Pumasok ang bola ngunit hindi man lang nagalaw ang ring. Pagkabagsak nito sa semento ay kaagad itong tinakbo ng pawisang si Drei. Mula sa pinakadulong hibla ng kaniyang buhok, bumabagsak ang kaniyang pawis papunta sa kaniyang sintido, pababa sa balikat hanggang sa dumausdos ito sa kaniyang maputing braso.
He's wearing his favorite jersey, a black jersey merch that he got from Kuroko No Basuke. Pina-customize niya iyon kaya sa halip na jersey number at apelyido ni Kuroko, paborito niyang numero at apelyido niya ang nakatatak sa likod. Sa harap naman ay naroon ang mga salitang "Seirin High".
Nagdribol siya nang nagdribol habang naglalakad palapit sa parihabang upuan na gawa sa tabla. Nakapatong doon ang kulay asul at plastik na pitsel na naglalaman ng tubig. Naroon din ang kulay puting face towel na kalimitang nakikitang gamit ng mga tsuper at konduktor.
Pinunasan niya ang kaniyang mukha saka ipinatong ang face towel sa kaniyang ulo na para bang sombrero iyon. Nilagyan niya ng tubig ang kaniyang baso saka kaagad iyong ininom. Habang nakabukaka, ipinatong niya ang kaniyang siko sa magkabilaang hita. Inubos niya ang tubig sa baso, iminumog iyon, at saka idinura sa harapan niya mismo.
Napatitig siya ring. Nasa bakuran lang nila ang ring na ginawa ng kuya niya noong wala pa itong asawa. Isang pinabilog na bakal ang ipinako sa pinagtagpi-tagping tabla. Ang tabla ay ikinabit sa isang tuwid at nasa dalawang pulgadang lapad na kahoy. Mga kabataan talaga ang naglalaro rito, ngunit dahil umaga pa, wala pang naglalaro roon. Kung wala sa mismong basketball court na nasa may kalayuan, tiyak na tulog pa ang mga kabataan.
Hindi basketball player si Drei, ngunit kahit papaano ay marunong siya kung paano ito laruin. If not for Kuroko No Basuke, he wouldn't be interested in basketball. He also wouldn't try to play it because, growing up, he had no interest in sports.
"Tito!"
Kaagad na napalingon sa kaniyang likuran si Drei at nakita ang tatlong pamangkin na tumatakbo palapit sa kaniya. Sa likod ng mga bata ay ang kaniyang tatay na inaalalayan ang tatlong taong gulang niyang pamangkin.
"Huwag kayong lumapit kasi puro pawis si tito!" saway niya sa mga bata ngunit huli na dahil kaagad siyang niyakap ng mga ito.
Dalawa sa mga bata ay limang taong gulang na samantalang ang isa ay tatlong taong gulang pa lamang. Puro mga lalaki iyon. Anak ang mga ito ng dalawa niyang kapatid na sa tingin niya ay bumisita sa kanila.
Niyakap niya pabalik ang mga bata saka napasulyap sa amang nakangiti habang nakatingin sa kanila.
"Paborito ka talaga ng mga pamangkin mo," wika ng tatay niya saka umupo ito sa kaniyang tabi.
Ginulo ni Drei ang buhok ng tatlong taong gulang niyang pamangkin saka kinurot ang pisngi nito. "Paano? E, ako ang bunso at ako na lang ang walang anak."
Umakbay sa kaniya ang tatay niya. "Andoy, mag-asawa ka na kasi."
Napalunok na lang siya. Kaya gusto ni Drei na may pasok na lang lagi para andoon lang siya sa Don Placido Institute of Technology. Halos lahat na lang ng taong nakakausap niya lalo na ang mga kamag-anak niya, pinag-aasawa na siya.
"Hindi mo gugustuhing magkaroon ng sampung apo," biro ni Drei. Ibinigay niya ang bola sa mga pamangkin at pinagmasdan ang mga iyon na tumakbo palapit sa ring.
Kinuha ng tatay niya ang basong ginamit niya kanina saka nilagyan iyon ng tubig. "Naaalala mo noong nagalit ako sa kuya mo nang makabuntis siya noong graduating na siya?"
Uminom ang tatay niya habang naghihintay sa kaniyang sagot. Napatango siya.
How could he forget it? Walang pisikal na sakitan ang nangyari, pero grabe ang mga salitang binitiwan ng tatay niya. Pinalayas din ang kuya niya pero pagkalipas lang ng ilang araw, pinabalik dahil hindi rin naman ito nakatiis sa ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Limits and Heartbeats
General FictionAfter years of practicing his profession as an industrial engineer, Drei decided to take a rest and be a part-time instructor at Don Placido Institute of Technology, his alma mater. He thought that everything would be an easy ride, but he realized i...