Kabanata 8

2.9K 43 1
                                    

Maingat akong bumaba sa hagdan habang ipinapalibot ang paningin kung sakaling biglang magpakita ang dalawang ama. Mukhang bwisit parin sila sakin dahil ng magkasalubong kaming tatlo sa sala ay sinimangutan nila ako.

Matitiis ba nila ang maganda nilang anak? syempre hindi!

At dahil mabait akong anak. Uuwian ko nalang sila ng pasalubong pagkatapos kong muling tumakas.

Hindi naman ako grounded. Hindi na uso 'yon no. Pero sabi nila sa oras na makita nilang umalis ako ng bahay yari ako. Kaya tatakas nalang ako, hindi nila ako makikitang umalis ng bahay. Diba?

Matalino na maganda pa. Baka Faith Adee 'to.

Nag book na ako ng sasakyan bago nagtungo sa restaurant na sinasabi ni Dalton. Wala pang tanghali pero, bakit ba? excited ako eh.

Eleven ng umaga ng makarating ako sa restaurant na iyon. It was a spanish modern style restaurant. Tatlong palapag at sobrang lawak 'non kumpara sa ibang mga restaurant na nakikita ko.

Para akong bata na sobrang amaze pagpasok palang sa loob. Sa may dulo at pinakagilid ay isang hilerang mga bar chair. Nakakuha rin ng atensyon ang mga halamang nakabitin sa mataas na ceiling na mas lalong nagbigay ng nakaka-relax na ambience sa loob.

"Buenos dias, you have a reservation ma'am?"

Tumango ako at agad na sinabi ang pangalan. Inalalayan ako nitong magtungo sa inokupadong floor nila Dalton.

At kapag sinabi kong floor. As in buong floor na iyon ay okupado naming tatlo lang.

Tingin ko palang ay sobrang mahal na ng reservation dito. Talagang naglaan pa sila ng malaking gastos para lang sa lunch namin?

Grabe naman 'thank you' ang gusto nila. Kulang nalang mag pa throw sila ng party katulad na lang ng sinabi ni Zillex.

This floor is more classic than the other floor. Mukhang gawa talaga ito para sa mga gustong mag pa reservation. Mayroon pa akong isang oras para libutin ang buong floor habang wala pa ang dalawa. Hindi ko naman aasahang maaga sila sa nakatakdang oras ng pagkikita namin.

Iniisip ko palang reaksyon ni Zillex na bagot at nakasimangot habang pinipilit siyang gumayak ni Dalton ay natatawa nalang ako.

Hindi talaga siya natutuwa sa presensya ko. Which is opposite sa reaksyon ko. I'm more than happy with their presence. Hindi ko alam kong normal o abnormal ba ako dahil naeenjoy ko ang oras na kasama sila kahit malinaw pa sa tubig na kaya lang nila ginagawa ito ay dahil sa pagtulong ko sa pag-aalaga kay Zillex.

Kailangan kong harapin at tanggapin na pagkatapos ng araw na ito ay tuluyan na silang lalayo sakin. Na babalik na ang lahat sa normal.

As in naman papayag akong lumayo sila sakin? Bakit ko sasayangin ang chance na nandito sila ngayon sa tabi ko?

I'll do everything to make them stay beside me. Kahit daanin pa sa santong paspasan.

Napaayos ako ng upo ng bumukas ang pintuan at inuluwa si Dalton kasunod si Zillex. They're look dashing on their clothes.

Wearing a dark blue button down dress shirt that neatly tucked into his black pants. Nanibago ako sa bagong gupit ni Dalton na buzz cut na bumagay lalo sa suot niya. While Zillex is simply wearing a gray tee shirt and a trouser. Agaw pansin ang locket nitong prenteng nakapahinga sa kaniyang leeg.

Handa ng lumabas ang ngiti sa akin bilang pagsalubong sakanila ngunit nauwi sa ngiwi iyon ng makakita ako ng impaktang nakasunod sa likuran nila.

I frowned but I manage to change it into a sweet smile.

Ano ginagawa ng bruha na 'to dito?

"Kanina ka pa?" tanong ni Dalton na madali ko naman inilingan.

"No, kadarating ko lang 'din." sabi ko sabay sulyap kay Samantha na parang tukong nakakapit kay Zillex.

Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon