Kabanata 38

4.1K 47 20
                                    

Pabalik balik na ako sa harapan ng salamin para tingnan ang itsura ko at kapag hindi nakuntento ay papasok ng closet para magpalit na naman.

It's already six thirty pero hindi pa'rin ako makapag decide kung ano ang susuotin ko. Ayoko namang maabala si Porsh dahil baka busy din ‘yon.

Alangan naman kaseng mag t-shirt at jeans ako sa dinner namin!

Pero wala rin naman akong ibang pagpipilian kung hindi magsuot ng dress, dahil ‘yon lang naman ang suitable para sa mga ganong okasyon.

And it was Ember birthday! kailangan man lang maghanda ako, wala rin akong regalo. Hindi ko naman kase alam, late ng sinabi sa akin ni Zillex!

Siguradong bukas na bukas ‘din ay bibigyan ko siya, kahit pumunta pa ako sa bahay nila gagawin ko.

A knock from my door woke me up. Napatigil ako sa pagtulala sa salamin kakatingin sa dress kong suot. Litaw ng bahagya ang may bandang leeg ko kaya naglagay pa ako ng concealer.

Thanks to Porsh dahil naisipan niyang iwanan sa akin ‘to.

Napalunok ako ng bumungad sa akin ang dalawa pagbukas ko ng pinto. Pero agad napalitan ng saya ng makita ang bulilit na hawak ni Dalton.

“Ate gandaaa!” she called me in a singsang voice and lifted her arms.

Natatawa ko siyang kinuha mula sa braso ni Dalton at pinaulanan ng halik sa pisngi na ikinahagikgik nito.

“Ang bango naman ng tabachingching na ‘yan, di na amoy cracklings?” Biro ko na ikinasimangot nito.

“I’m mabango! hindi amoy cwawklings, Ember!” she exclaimed, folding her chubby arms.

Napakurap ako ng may makita sa mukha niya ng ginawa ‘yon. Agad rin naka recover bago sumilip ang ngiti sa akin dahil kamukhang kamukha niya si Zillex kapag ganong ngumunguso with matching halukipkip pa.

“Let's go?” magaan na tanong sa amin ni Zillex.

Lumingon kaming dalawa sa kanila, natigil sa pagkukulitan. I saw how they stopped when we face them and blinked repeatedly, na para bang may nakitang multo.

Naunang nakabawi si Dalton at mabilis na nag-iwas ng tingin. “L-Let’s go.. masyado tayong gagabihin.”

Tumango kaming dalawa ni Ember at sumunod na sa kanilang dalawa. We're on the backseat habang sa harapan nakaupo si Dalton at Zillex. Si Dalton ang nagpresintang magmamaneho. Hindi naman ‘daw kalayuan ang restaurant na kakainan namin at malapit lang ‘din mismo sa Isla.

After more than fifteen minutes we arrive. Nagulat pa ako ng makitang sobrang ganda d’on lalo na sa mga ilaw na nakapalibot mismo sa paligid ng resto.

Walang akong maaninag na kahit sinong tao sa loob kaya nagtaka na ako. Akmang magtatanong kay Zillex ng naunahan na niya ako.

“We rented the whole place, gusto ni bulilit na tayo tayo lang.” maagap niyang sagot sa akin.

Napatango ako at napatingin kay Ember na hawak ko pa ‘din sa braso ko, mangha rin nakatingin sa kapaligiran niya. Pumapalakpak pa kaya naman mas lalo akong nanggigigil.

“Dad! Dad! look! there's so many lights! Christmas na po ba?” she asked innocently.

Halos manghina ang tuhod ko ng makita kong tumawa ang dalawa sa naging turan ng anak. They're eyes twinkled watching their child being amazed by the scenery in front of us.

“It’s not Christmas yet, Ember. Pinaglagyan namin ng marami kase ganyan yung gusto mo diba?” may maliit ang ngiting sumupil sa labi ni Dalton habang nakatingin sa anak.

Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon