Kabanata III

416 20 10
                                    

Ralf's eyes were fixated on Drei's when he finished narrating about their first time here at Tim Tan's. Drei, with his poker face, cut off their vehement eye contact by looking down at his plate.
 
“Cute.” That short reply of Drei was served hot, and Ralf could say that he was burned by it. It was painful, yet it made him feel so alive.

Umaasa si Ralf na kahit papaano ay napagaan niya ang bigat at galit na nararamdaman ni Drei sa kaniya. It wasn't his intention, but the moment allowed him to remind Drei of who they were before and what they had in the past.

Ngumiti si Ralf habang nakatuon pa rin ang tingin kay Drei na hindi man lang siya magawang sulyapan. “Two months pa lang tayo no'n.”

Kinuha ni Drei ang kaniyang baso. Napakalamig no'n sa kaniyang palad, pero sinusubukan niyang ipamukha kay Ralf na parang wala lang sa kaniya ang lamig. Na wala siyang nararamdaman. While drinking, he met Ralf's eyes.

“Things in the past should remain in the past,” wika ni Drei pagkatapos niyang uminom. Walang emosyon ang kaniyang mukha, ngunit nagtatago sa kalaliman ng kaniyang mga mata ang mga salitang pilit niyang pinipigilan. Ang mga emosyong takot siyang pakawalan. “We're now in the present. Everybody's moving on. I don't know why you're stuck.”

Pilit kinukumbinse ni Ralf ang sarili na hindi ito si Drei dahil hindi ito ang Drei na kilala niya. He remained calm and didn't let Drei's words cut another piece of flesh in him. Sapat na iyong mga sugat na tinamo niya noong nagkasagutan sila sa may hagdan.

Wala sa sariling tumango si Ralf. Alam niya kung gaano kalaki ang naging kasalanan niya. Kahit hindi na maibalik ang samahan nila noong una basta mapatawad lang siya ni Drei. Iyon na lang ang tanging hinihiling niya. Pero naguguluhan siya kung bakit parang pinapamukha ni Drei na siya lang ang may kasalanan sa lahat. As far as he could remember, everything started to get blurry during their graduation, and it was because of Drei.

Baka nga tama ang hinuha ni Ralf nang minsan siyang magpakalasing pagkatapos niyang makita si Drei. Ang lahat ng masaya nilang alaala ay hanggang alaala na lang. Being ignored by the person you long to see is worse than death. You can see the person and feel his presence, but that person doesn't see you.

“Are you done?” Iyon ang tanong ni Sir Olorvida na humila kay Ralf pabalik sa reyalidad.

Ralf cleared his throat. “Tapos na po kami.”

Drei gave his fierce side eye to Ralf.

“I think we should go,” giit ni Sir Olorvida na kanina pa ngiti nang ngiti. “You know, I just can't contain my happiness. Tuloy na tuloy na next month ang month-long celebration of our charter day.”

Bagamat iniiwasan ni Drei na mangyari, napasulyap siya kay Ralf at ganoon din si Ralf sa kaniya. Hindi nila alam kung ano ang nakaka-excite sa charter day celebration. Bukod sa made-delay ang class discussion, ang daming gawain. Nandiyan pa iyong exhibition game for faculty na isa sa highlights ng charter day.

*****

Suot ang maroon polo shirt na naka-tuck in sa kaniyang dark blue trousers, kalmadong pumasok si Drei sa engineering office. His face was lit up, a great way to start a morning class.

“Good morning, Drei,” bati sa kaniya ni Shamille na katatayo lang mula sa table nito. Mukhang papasok na ito sa kaniyang klase.

Ngumiti si Drei saka inilapag ang laptop bag sa mesa niya bago ituon ang mga mata kay Shamille. “Good morning, Ate.”

Tinapik-tapik siya ni Shamille nang lumagpas ito sa kaniya. Nakalabas na ito sa office ngunit dali-dali ring bumalik sa loob dahil naiwan nito ang projector.

Habang inaayos ni Drei ang kaniyang gamit, napansin niya ang kulay lilang pakete na nasa pinakagilid ng mesa na natatakpan ng upper compartment nito. Kinuha niya iyon at tama nga ang hula niya, tsokolate.

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon