AKO AY SIYA

1 0 0
                                    

(ONESHOT)

~
Nandito ako ngayon sa tulay kong nasaan ang banawi river at naka upo habang minamasdan ang nalalapit na paglubog nang araw.

May dala akong sketchpad dahil hilig ko ang pag guhit ng kong anong bagay o tanawin na magugustuhan kong iguhit.

Ngunit sa ilang oras kong pag upo dito ay ni-isang iginuhit ay walang laman ang sketchpad ko.

Napabuntong hininga nalang ako dahil napapadalas na ang pagiging ganito ko, nais gumuhit ngunit hindi Ma-Iguhit.

Minasdan ko muli ang Ilog at ang araw na papalubog, napaka gandang tanawin ang mapag masdan ang araw na papalubog.

At hindi mapigilan hindi mamangha dahil sa likha ng diyos.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ilan segundo akong gan'on sa sitwasyon at bago mag mulat ng mata ay huminga ako ng malalim nagbabakasaling sa pag mulat ay may maiguhit na ako .

Ngunit sa pag dilat ko ay nagulat ako nang hindi ko agad napansing may bata pala akong katabi.

“Hello po,” wika nito dahilan para magulat ako dahilan para makapag bitiw ako nang hindi kaaya-ayang ekspresyon.

“Ay anak ng p*ta!”  wika ko rito, Napahagikgik ito na wari'y ko'y natawa dahil sa naging ekspresyon ko.

“T-teka? B-bata kanina ka pa d'yan?”

“Hehe kani-kanina lang po ako ateng magugulatin, hehe,” Ngumiti nalang ako ng pilit sa bata at napakamot sa ulo ko dahil sa ibinigay na palayaw nito sa'kin.

“B-bakit ka pala andito? Teritoryo ko to eh, kaya bakit ka na'ndito at paanong alam mo ang lugar na'to?” wika ko habang nakatingin sa kaniya, ang bata namang kausap ko ay nakatanaw lang sa araw.

“Ako po kaya ang nauna dito hehe naging madalang lang po ang pagpunta ko rito dahil istrikto ang step father ko,” tumango ako at napangiti nang mapagtantong pareho kami no'ng bata pa ako.

Ayaw na ayaw ni Tito Benny na umaalis ako ng bahay dahil ayaw niya din sa ginagawa kong pag guhit dahil wala daw akong mapapala sa bagay na'to.

“Ahm ate Ano pong pangalan niyo? Para friends na tayo hehe,”

“Ako Si Belle, ikaw?”

“Belle, din po ang pangalan ko hehe ang saya naman kapangalan ko pa ang bagong kaibigan ko,”

“May tawag po sa gano'n eh,yong ano ... hmmm yong ... Tukotuyo po ata hehe,” Natawa ako nang bahagya dahil sa sinabi nitong salita na mali.

“Katukayo iyon batang belle,” wika ko at ngumiti sa kanya.

“Ah! Opo yun nga po hehe Ka-tu-ka-yo! tama na po ba ate belle?” tanong nito sakin at tumango ako.

“Ahm ate, ano po iyang dala-dala niyo?” tanong nito muli sa' kin.

“Ano uhm... pang drawing 'to. Sketchpad ang tawag dito,” tumango ito at ngumiti napansin kong pareho kami nang facial expression.

Nakakatuwa ang batang ito.

“Magaling po ba kayo mag drawing?”

“Hindi naman sa magaling pero, marunong lang ako hehe,”

“hmm...”

“Kaso ...”

“Kaso... ano po?” Tanong ng bata.

“Kaso kahit marunong ako, sa ngayon wala akong Maiguhit hindi ko alam kong bakit, haist...” Aniya ko sa bata.

Humagikgik ito habang ang paningin ay nasa malayo.

“B-bakit belle? may nakakatawa ba?” tanong ko rito.

“Wala po ate, pero natutuwa ako na sa edad mong iyan ay hindi mo padin binibitawan at kinakalimutan ang hilig mong ‘yan. Ayos lang po kong wala kang maiguhit sa ngayon. Wag mong pilitin kasi kapag mayroon kanang naisip na iguhit at mag kukusa naman ang isip at kamay mo na gawin iyon. Ipahinga mo ang utak mo at subukan pang Unawain ang totoong halaga ng pag guhit para sa iyo Ate Belle.” Mahabang pag sasalaysay nito, namangha ako sa husay nitong magsalita at mag advice akala mo ay mas matanda pa ito sa'kin .

Napangiti ako sa Sinabi nito kaya't gaya nang pag tanaw nito sa araw ay ganoon nadin ang ginawa ko at nirelax kong maigi ang isipan ko.

Nagtaka ako nang bigla itong tumayo.

“O, teka Belle, Aalis kana?”  Tumango ito at ngumiti.

“Tapos na ako sa dapat kong gawin kaya dapat lang na umalis na ako. Babalik na ako sa lugar kong Nasaan dapat ako.”

“Hmm... gano'n ba, sige! mag iingat ka belle at mag kita nalang tayo ulit dito pag may pagkakataon hehe... pero may tanong ako Belle, saan mo natutunan ang mga salitang binitiwan mo kanina? Sa edad mo kasing ‘yan parang... alam mo ’yun? basta! Ang galing mo mag advice eh,” mahabang litaniya ko.

“Eh kasi .. Ako ay ikaw, Ikaw ay ako,”

“Huh? A-anong i-ibig mong sabihin Belle?”

“Ako at ikaw ay Iisa. Ikaw ako sa nakaraang panahon mo at pag lipas ng mga panahon ako ay magiging ikaw na,Iisa lang tayo Ate Belle,” wika nito at ngumiti sa'kin.

Para akong naguluhan sa sinabi niya kaya't pumikit ako sandali dahil baka nanaginip lang ako.

Ngunit sa pag dilat ko ay Wala na akong Batang Belle na nakita.

Huminga akong muli ng malalim at inalala ang imahe namin ng sarili kong nag uusap kami ngunit ang iginuhit ko ay ang mga sarili namin—sarili kong nakatalikod.

Nang matapos ko ang Iginuhit ko,  pinamagatan ko itong, Ako ay Siya.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon