Kabanata 28

2.5K 29 1
                                    

TRIGGER WARNING: Sensitive scenes ahead.

I was humming softly carrying papers filled with drawings. I had a friend named Aileen; she was a sweet girl, and she liked me unlike our other classmates.

Ayaw nila sa akin kase wala daw akong magulang. Walang umaattend sa mga meeting or family day.

I actually have.. but mom didn't like going to our school, naiinis siya. Ayaw niyang nakikita akong masaya.

Nasa ikalawang baitang pa lang ako, pero hindi ako katulad ng bata na gamay na sa pagsusulat o pagbabasa. Hindi ako katulad nilang kaya na.

Nahihirapan ako lalo at sa paaralan lang namin ang pinaka aral ko.

May ilang beses ng pinatawag si Mom, pero hindi siya pumupunta. Ngunit alam kong pag-uwi ko may nakaamba ng parusa sa akin.

“Ano, bobo ka talaga ‘no? magbasa ni magsulat hindi mo kaya?! anim na taon ka na bobo ka pa ‘din?!” sigaw niya kasabay ng pagtama ng baston niyang hawak sa hita ko.

“T-Tama na p-po… s-sorry na p-po…” I cried.

But I didn't stop her, she continued hitting me until some parts of my body bled. “Magtatanda ka na ngayon! salot ka, hindi ko alam kung bakit binuhay pa kita!”

And it breaks my fragile heart. It hurts that she regrets having me in her life while I'm so happy having her as my mother even though she doesn't want me.

Sinubukan kong salagin ang bawat palo niya ngunit kada tatama ‘yon sa kamay ko ay parang mababali ‘yon. Kada iwas o sangga ko ay mas lalo lang lumalakas ang paghataw niya.

“Bobo ka, hindi ko alam kung s’an ka nagmana. Pinagsisihan kong pinili kong isama ka dito akin, malas!” inis niyang sabi bago ibinalibag sa akin ang hawak at umakyat sa taas.

Hindi naman talaga ako magaling, hindi ko matanggap ‘yon, gusto kong matuto. Pero nahihirapan talaga ako.

“Faith, read this.” itinuro ng aming guro gamit ang stick niyang hawak ang babasahin ko.

Namamawis ang noo ko sa kaba habang tumatayo. Nakatingin lang ako dito dahil wala akong naiintindihan sa nakasulat sa pisara.

“Faith Adee Zcheinder?!” hindi ‘yon pasigaw ngunit may kataasan ang boses niya ng tawagin ako.

I flinch on my seat as tears formed in my eyes. “Hija, ilang taon ka na? nasa ikalawang baitang ka na kaya dapat alam mo ng magbasa kahit papaano.” seryoso ang mukha niya, masungit ngunit kita ko ang awa ‘ron.

Ayoko.. ayoko ng kinakaawaan ako.. sabi ni mom pag may taong naawa sa akin ibig sabihin mahina ako.

Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko ng umupo ako. Mahigpit akong humawak sa palda ko gusto ng umiyak pero ayokong makita nila ‘yon.

“Helloo.. h’wag ka na iyak.. bad sila di natin bati.”

Nagulat ako sa biglang pag-upo ng batang babae sa tabi ko. She was smiling widely pero wala naman yung ngipin niya sa taas, in short bungi.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa hardin ng paaralan namin. Pakiramdam ko ay do‘n lang kumakalma ang pakiramdam ko.

Pinunasan ko ang luha ko sa mata bahagyang nakanguso habang mahinang humihikbi.

“S-Sino ka?”

Ngumiti siyang muli kaya lumitaw muli yung bungi niya. “Akoo? si pretty Awleen.”

Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon