Declan make sure that no one's knows me here. Pero nagkakamali siya, my family and Dalton's was here. Hindi ko inakala na magtatagpo pa ang landas naming lahat. Akala ko ay hindi na kami muli pang magkikita.
Sa sobrang laki ng mundo talagang napunta pa ako kung s'an sila naroon. Pinapanalangin ko nalang na hindi magkatagpo ang landas namin, ngunit sa liit nitong Isla imposibleng hindi.
Hindi ko pwedeng sabihin kay Declan na lumapit kami ng ibang lugar dahil wala ng iba pang mapupuntahan. Dapat ay magpasalamat na lang ako na inilayo nila ako sa lugar na ‘yon.
Hindi rin ako pwedeng lumipat pa ng ibang lugar lalo at alam kong may banta na ang buhay ko. I’m sure that Josh is currently looking for me. At sa oras na matagpuan niya ako ay hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa akin.
Hanggang nandito ako sa poder nilang dalawa alam kong kahit papaano ay safe ako.
“Bakit hindi ka lumalabas?” takang tanong ni Porsia ng makita ako sa sala pagdating nila ni Declan.
Niyakap ko ang unan at umiling lang sakanya. I’m still shocked seeing them here, madaming pumapasok na senaryo sa akin.
Nand’on sa akin ang puntahan sila, o ang panoorin na lang sila mula sa malayo ngunit alam kong kahit magtago ako ay kusa pa'rin kaming magkikita.
“Madaming magandang view sa labas! do you want me to tour you?” excited niyang sabi kaya bahagya naman akong nahiya.
She's one of the people who helped me, kaya minsan nahihiya akong tumanggi sa mga gusto niyang gawin naming dalawa.
Should I wear cap and mask? para masiguradong walang makakakilala sa akin?
“Don't force her, Porsh. She still adjusting, hindi mo aasahang maggala siya agad. Hindi mo ‘yan katulad, garapal.” pagsalo ni Declan ng makitang nahihirapan ako sa pagtanggi sa kapatid niya.
Ngumuso si Porsh lumungkot ang itsura kaya mas lalo akong naguilty kaya tumango na ako. Gusto ko ‘din mag unwind, ito palang uli ang unang beses na makakaranas akong lumabas ng walang pumipigil sa akin.
Magandang sign na ‘rin siguro ‘to para kahit papaano ay mabura sa isip ko ang mga problema.
Magsusuot na lang siguro ako ng Cap at Mask. Hindi naman siguro sila magtataka kung makita akong nakasuot ng ga’non, they probably think that I’m still scared in the people around me.
I really need fresh air.. a new environment to clear my mind.
Mabuti nalang at may malapit na store dito kaya nakabili ng mask si Porshia habang pinahiram niya na lang ako ng Cap.
Seeing my face in front of my mirror, hindi ko talaga mamukhaan ang sarili. Tanging mata ko nalang ang nakikita, bukod sa pang sudako kong buhok na aabot na hanggang sa ilalim ng pang-upo ko.
Inipit ko ‘yon para kahit papaano ay umikli ‘yon at hindi buhaghag tingnan. Kung dati ay sobrang arte ko sa katawan ngayon ay kahit sobrang tulis ng kuko at dry ng balat ko wala na akong pakialam. Mas namutla ang balat ko dahil halos ilang taong pagkakulong sa loob ng kwarto.
Ni sa mukha ay wala na’rin kaya naman hindi katulad dating halos walang tiny bumps. Ngayon ay mayr'on ngunit iilan lang naman. Lalo at wala akong kahit anong pinapahid na make up sa mukha kahit sa labi na bitak bitak na sa pag ka dry.
My legs weren't smooth like before, it have a scar lalo na sa may bandang pang-upo ko na may mga maliliit na peklat na hindi ko alam kung saan nanggaling dahil sa pagkakatanda ko ay wala akong ga’non dati.
Kaya nagsuot ako ng jogging pants, ang tanging hindi lang pansinin na peklat ay ang paso ng sigarilyo sa aking leeg mula kay Josh. Dahil sa kaputian ko ay natakpan ‘yon, wala rin sa aking mga braso dahil ‘yon ang iniiwasan lagyan dati ni Josh dahil baka may mag hinala.

BINABASA MO ANG
Their Unrequited Love (Love And Ruin Series #2)
RomanceCOVER FROM PINTEREST A spoiled brat Faith Adee Zcheinder is known as a party girl and a chick girl magnet. She can get anything she wants, even boys in their university. But a college boy named Dalton came into the picture. A cold and mysterious m...