulit si Shamille.
“Gusto ko lang sana matanong if may nasabi sa iyo si Andrei,” pagsisimula nito saka napaupo sa upuan ni Sir Osmeña. “Wala ba siyang naikuwento tungkol sa akin?”
Sa isipan ni Ralf ay sinasabi niyang kailanman ay hindi siya ikukuwento ni Drei sa kaniya dahil wala namang pakialam itong si Drei sa kaniya. Kung mayroon man, bilang katrabaho at hanggang doon na lang iyon.
“Wala naman,“ matipid na sagot ni Ralf. “Bakit?”
“Hindi niya pa rin ako pinapansin. Baka may nasabi siyang galit siya sa akin or ano,” dagdag pa ni Shamille at panay tingin ito sa may pinto dahil baka biglang may pumasok. “Alam mo na siguro 'to, pero umamin na ako sa kaniya. Tapos hanggang ngayon, parang wala na siyang planong pansinin ako.”
Huminga si Ralf nang malalim saka kinuha ang kamay ni Shamille para hawakan iyon. “Walang galit si Drei. Baka nag-aalangan lang siyang pansinin ka dahil baka ikaw itong hindi pumansin sa kaniya.”
“Ganoon ba?” Napatayo siya saka sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang kamay. “Salamat, Ralf. Sana pansinin na niya ako.”
------
Medyo may kadiliman na nang makauwi si Drei sa kanila. Bago niya kasi ihatid si Ralf ay sinuguro niya munang wala siyang babauning trabaho sa bahay. Bumili na rin siya ng gulay at tuna dahil iyon ipinapanili sa kaniya ng kaniyang nanay.
Ilang hakbang pa ang layo ay kitang-kita na ni Drei ang tatay niya na nakatayo sa may pinto at tila bang siya ang hinihintay.
“Mabuti naman at nakauwi ka na!” sigaw ng tatay niya na siyang ipinagtaka niya.
Hindi naman sa walang pakialam ang tatay niya kung anong oras siyang umuwi, pero nagtataka siya kung bakit ganoon ang naging sigaw ng tatay. Wala naman itong pinabili sa kaniya kanina. Naisip na lang niya na iyong ipinabili sa kaniya ng kaniyang nanay ay dahil sa kagustuhan ng tatay niya.
BINABASA MO ANG
Limits and Heartbeats
General FictionAfter years of practicing his profession as an industrial engineer, Drei decided to take a rest and be a part-time instructor at Don Placido Institute of Technology, his alma mater. He thought that everything would be an easy ride, but he realized i...