Tiningnan kong muli ang aking itsura sa salamin bago napagdesisyuhan lumabas na. The clothes I'm wearing are hugging perfectly in every curve of my body, in short it's sexily fit on me.
Paglabas ko ay hindi ko na sila matanawan, tiyak ay nasa labas na sila at ako na lamang ang inaantay.
Umikot ako sa may likod upang kuhanin ang alagang kabayo na si butch. This is the gift that my father gave me on my 14th birthday. Butch is with me ever since she was a little.
Agad akong napangiti ng matanawan ang aking kabayo na kasalukuyang pinapakain ng isa sa tauhan nila Dad sa Rancho.
"Good morning Ma'am!" agad na bati nito, tumango naman ako at bumati pabalik.
"How's Butch?" I asked and caress Butch.
Humuni ang aking kabayo at lumapit ang ulo para dumikit sakin. Napatawa naman ako at niyakap ito bago muling hinaplos.
"Okay Ma'am! mukhang namiss kayo, matagal narin simula ng huling kita niyo." sagot nito at hinaplos din ang katawan ni Butch.
"Kuhanin ko po muna siya, mukhang marami siyang isasakay ngayon." tawa ko kasabay ng muling paghuni ng aking kabayo.
Tinanggal ni kuya ang tali nito bago inabot sakin. Ipinuwesto muna niya si Butch bago ako hinayaang makasakay ng tuluyan. Bahagya pa akong nalula pagkatapos kong sumakay.
Sumenyas ako kay kuya bago kumabig patungo sa direksyon kung nasaan ang mga kaibigan. Malayo pa lang ay tanaw ko na agad ang kumpulan nila sa harap ng malawak na field sa tabi ng mansyon.
Nakagat ko ang aking labi at hindi maitago ang ngisi habang nakatingin sa mangha nilang ekspresyon. Tinanaw ko si Dalton na nasa likod nila na seryoso lang nakatingin sakin. Hindi nakatakas sakin ang pagbaba ng matalim na tingin nito sa suot ko na para bang may kasalanang nagawa sakanya iyon.
"Ang astig Faith!" puri ni Adam at lumapit sa kabayo at agad itong hinaplos.
Umangil naman si Butch ngunit inalapit din kalaunan ang ulo kay Adam. Sanay si Butch sa mga tao kaya naman madalang siyang maging agresibo. Isa siya sa pinanlalaban tuwing fiesta ng bayan sa amin.
"Do you wanna try?" I asked him and he nodded excitedly.
Mahina akong napatawa sa parang batang pagtango ni Adam. Agad akong bumaba kay Butch bago tumingin kay Adam na mukhang nag-iintay na kung sasakay na siya.
"Marunong ka?"
Napaangil ang iba ng makita ang pag nguso niya at pag-iling.
"Nangunguna ka pa, hindi ka naman pala marunong!" batok sakanya ni Meshia.
"Marunong naman kahit papano!" bawi nito at nginiwian si Meshia bago irapan.
Napangisi ako bago inabot si Adam para pasampahin na ito kay Butch.
Napahalakhak si Eron ng makita ang pamumutla ng mukha ni Adam nung oras na nakasampa na siya. Hindi ko naman maitago ang ngiti habang hinihitak si Butch habang nakasakay si Adam.
Umigting ang panga ni Adam at halos maglabasan na ang ugat sa kamay niya sa higpit ng kapit sa tali.
"Bitawan ko na?" tanong ko dito.
Nakita ko ang pag-aalangan sa mukha niya kaya muli akong nagsalita. "Don't worry, Butch is not aggressive she can handle someone who don't know horseback."
"Sigurado ka Faith? gusto ko pang asawahin si Meshia kahit maldita yan." napahiyaw ang lahat sa sinabi nito na ikinalawak ng ngisi ni Adam habang tinatanggap ang matalim na tingin ni Meshia.

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...