PAGE 1:MAHAL KITA PERO PINAPALAYA NA KITA

14 1 0
                                    

(ONESHOT)

Narito kami sa loob ng isang mall malapit sa boarding house dahil nagkayayaan lang ng mga ka board.

Lima kaming lahat sina Akacia, Lyn, Sam, Merry at Ako si May.

May lakad kasi sana kami ng bf kung si Liam pero nag cancel siya, kaya naman sumama nalang ako sa pamamasyal ng mga ka-boardmate ko kesa maburyong lang ako lalo.

Pumasok muna kami sa Greg's Grilled na may mga live bands performers. Kumain kami at nagsaya ng kaunti.

Around 5:30pm ng subukan ko ichat ang bf ko para kamustahin ang lakad niya na importante daw at hindi niya pwede icancel.

*Love, kumusta? Okay na ba lakad mo?*

-sent

*Love, Soon to dinner.*

-sent

Bibitawan kuna ang phone ko ng bigla akong iinterup ako ni Merry at sagiin ang braso ko dahilan para mapatingin ako sa kanila.

"What?" Mataray na aniya ko. Ngunit lahat sila tahimik at pawang nguso at kilay lang ang gumagalaw.

"Ano ba kasi iyon?" Sabi ko pa.

"May, si ano oh," turan nito habang ingininguso ang direksyon. Paglingon ko sa itinuturo nito ay gulat at wala akong maisalita sa mga natutunghayan ng dalawang mata ko.

Ang taong minamahal ko ng 2 taon ay may kasamang iba, magkahawak kamay at nakikita kong mahal na mahal nila ang isa't isa base sa mga ngiti at tawanan nilang dalawa.

Niisang salita ay hindi ko magawang masabi, kaya madali akong umalis sa lamesa namin at nagtungo sa cr.

Ang luhang kanina pa hindi mailabas ng mga mata ko kanina ngayon ay nag uunahang umagos sa mga mata ko dala ang sakit na nararamdaman ko.

"B-bakit Liam?"

"Bakit?!" hagulgul ko pa ng iyak.

Pagkatapos ng ilang minutong pag iyak sa loob ng cubicle ay lumabas na ako, Isang tao lang ang nadatnan ko na nag-aantay sa akin, si Merry.

"May, okay kana ba?"nagaalalang ani'ya.

"Ano sa tingin mo?"turan ko naman.

hinawakan niya ako sa braso at sumabay sa akin sa paglalakad, habang inaalo ang likod ko.

"Everythings gonna be fine, everythings gonna be fine, ho! kaya ko'to!"pagkumbinsi ko pa sa sarili ko upang pigilan muli ang luha kong nagbabadya nanamang tumulo.

"Teka, saan ka pupunta? hoy!" wika nito ng mauna bilisan ko ang lakad ko at lumihis sa direksyon niya.

Agad akong nagpunta sa likod ni Liam na kasalukuyang nakayakap sa babae at animo'y may binubulung sa tenga ng babae at para itong kinikilig.

"Liam ah, sure kang hindi nakakahalata sayo si May ah. Baka kasi ano eh," ani'ya ng makita nito ang pag ngisi ko habang nasa likod ng lalaking inaahas niya.

"L-liam s-si si ano,"

"Sinong Ano-" naputol ang sinasabi nito ng lumingon ito.

"M-may? a-anong ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa boarding house ka lang?"

"Hep hep! isa-isa lang ang tanong. Una anong ginagawa ko dito? Heto tinitignan ang lovestory niyong nakaka-umay sa tamis. Pangalawa bakit? nabili niyo na ba ang mall nato para ipagbawal mo ang pagpunta ko dito?" taas noo kung wika, bakas sa itsura niya na nahihiya siya.

"Halika umuwi na tayo Mayy, ihahatid na kita sa boarding house mo at doon na tayo mag usap, please..."

"NO! Di mo ako kailangan ihatid. Kaya kung umuwi mag isa, actually may kasama ako eh. Kaya no need, wag kana mag abala, nakakahiya naman sa date mong sobrang importante, isa pa wala naman na tayong dapat pag usapan pa Liam, Mahal kita... pero pinapalaya na kita, hindi muna ako kailangan lokohin pa."

"Sandali lang May, Please mag usap naman tayo. magpapaliwanag ako,"

"I said you don't have too. Its too late,"

"Goodbye..." wika ko bago ko ito iwan kasama ang babaeng ipinalit niya sa akin.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon