Isang linggo na ang nakalipas simula nang naging mainit na usapan ni Drei at Ralf. Wala mang nagsasalita ngunit pansin din ng ibang katrabaho nila ang malaking biyak ng lupa na nasa pagitan nilang dalawa.
Hindi sila nagpapansinan sa trabaho. No. It's Drei who doesn't reciprocate the small actions that Ralf does. Pinapansin siya ni Ralf pero hindi lang umiimik si Drei. Nagpapanggap lang itong abala sa mga papel kaya kunwari ay hindi niya naririnig ang mga sinasabi ni Ralf. Minsan, kahit si Shamille na ang nakikipag-usap sa kaniya, siya itong umiiwas.
"Engr. Andrei!" bidang tawag sa kaniya ni Sir Olorvida. Dati niyang instructor si Sir Olorvida sa subject na Statistical Analysis for Industrial Engineering. Ngayon ay kaunti na lang ang hinahawakang subject ni Sir Olorvida dahil dean na ito ng College of Engineering.
Napatayo si Drei. "Good morning, Sir."
Nakatingin ang ibang instructors doon sa interaction ni Drei at Sir Olorvida. They're probably wishing na sana sila na lang si Drei. Truth be told, mahirap makuha ang kiliti ni Sir Olorvida. Bago ka makapagpapirma sa kaniya, pauulanan ka muna niya ng tanong. Bilang instructor naman, marami na siyang napaiyak. Worst, may mga huminto dahil sa kaniya. Walang patawad at walang puso, ganoon na lamang kung ilarawan siya ng ilang estudyante.
"I want to have lunch with you." Inilibot ni Sir Olorvida ang kaniyang tingin hanggang sa makita niya si Ralf na abala sa pini-print nito. "Ikaw din, Engr. Ralf."
Nanlaki ang mata ni Drei saka marahang napalunok. Nabitiwan naman ni Ralf ang ilang papel saka pinulot iyon isa-isa.
"I'm sorry, Sir, but I have important things to do," pagdadahilan ni Drei saka pinantay ang magkakapatong na index cards.
Nanliit naman ang mga mata ni Sir Olorvida. Doubts were written all over his face. Meanwhile, Drei's colleagues couldn't hide the disappointment on their faces. How could he decline the dean's offer? Dean na 'tong nag-invite sa kaniya, sa kanila ni Ralf.
"I'll be back before twelve. Kukunin ko kayo ni Engr. Ralf," pagmamatigas naman ni Sir Olorvida.
Hindi na sumagot pa si Drei. Umupo na lang siya at pinagmasdan ang dean na lumagpas sa table niya. Nagtungo si Sir Olorvida sa table ni Ma'am Maupo na nandoon sa dulo at pagkatapos ay nakipag-usap ito roon.
Sinilip-silip ni Drei si Sir Olorvida at hindi niya maiwasang mapahinga nang malalim. Hinahanda na ni Drei ang gagamitin niya sa susunod niyang nang huminto sa kaniyang tapat si Ralf.
"Paano ba 'yan? See you later," mapang-asar na sabi ni Ralf bago ito lumabas ng office.
Napasulyap si Drei sa puwesto ni Shamille at nahuli niya itong nakatingin sa kaniya—sa kanila ni Ralf kanina. Naiilang na napakagat sa kaniyang labi si Shamille saka nagpanggap na parang may hinahanap sa drawer niya.
"You know what, Drei, you should say yes sa offer ni Sir Olorvida. Buti nga until now, favorite ka pa rin ni Sir," bigla ngunit seryosong sabi ni Shamille.
She hit it! Favorite naman talaga ni Sir Olorvida si Drei. Pride ng industrial engineering itong si Drei at noong mga panahong chairman ng industrial engineering department si Sir Olorvida.
"I'll try," pagmamatigas ni Drei saka kinuha na ang libro at dumiretso sa klase.
******
Natulala si Drei habang naghihintay sa mga estudyante niyang mag-submit ng papel nila. Iniisip niya ngayon kung saan hinuhugot ni Ralf ang lakas ng loob nito para kausapin siya. After what he said last week and his cold treatments, paano niya hindi nagagawang hindi sumuko sa pagpapapansin sa kaniya?
On the other end of the spectrum, there's a part of him that wants to talk to Ralf. Maybe ask some questions until all the whys in him get the answer. Pero ayaw niya ring kausapin si Ralf kasi ayaw niyang isipin nitong parang wala lang ang lahat ng nangyari. Drei was confused about his decisions and how he felt. He's thinking that he's calculus in a nutshell. There's too much complexity in him; it's too hard to understand.
BINABASA MO ANG
Limits and Heartbeats
General FictionAfter years of practicing his profession as an industrial engineer, Drei decided to take a rest and be a part-time instructor at Don Placido Institute of Technology, his alma mater. He thought that everything would be an easy ride, but he realized i...