Abot sa engineering office ang hiyawan ng mga estudyante sa may open court kaya kahit nasa loob ay ramdam nina Drei ang kaba. Katabi lang kasi ng open court ang College of Engineering building. Nagsimula na ang exhibition games para sa mga faculty member. Kasalukuyang naglalaro ngayon ang mga katrabaho nilang babae at kalaban ng mga ito ang faculty ng College of Education. Dapat sana ay nandoon sila para manood ngunit sinabi ni Sir Ngalot na saka na kapag kumpleto na sila at para hindi sila mapagod kasisigaw habang nanonood. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin ang inaasahan nilang sasalba sa kanilang grupo mamaya, si Ralf.
“Andrei, magpalit ka na!” saad ni Sir Ngalot sabay hagis ng uniform kay Drei. Wala itong damit dahil nagpapalit ito ng suot.
Nasalo naman ni Drei ang uniform saka inilapag iyon sa kaniyang mesa. Hindi niya lang pinansin si Sir Ngalot lalo na ang mga mahahaba at pulang-pulang kalmot nito sa likod. Isa pa, si Sir Ngalot pa lang ang nagpalit. Katulad niya, nakaupo at abala rin sa kanilang cellphone sila Sir Osmeña. Aside from being nervous because they will be playing next, he’s worried. What if Ralf couldn’t make it in time? Or worse, what if he missed this day because he was dealing with family problems? He is having a hard time identifying the root of his worry. Is it because they have a greater chance of losing if Ralf isn't there or because he cares so much? No, he doesn’t care. He shouldn’t. That’s what he told himself.
Nitong mga nakaraang araw, naging mailap ito si Ralf sa kanila. Makakausap mo siya ngunit naroon ang mabilis na pagbitiw ng kaniyang interes para sagutin ang kausap niya. Agad siyang tatahimik na parang isang bagong lipat na estudyante. The vibrant energy that he always exuded seemed to have run out already.
Nagpunta si Drei sa isang social media application saka napatitig sa screen.
“You don’t give a damn about him. You’re only curious,” saad niya sa kaniyang isipan.He clicked the setting option and went straight to the blocked people section. Marami-rami rin pala siyang na-block. Some of those were people he didn’t know. He stopped scrolling when he read Ralf’s name. He stared at it for a few seconds.
He reminded himself that this was to feed his curiosity. No more burned bridges will be reconstructed. He unblocked it and then immediately went to visit Ralf's account. Before he could scroll up and scoop up information to feed his curiosity, the office door opened.Nang makita niyang si Ralf ang nagbukas, napasinghal siya. His hand that was holding the phone shook and became sweaty. With his fear that Ralf might accidentally have a glimpse of his phone — though it was far from happening considering that Ralf was two tables away from him—he nervously turned his screen off without looking at it. But before his cellphone's screen turned black, he clicked the “Add Friend” button by mistake.
*****
Nakapagpalit na sila Sir Osmeña kaya naman ay naisipan na rin ni Drei na magpalit na rin. Hindi niya maiwasang mapatingin kay Ralf habang kinukuha ang team uniform nila. Nakaupo lang ito sa kaniyang mesa at mukhang may importanteng pinagkakaabalahan dahil nagsusulat ito sa isang maliit na papel.
“Ganiyan, magpalit ka na dahil magpapakitang gilas na tayo mayamaya,” wika ni Sir Ngalot habang tinuturo-turo si Drei.
Si Ralf naman ay kaagad na nagsabing tatapusin niya lang ang kaniyang ginagawa at magpapalit din siya. Nang tanungin kung ano ang pinagkakaabalahan niya, hindi na ito sumagot.
Hinubad na ni Drei ang kaniyang gray t-shirt. Maliban sa sapatos, tanging ang dirty-white pants na lang niya ang nakasuot sa katawan. Wala siyang suot na belt ngunit halos pumutok na ang kaniyang butones dahil sa pagkasikip noon sa kaniya. Ganoon pa man, walang umbok na kumakaway sa kaniyang pantalon maliban sa cellphone niyang nasa loob ng bulsa.
Inangat niya ang jersey na para bang ini-inspeksyon iyon. Nang susuutin na niya sana, naramdaman niya ang pagpatak ng pawis sa kaniyang katawan. Kahit na may airconditioer na sa loob, pinagpapawisan pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Limits and Heartbeats
General FictionAfter years of practicing his profession as an industrial engineer, Drei decided to take a rest and be a part-time instructor at Don Placido Institute of Technology, his alma mater. He thought that everything would be an easy ride, but he realized i...