Kabanata XII

175 9 1
                                    

“You want some coffee?” Iyon ang tanong ni Drei nang mapahinto siya sa mesa kung saan nakaupo si Shamille. May hawak siyang tray at mayroon iyong anim na styrocup na naglalaman ng kape.

Napangiti si Shamille at nag-angat mg tingin kay Drei. “Puwede bang 'yong may dala na lang ng kape?”

Napailing lang si Drei saka nagtungo sa ibang mesa. Ikatlong araw na ng lamay at ito ang unang beses na tumulong si Drei sa mga ibibigay sa naglalamay. Hindi naman niya ito kailangan gawin at kahit ang tatay at mga kapatid ni Ralf ay pinipigilan siya. Gusto niya talagang tumulong at mas pipiliin niyang mamigay ng kape at biskwit kaysa naman makipagtitigan kay Shamille nang napakatagal. Isa pa, pinagsabihan din siya ng tatay niya, bagay na pasimpleng ikinakunot ng noo niya. Kahit naman hindi siya pagsabihan, gagawin niya iyon. Nandoon din ang nanay niya para mag-abot ng pakikiramay.

Aside from Ralf's family, no one paid attention to Drei's generosity. They were expecting him to do it since they knew how close Ralf and Drei were. They're best friends. They were. Actually, even Ralf's neighborhood has known him. Kung hindi sa bahay nila, rito sila tumatambay kasama ang iba nilang barkada.

“Kape po,” wika ni Drei saka inabot sa babaeng hindi man lang siya magawang tingnan dahil abala sa mga baraha nito. Nakaangat lang ang kamay nito—naghihintay na iabot sa kaniya ang kape.

Napasulyap naman si Drei sa kaliwa niya nang dumaan ang isang lalaking may hawak na tray ng biskwit. Akala niya ay si Ralf iyon, ngunit bigla niyang napagtanto na may pamahiin pa lang bawal mag-asikaso ang mga namatayan sa nakikiramay. Ang gagawa no'n ay mga malayong kamag-anak o hindi kaya'y mga kaibigan ng namatayan.

Drei was about to leave the table when the woman hesitantly called him. “Andrei?”

Ngayon lang niya nakita nang maayos ang mukha ng babae. Pamilyar ito sa kaniya.

“Andrei! Tama, ikaw nga,” saad pa ng babae na abot hanggang tainga na ang punit ng kaniyang mga labi. “Ngayon lang kita nakita ulit.”

Tinapak naman ang babae ng kalaro nito. “Hoy, mare, makaano ka naman. Kilala mo ba iyan?”

The woman laughed as if she was ready to say something noteworthy. She also dropped a six spade of hearts card.

“Naku! Madalas silang humiram nina Rap-rap ng mikropono sa amin dati.” Hindi maiwasang mapangiti ni Drei nang maalala iyon. Oo nga, humihiram sila ng mikropono kasi sira iyong mikropono nina Ralf. “May talento nga 'tong batang ito sa pagkanta.”

He cringed. He assumed that the woman was just joking or might mistook Ralf's singing voice as his.

“Kumusta ka na?”

Naiilang na tuwa si Drei. He felt like a teenage boy who stayed in Manila for how many years, then suddenly went home to his province. Well, sort of.

“Ayos lang naman po. Nagtuturo na ako ngayon sa DPIT.”

Nanlaki ang mata ng babae na para bang may nalaman siyang hindi niya inaasahan. “Pati ba naman sa trabaho ay hindi kayo mapaghihiwalay ni Rap-rap?”

If she only knew. Iyon na lang palagi ang pumapasok sa isipan ni Drei. Kahit kay Ralf. People can only see the facade of their images, but none of them really knew what lay inside of them.

Magsasalita pa sanang muli ang babae ngunit sinita na ito ng kaniyang kalaro. Nagpaalam naman muna si Drei bago maglibot uli at bumalik sa loob para ibalik ang ibang kape. Ilan lang talaga ang kumuha dahil mas marami ang nag-iinom ng tuba.

Samantala, kausap ngayon ni Ralf ang magulang ni Drei. Nakapuwesto sila sa may limang upuan na nasa harap ng kabaong. Nandoon ang tatay ni Ralf na ngayon ay nakapagpalagayang loob na ang mga magulang ni Drei. Kahit kasi tambay ang mga anak nila sa kani-kanilang bahay, ni minsan ay hindi sila nagkasama-sama. Nagkakilala lang sila noong graduation ng dalawa.

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon