Kabanata XXIII

77 4 1
                                    

Magkasabay na naman na pumasok si Drei at Ralf. Pareho silang nakasuot ng maroon collared-polo shirt na may nakasulat sa likod na "College of Engineering". Habang binabaybay nila ang daan papunta sa engineering building kanina ay una nilang napansin ang malaking bilang ng estudyanteng naglalakad patungo sa gymnasium.

Pareho silang walang ideya kung ano ang mayroon kaya naman ay minabuti na lang nilang magtungo sa engineering office. Halos complete attendance ang mga faculty at ang ilan sa kanila ay abala sa kaniya-kaniya nilang cellphone at laptop. Napaisip naman si Drei bakit lahat ng faculty ay nasa office at wala man lang may pumasok sa kanilang klase. Napasulyap siya kay Ralf at nagkibit-balikat lang naman ito.

Nagtungo na siya sa kaniyang table at napansing wala pa roon si Shamille, pero nakabukas ang laptop nito. Kinuha ni Drei ang laptop niya para mag-print ng seatwork para sa kaniyang estudyante.

Napatayo siya saka lumapit kay Ma'am Maupo na abala sa paglalaro ng candy crush Sinulyapan lang siya ni Ma'am Maupo at muli lang itong napatingin sa cellphone.

"Ma'am, manghihingi ako ng bond paper, ha."

Kumuha siya ng bondpaper saka bitbit ang laptop, lumipat siya ng puwesto malapit sa may printer. Napasulyap siya kay Ralf at abala si Ralf sa tinitipa nito sa kaniyang laptop.

Tanging ingay lang ng pag-print ang maririnig sa loob ng office. Drei really finds it odd. Imposibleng lahat sila walang class schedule ngayong umaga.

Biglang tumayo si Sir Osmeña, may hawak itong mug at nagtungo sa may water dispenser. Mukhang magtitimpla na naman ito.

"Uy, abalang-abala ka," wika ni Sir Osmeña nang pabalik na ito sa kaniyang puwesto. Inilapag nito ang cup saka lumapit kay Drei. "Ano ba 'yang piniprint mo?"

Kumuha si Sir Osmeña ng isang papel at napakunot-noo ito nang makita ang nakasulat doon. Five items seat work.

"Bakit ka nag-print nito?" tanong ni Sir Osmeña at kunot-noong napatingin kay Drei.

Nagtataka naman si Drei kung bakit pa nito naitanong. Halata naman para sa seat work iyon dahil may nakasulat na. Bago pa siya makasagot, muling nagsalita itong si Sir Osmeña.

"I mean, bakit ngayon? Wala namang klase for three days."

Napanganga siya at napasulyap kay Ralf na kaagad ding napabaling ang tingin kay Sir Osmeña.

"Walang klase for three days? Seryoso ba 'to?" Magkakasunod na tanong ni Drei. Paanong walang pasok? Una, wala namang holiday at kung mayroon man, dapat pati sila ay hindi na kakailanganin pang pumasok. Pangalawa ay wala ring espesyal na selebrasyon sa institusyon. Panghuli, wala rin silang memo na natanggap tungkol sa pagkansela ng klase.

"Yes. May three-day symposium kasi na in-organize ang SSG."

"Huwag kang mag-alala, hindi lang ikaw ang biktima, kami rin. Wala kasing nilabas na memo kagabi," pagsabat naman ni Sir Ngalot at pagkatapos ay isinara nito ang laptop. "Kaninang umaga lang hinatid dito ang memo kung kailan handa na sana kaming pumasok sa una naming klase."

Napapailing na lang si Sir Ngalot habang napapailing. Kumuha ito ng ballpen at ang isang folder na may lamang mga papel.

Kinuha ni Drei ang mga na-print na saka pinagpantay ang mga iyon. He will just keep these papers for the meantime.

"Three days? Bakit parang ang tagal naman," komento ni Drei bago ipatong ang mga papel sa keys ng kaniyang laptop. "The symposium is all about what?"

Kinuha niya ang kaniyang laptop saka bumalik sa kaniyang puwesto. Wala pa rin si Shamille.

"Base sa memo at kopya ng proposal, marami," sagot ni Sir Osmeña saka bumalik na rin ito sa kaniyang puwesto. Hinila nito ang drawer ng kaniyang table para kumuha ng kape. "Kabilang na ang HIV/AIDS Awareness."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon