Chapter 18

12 0 0
                                    

Hindi ako option! Hindi ganong tao si Aerone! He does not take people for granted!


"Marie, okay ka lang ba?" tanong ni Aerone sa'kin, magkasama kami dito ngayon sa canteen


"Oo naman! Bakit naman hindi?" nakangiti kong sagot


"Sayang kasi lately di na tayo nagkakasama ng madalas. Alam mo sa totoo lang gusto talaga kitang kasama kaso si Shina—" si Shina. Oo, si Shina ang dahilan


"Ayos lang naman ano ka ba! Di ba kababata mo siya? Baka naman may past kayo ha?" pagputol ko sa sinabi ni Aerone


"Ha ha. Wa-wala no! Ano bang gusto mo? Libre kita tutal ngayon lang naman tayo ulit nagkasama!" alok niya sakin


"Yung dati pa rin, cake! Hahaha paborito ko na ata yun simula nung lumipat ako rito!"


"Sige ba."


"Nga pala Aerone, sila Teo ba? Nakita mo?"


"Ah busy sila. Nagrereview rin sila para sa USTET, mageexam sila ni Ericka don e. Sabi ni Teo pangarap raw nila ni Ericka na mag-aral don. Engineer siya at Arki naman si Ericka. Para daw magkatrabaho at magkasama sila kahit di na sila nag-aaral." paliwanag niya


"Clingy talaga si Teo. Akalain mo yun? Malapit na tayo gumraduate? Parang kailan lang kakapakilala ko pa lang tapos ngayon puro entrance tests na lang inaatupag natin. Hahaha"


"Oo nga e. Ikaw ba saan mo balak mag-aral?"


"Hindi ko pa alam pero dream school ko talaga ang UP. Haha, ikaw?"


"Kagaya lang din ng sayo."


"Oh. Gusto mo ba sabay tayong magreview mamaya? Free kasi ako later e."


"Sige makabawi man lang ako sayo!"


"Saan mo gusto?"


"Sa cafe na lang dyan sa may mall. Ayoko ng maingay masyado e. Mahirap mag-review."


"Sige. Tara kain muna tayo. Antagal pala natin talaga di nag-usap kaya parang miss na miss natin ang isa't-isa."


"Miss naman talaga kita e." bulong ko


"Ha?"


"Sabi ko ang sarap talaga ng cake lalo na kapag libre!"


"Hahahaha."


"Intayin na lang kita sa Blood Cafe mamaya ha?"


"Bakit?"


"Eh kasi may bibilhin lang ako saglit so mga 5 pa siguro."


"Ah ganon pala. Uwi muna ako kung ganon."


"Sige. Basta intayin kita!"


"Oo."


"Di sumipot manlilibre ha!"


"Call!"

Can You Be Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon