Kabanata 2

3.9K 44 1
                                    

Ngumuso ako habang nakatingin kay Dalton na tahimik na kumakain sa gilid ko. Katulad ng dati wala na naman siyang imik at may sariling mundo. Apat na araw na akong sunod sunod na sumasabay mag lunch sakanila, minsan matyempuhan ay siya lang mag-isa kaya naman malakas ang loob kong landiin dahil wala ang mga pinsan niya.

Kaya hindi narin bago kung nakikita ng mga studyante dito sa Univ na hinaharot ko ang taong yelong katabi ko.

"Ikaw ha, ano yung nakita ko sa library? may kabit ka?" I pouted but my eyes widen when he choked on his food.

"Hala!" agad kong inabot sakanya ang tubig na nasa harapan ko na agad naman niyang ininom.

"What the heck woman?" he hissed and glared at me.

Natawa ako at hinagod ang likod niya kaya naman bahagya siyang umiktad. Mas lalo pa yatang naubo.

He glared at me, kaya natatawa akong lumayo sakanya bago ngumisi ng malaki.

"So ano nga?" tanong ko at humalumbaba.

He just stared at me for seconds and looked away. 

"I don't know what are you saying." his cold voice makes me shiver.

"Grabe lamig!" I fake my shiver and he frowned.

Mas tumitig ako sakanya pero parang hindi siya natinag at nanatiling tahimik na kumakain. Pinaglihi siguro 'to sa yelo.

His messy hair add to his looks, even that blue eyes that can stopped every breath. He looks exactly like a prince, hindi na nakakapagtaka kung maraming humahabol at luluha sakanya.

At isa ako roon, hahabol lang hindi luluha.

Bukas na ang tungo naming magpipinsan sa Rancho, at mukhang hindi matutuloy ang planong manood sa practice nila this Saturday.

Kung h'wag na kaya akong sumama? 

Parang may light bulb na umilaw sa utak ko, at malawak na napangiti.

Nagpunta na ako nung nakaraan sa Rancho, hindi naman na siguro mamasamain ni Lolo kung hindi ako makakapunta kahit isang beses lang diba?

"Crazy." 

Napabaling ako kay Dalton na naiiling sakin bago diretsong tumayo at iniwan ako. Napalabi na lang ako at walang nagawa kundi sumunod sakanya.

Nasa likuran lang ako at nakatingin sa malapad niyang likod. Standing six feet and three inches while his black messy hair are swaying. His two hands are on his pocket while walking with no emotion on his face. 

I bite my lower lip while looking at him walking like a model that makes everyone look at him.

Hinayaan ko siyang maglaho sa paningin ko bago dumiretso sa room at kuhanin ang gamit. Kailangan ko ng maghanda ng mahabang paliwanag kila mom at dad sa hindi ko pagsama pauwi ng Rancho.

"Why? sabi naman ni Aileen wala naman na kayong importanteng gagawin." wika ni mom kaya napalabi ako at yumakap sa bewang niya, naglalambing.

"My, sige na.. minsan lang naman please!" pero napaangil ng pitikin niya ang noo ko.

"Ano na naman gagawin mo Faith Adee?" 

"Mom, just let me!" angil ko pero ngumiti lang siya sakin at itinuro ang dalawa kong tatay na bussy sa pinapanood.

"Hala sige, sa dalawang ulupong mong tatay ka magpaalam." napaangil ako at halos mag tantrums na habang tinatawanan ni Mom.

"My! mas lalong hindi nila ko papayagan." tumawa ito at pinisil ang pisngi ko.

Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon