Kabanata 33

3.8K 52 15
                                    

Mas pinili ko nalang manatili sa banyo kesa ang marinig ang tawanan nila d'on na mas lalo lang nagpapadurog sa akin. Akala ko ay naihanda ko na dati ang puso ko sa ganitong pangyayari, ngunit kahit gaano ako kahanda ay masakit pa’rin. Hindi ko pa’rin kayang tanggapin.

Ano, Faith? Sa tingin mo ba ay babagay pa’rin ang katulad mo sa kanila. I’m nothing compared to them, wala pa akong nararating at mas lalong walang maipagmamalaki.

Ni wala ka ngang panggamot sa sarili mo aasahan mo pang mananatili sila sayo?

Kung may mas babagay sa kanila ay siguro ay yung babaeng nakita ko. Sobrang ganda, mukhang may narating na sa buhay, tindig pa lang ay alam kong may ipagmamalaki na.

They deserve someone who's not mentally ill, wala ng may mas idudumi pa ang pagkatao ko. Sirang sira na ako, wala ng natira para ibigay sa kanila.

Parang narinig ni Zillex ang hiling ko dahil pagbalik ko ay nakasarado na ang mga bintana kaya hindi sila tanaw sa loob.

Pero bakit parang mas lalong sumakit? bakit parang mas lalong bumigat ang pakiramdam ko?

Maraming mga bagay na pumapasok sa isip ko na maaari nilang gawing dalawa d’on. Natatakot akong kumpirmahin ang nasa isip.. natatakot akong malaman na ang naiisip ko ay totoong nangyayari.

Hindi ko kakayanin..

I tried to focus on my work but my mind was on someone else. Palingon lingon ako r’on hinihiling na sana ay lumabas na ang babae, na sana ay mali ang nasa isip ko.

Ngunit paglabas nila ng opisina ay tuluyang gumuho ang pag-asa ko.

Hindi na maayos ang damit nilang dalawa, I could clearly see the hickeys on Zillex neck.

Gusto kong umiyak at maglumpasay pero magmumukha lang akong tanga dahil wala akong karapatan. Matagal na kaming tapos, matagal na akong wala sa sistema nila.

I’ll never be part of their life again.

Kusang umiwas ang mata ko ng magtagpo ang paningin naming dalawa ni Zillex. Natatakot na makita niya ang sakit na nakapaskil d’on. Natatakot na makita niyang kahit ilang taon na ang lumipas mahal ko pa’rin sila habang abala silang limutin ako sa sistema nila.

“Get us a coffee.” malamig na utos niya na agad kong sinunod.

I can't stand seeing them this close, nasasaktan ako dahil hanggang pangarap na lang na makikita ko ang sarili kong nasa bisig nila.

Mas gusto ko pa yatang hindi gumaling. Mas gugustuhin ko pang gumawa ng sariling kwento sa aking isip kung saan nakakasama, nakakausap ko sila, kung saan hindi ako nasasaktan ng ganito.

Pagkababa ko ay hindi na naging mahirap sa akin hanapin ang pantry nila dahil bungad agad ‘yon.

Kahit gusto kong tagalan ang paggawa ng inuutos niya ay baka magalit siya.

Nanghihina ‘man ay sinikap kong muling makaayat para ibigay sa kanila ‘to. Ayoko naman paghintayin sila dahil ako ‘rin ang malilintikan.

I knock on the door of his office twice before I went in. Ngunit para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita ang kalagayan nila sa loob.

Sa gulat at panghihina ay nabitawan ko ang tray na hawak. Nagtalansikan sa akin lahat ngunit tila walang epekto ‘yon habang nakatingin sa kanilang halos hubo’t hubad na.

Malamig na tumama sa akin ang mata ni Zillex umalis sa harapan ng babae, hinablot niya ang damit sa may ibaba para ipalibot ‘yon sa katawan ng babaeng litaw na ang itaas na katawan.

“I-I-I’m sorry..” taranta kong wika at mabilis na yumuko para pulutin ang mga nabasag na baso habang pinipigilan ang pagtulo ng luha.

Sobrang sikip ng dibdib ko, nanlalabo ang aking mata ngunit kahit ga’non ay maingat kong iniligpit ang mga nagkalat na bubog para hindi masugatan.

Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon