The loud but good voice of Adam echoes in the whole room. Pakiramdam ko ay nabulabog na niya ang lahat pati ang mga engkanto sa labas. Halos lumabas ang ngala ngala niya dahil todo bigay sa pagkanta.
Napa facepalm nalang ako habang nakangiwing pinapanood siya. Hindi ko malaman kung broken ba siya o natural lang sakanya maging ganito. Sabagay, he’s not Adam if he is not loud, akala mong napalunok ng mic.
“Oh, please just.. just fucking take that mic from him.” iritadong sabi ni Dalton halos malamukot na si Adam sa inis.
“Sayang na sayang talaga! dating pag-ibig na alay sayoooo!” Adam sang wholeheartedly.
Nabasag yata ang eardrums ko sa pangmalupitang kanta niya. Mabuti na lang at natapos na bago kami madeads na lahat.
I reach the slice of apple on the table and bite on it. Pinapanood kong magkagulo ang mga lalaki sa pool na nagtutulakan pa. Habang sila Eron ay mas tinuon ang pansin sa pagpapasabog ng building dahil sa mga song number nila.
Nandito rin ang mga pinsang babae ni Dalton kaya naman may sarili kaming session sa gilid— na mukhang hindi dahil nakapulupot sa akin ang dalawa imbis na sumama sa mga ka team nilang may mga sarili ng buhay sa labas.
Hindi maipinta ang mukha ni Meshia habang nakatingin sa dalawang hindi pa’rin bumibitaw sa tabi ko kahit ilang beses ko na silang pinaalis. Pinigilan ko nalang ang matawa lalo na ng itago ni Dalton ang mukha niya sa likod ko dahil sa kanya nakatutok ang matalim na tingin nito.
“Girls bonding? eh ba’t nandito ‘tong mga hinayupak na ‘to?” she hissed that made me chuckle.
Dalton lips pursed, hinarap niya ang pinsan ngunit napalunok lang sa huli ng makipag labanan ‘yon ng titig.
“G-Girls ‘din kami?” pumiyok siya.
Napa face palm na lang at muntikan na siyang masapok. Narinig ko ang malakas na pagtawa nila Aileen, Dana at Penelope habang nangingiti lang si Bea ga’non din si Celine na parang may sariling mundo sa gilid.
“Hindi! Shoo! Shoo! D’on kayo bawal alagad ni Adan dito!” sigaw niya sabay turo ng kamay papunta sa may balcony kung nasaan ang mga lalaki.
Napailing nalang ako at hinarap ang dalawa bago tumango dito. “Sige na, d’on muna kayo,” mahinahon kong sabi.
Sumimangot silang pareho ngunit hindi na nagreklamo at sumunod na lang kaya napahinga ako ng malalim bago tinanaw ang papalayo nilang bulto.
Malakas na bumuntong hininga si Meshia kaya napunta sa kanya ang atensyon ko. Natawa na lang ako ng makita na mukhang pinagpapasalamat niyang umalis na ang dalawa.
“Wala na ang mga ulupong, let's party!” Aileen shout while her hand is in the air.
Humalakhak ako at nakisali sa hiyawan nila na parang nanalo sa lotto, eh katapat lang naman namin ang mga lalaki ilang lakad lang mula sa kinauupuan namin.
Iba talaga trip nilang magpipinsan.
Muntikan akong mabulunan ng may ilabas na isang malaking pitcher si Meshia na hindi ko malaman kung saan nanggaling. She open every bottle of the drinks she bought, meron pa siyang nilitaw na yakult na aabot sa anim na piraso, may gatorade at sprite ‘din. Nakita ko pang naglabas si Dana ng isang balot na gummies. Mula sa kusina lumabas si Bea na hindi ko napansing umalis kanina. May dala siyang isang malaking mangkok na may nakalagay na sliced na prutas.
My jaw slacked when they mixed it all, hindi ko alam kung mangingiwi ba ako o sasaya dahil mabango ang amoy ‘non. Unang beses ko palang makakita ng inuming may pinaghalo-halong iba’t ibang mga bagay– maliban sa bar na natural na ginagawa ‘yon but! yung nakikita kong ginagawa nila sa harapan ko ay bago sa akin. I never tasted it before, but I think it's good. Hindi naman siguro ako mamatay?

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...