Kabanata 7

3K 41 1
                                    


May mga bagay talaga tayong ipinapangako sa sarili na hindi na gagawin ngunit patuloy 'din namang sumusuway. May mga desisyon na sobrang daling gawin ngunit agad din naman nating pinagsisihan.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magpapakatanga, magpapagamit sa taong hindi ako kayang respetuhin. Paulit-ulit na sinasabi sa sariling hindi na muling magagawa ang bagay na ikakasakit ng sarili ko pero sa huli ay muli lang akong sumugal.

Nakakatakot pero, 'yon ang dikta ng puso't isipan ko. Masaktan man ako, pero at least nasubukan kong sumugal ulit na alam kong hindi ko pagsisihan.

Pinanood kong umayos ng higa si Zillex habang nasa gilid niya si Dalton at inaalalayan siya. Hinayaan kong si Dalton ang nagpunas sakanya dahil alam kong hindi siya komportable kung ako ang gagawa 'non.

"Ihahatid na kita. It's late." marahan na wika ni Dalton sakin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Sino may sabing uuwi ako?" mataray kong sabi na ikinaawang ng labi niya.

"What?" singit ng may sakit na komportableng nakahiga sa kama at kinunotan ako ng noo.

Binasa ko ang ibabang labi at napangisi ng makita ko kung pano nagtagal ang tingin niya sa labi ko.

"May angal ka?"

Inirapan niya ako at inayos ang comforter sa katawan niya. "Oo, baka gapangin mo ko. Mahirap na." ngumisi siya ngunit napawi ng bahagya siyang maubo.

Umawang naman ang labi ko sa sinabi nito habang narinig ko ang pagtawa ni Dalton sa tabi ko.

I scoffed. "Hoy! B-Bakit kita gagapangin! Sino ka ba!" halos mapiyok ang boses ko habang pinanlalakihan ng mata ang lalaking nakangisi lang sakin.

Hindi ito kumibo at pinikit lang ang mata bago tumalikod samin. Mas lalong nanlaki ang butas ng ilong ko dahil sa naging attitude ni Zillex.

Aba't, may sakit na lahat lahat attitude pa siya?

"Kung hindi ka uuwi. Pwedeng mag stay ka muna sa may guest room." tumango ako sa sinabi ni Dalton at nagpasalamat.

Hinatid niya ako sa guestroom na tapat lang ng kwarto nila ni Zillex. He said goodnight before he left. Kumpleto naman din ang gamit sa banyo kaya hindi na ako nahirapan sa panlalagkit ko.

Ginamit ko ang nakitang powder para labhan ang damit para may maisuot ako bukas. Pansamantala kong sinuot ang nakalagay na roba sa kabinet pagkatapos kong magshower.

Komportable akong nahiga sa malambot na kama at niyakap ang katabing unan. Bahagya pa akong tumulala sa kisame habang pinoproseso ang mga nangyari kanina.

Pakiramdam ko ay lahat ng bigat na dala ko simula nung nakaraan araw ay nawala simula ng magkasama kaming tatlo. Walang sorry o kahit ano pero feeling ko kahit hindi nila sabihin iyon ay kaya kong kalimutan ang lahat.

Alam at ramdam ko namang, pinagsisihan nila. Sa kilos at galaw ni Dalton at Zillex alam kong naiisip 'din ng dalawa na mali ang kanilang naging hakbang.

Maaga akong nagising kinabukasan. Mabilis ang bawat kilos ko ngunit may pag-iingat para hindi magising ang dalawa sa kabila. Sumilip pa ako para tingnan ang kalagayan ni Zillex. Agad akong nakahinga ng maluwag ng maramdamang bumaba na ang lagnat niya.

Ininit ko ang ulam na niluto ni Dalton kagabi bago nagsaing. Magluto na rin ako ng bacon, hotdogs, at tocino na nakita ko sa ref.

Mag aala-syete na ng umaga kaya alam kong gising narin ang dalawa. Hindi nga ako nagkamali dahil patapos palang ako sa paghahanda ng pumasok sila sa kusina.

Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon