Kabanata VI

249 14 3
                                    

Mabilis at malakas ang pagtibok ng puso ni Drei habang naglalakad siya papunta sa labas ng kanilang bahay. He could even hear his own heartbeat.

Una niyang napansin ang nakabukas nilang gate na kulay puti at wala roon si Ralf. Palagi naman talaga iyong bukas dahil may sari-sari store sila na suki na ang mga kabataang naglalaro ng basketball sa kanilang bakuran. Napasulyap siya sa kanilang tindahan dahil baka doon naisipan ni Ralf maghintay, pero wala rin iyon doon.

Kaya naman, naisipan niyang umikot at nagtungo sa pinaglalaruan niya ng basketball. Hindi naman siya nagkamali dahil nandoon nga si Ralf. Nakaupo ito sa may bangko habang nakatingin sa ring.

Nanatili lang siyang nakatayo roon at pinagmasdan si Ralf. Halatang galing lang din sa trabaho si Ralf dahil nakasuot pa ito ng bag at hindi pa ito nakapagpalit.

Tila may kung anong bumulong kay Ralf nang mapalingon ito sa kaniyang likuran. Kaagad niya namang nakita si Drei na parang kandilang idinikit ang katawan nito sa kinatatayuan nito. Napatayo siya saka inayos ang pagkakaayos sa salamin habang nakangiti.

“Drei,” tawag niya saka walang alinlangang lumapit kay Drei. “Baka galit ka kasi pumunta ako rito sa inyo. Pero kasi. . .”

Umiwas si Ralf ng tingin saka itinuon ang atensyon sa bulsa. Ipinasok niya roon ang isang kamay samantalang ang isa ay umalalay mula sa labas para makuha ang kinukuha niya sa loob.

“You left this.”

Inabot niya kay Drei ang cellphone nito. Kinapa naman ni Drei ang bulsa niya at kaagad niyang kinuha ang cellphone nang makumpirmang cellphone niya nga iyon dahil wala iyon sa bulsa niya.

“Saan mo 'to kinuha?” Nanlilisik ang kaniyang mga mata nang sabihin ang akusasyon. Inangat niya pa ang cellphone para ipakita ulit kay Ralf.

Ralf waved his hands to defend himself. He was awkwardly laughing because Drei's question was meant to point him out, as if he had intentionally secured his phone. “Hindi ko 'yan kinuha.”

Ngumisi si Drei saka isinilid sa bulsa ang cellphone. “I doubt that.”

Ralf's forehead creased as confusion with a pinch of offense masked up his face. The butterflies in his stomach suddenly stopped from flying. Their wings became stiff and they were absorbed by the blackhole.

“I know how desperate you are. Lahat gagawin mo para lumapit sa akin.”

All of his hopes collapsed. Akala niya magsisimula na ang magandang ugnayan nila. Akala niya nahanap na ni Drei ang kapatawaran sa puso niya. Akala niya ay tapat at dalisay ang ipinakita ni Drei noong ibinigay nito sa kaniya ang folder niya. Lahat ng iyon ay akala niya lang pala.

He thought that he had already found the point of forgiveness. But as he got closer to that point, he realized that he was getting the opposite of what he expected. Now he's back to square one. He has to analyze if there are even limits to Drei's coldness and rejection.

“Nakita ko 'yan sa upuan mo and I assumed that it might have slipped from your pants. And when I asked Shamille kung nasaan ka, sinabi niyang nakauwi ka na raw,” paliwanag naman ni Ralf. The disappointment and the needles that kept pricking his heart made him explain without stuttering. He was calm, but there were traces of melancholia in his words.

Hindi nakaimik si Drei. Tinignan niya lang si Ralf na para bang tutupukin niya iyon gamit ang mga titig niya.

Umiwas ng tingin si Ralf. Napatingin siya sa ibaba saka nagsimula nang maglakad.

“Iyan lang ang ipinunta ko,” saad nito nang lagpasan si Drei. “I'm leaving.”

“Marunong ka pa lang magpaalam? As far as I could remember, you're a pro at leaving without saying ap proper goodbye,” saad ni Drei na ngayon ay namumula na ang mata. He bit his lip. It's either he was trying to stop himself from saying something that were too hard to swallow or he was just controlling his emotion.

Limits and HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon