Nanatili ang mariin kong titig dito habang mahigpit na nakakuyom ang aking mga kamao. Umigting ang panga ko at napasinghap ng hangin upang kalmahin ang sarili.
“What are you doing here, Samantha?”
Malawak ang ngiti nito sabay lahad ng hawak na bouquet kay Dalton na mas lalo kong kinainis.
“Masama na bang manood?” inosente niyang tanong at sumulyap kay Zillex na nasa tabi ko.
Dalton's jaw ticked as his eyes gazed on the bouquet. “No.” tanging malamig na sagot ni Dalton hindi pa rin kinukuha sa kamay ng babae ang hawak na bulaklak.
“C’mon.. just accept this, I won't do anything. Gusto ko lang talagang manood.” malamyos itong ngumiti na halos ikapaniwala ko.
Handa na akong magsalita ng maramdaman ko ang paghapit ni Zillex sa aking bewang. Pag-angat ko ng tingin sa kanya ay umiling ito sa akin.
“Don't, let Dalton handle her.” he whispered, caressing my waist, soothing me.
I sighed.
Kung hindi umentrada ang babaeng ‘to baka nagsasaya na kami. Kahit kailan talaga masyado siyang pabida sa buhay ko.
“You can go now.”
Nawalan ang atensyon ko kay Zillex ng muling marinig ang malamig na boses ni Dalton. Pagharap ko ay nakita kong inabot niya ang hawak ni Samantha na bulaklak bago niya ito walang emosyon na tiningnan habang malaki naman ang ngiti ng bruhilda.
“Great! Congrats again, see you!” lumawak ang ngiti nito at bumaling sa akin na parang nagmamalaking tinanggap ni Dalton ang bulaklak na binigay niya ngunit nanatili lang akong kalmado at hindi nagpakita ng kahit anong emosyon.
Napairap ako sa hangin ng makita ang papalayo nitong pigura. “Sa wakas, lumiwanag na rin ang paligid.” malakas kong saad na ikinatawa nila Eron.
“Pano ba yan, Adee? tinanggap ni Cap?” biro ni Adam kaya agad siyang pinukol ng masamang tingin ni Dalton bago ihinagis ang bulaklak dito.
“Fuck you!” inis na sabi nito na ikinahalakhak lang ni Adam.
Mabilis na bumaling sa akin si Dalton at inisang hakbang ang pagitan naming dalawa.
Napanguso ako ng makita ang paglambot ng tingin niya sa akin. “I accept it so she can already leave us.” paliwanag niya na mahinang ikinatawa ni Zillex na nasa likod ko.
Mas lalo akong napanguso nagpipigil ng ngiti ng muling bumuka ang bibig niya para magpaliwanag ng hindi makakuha ng sagot mula sa akin.
“I promise–”
Hindi ko na napigilang matawa at sinapo ang kaniyang mukha para panggigilan. “I heard it, hindi mo na kailangan magpaliwanag.”
Mukha naman siyang nabunutan ng tinik bago madramang yumakap sa akin. Kahit pawisan siya ay ang bango niya parin. His masculine scent spreads through my nose especially when he buries his face in my neck.
“I’m tired, baby.” ungot niya sa akin habang pumapatak ng halik sa aking leeg kaya naman napapaigtad ako sa kiliti.
“Luh, pabebe ampota.” nauubong sabi ni Eron habang nakatingin sa captain nilang parang batang nakayakap sa akin.
Aangil pa sana si Dalton ngunit mas hinatak ko lang siya pasubsob sa akin. “Shh, aangal ka pa totoo naman.” natatawa kong sabi na ikinaungol niya.
Sumimangot siya ngunit para hindi na mainis ay pinatakan ko nalang siya ng halik sa pisngi na ikinaliwanag ng mukha niya. Mukhang nakita nila Eron ‘yon kaya nagsimula na naman sila sa panunukso na ikinailing ko nalang.

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...