PAGE 9: I LOVE YOU, MAHAL.

0 0 0
                                    


“Hmwa! Hmwa! Mahal, gising na!” Wika ng asawa kong si Melissa.

2 buwan pa lang kaming kasal at nagtatrycicle lang ang hanap buhay ko pero kaya naman para sa'min.

“Hmm... Oum na mahal gigising na ako,” Tinitigan ko ang maamo nitong mukha at nangiti nang maisip na maswerte ako dahil minahal ako ng gaya niya.

“Mahal? Bakit? May dumi ba sa mukha ko?” Tanong niya pinunasan pa niya ang mukha niya upang makasiguro. Umiling ako at nginitian na lang siya .

“Eh kong wala pala, bakit ka nakatitig sa'kin?”

“Ang ganda mo kasi,” malambing kong pagkakasabi.namula ang mga pisngi nito kaya lalo akong natuwa.

“Ano ba mahal, ang aga-aga ay pinakikilig mo ako,” wika nito sabay hampas sa braso ko at hinawakan ang mga pisngi niyang namumula.

“Totoo mahal ko, ang ganda mo! Kaya't wala na akong hihilingin pang iba, walang iba kundi ikaw lang. At kong mauulit muli ang buhay natin ikaw parin ang nanaisin kong mahalin at makasama,”

“Totoo? Kahit na makakita ka ng mas maganda sa'kin d'yan sa labas ng bahay ay hindi mo titignan iyon?"  paniniguro niya.

Tumango ako ng ilang ulit at hinawakan ang kamay niya.

“Kahit gaano pa kaganda ang iharap nila sa'kin ,walang ibang babae ang nanaisin kong masilayan kundi ikaw lang mahal,kaya h'wag kang magalala kahit nasa labas ako o nasa malayo ikaw lang ang babaeng pakamamahalin ko," wika ko at hinalikan siya sa kaniyang nuo upang mas maiparamdam ko ang tunay kong pagmamahal at maramdaman niyang totoo lahat ng sinasabi ko.

“Ahm mahal bumangon kana d'yan at mag agahan dahil babyahe ka pa hindi ba?" tumango ako at tuluyan ng umalis sa higaan.

Pagbaba ko ay nakahain na ang agahan at kape ko. Napaka swerte ko talaga.

“Mahal,magiingat ka sa pagda-drive huh," wika nito bago sumubo ng pagkain niya.

“Alam ko mahal,h'wag ka magalala palagi akong magiingat dahil 'yun ang dapat,"

“Isa pa,Gusto kong tayong dalawa ang kagisnan ng magiging anak natin," aniya.

“Anong Anak—t-teka? Anak? anong i-ibig mong sabihin mahal?”

“Tama ang pagkakaintindi mo mahal,buntis ako at magiging Ama kana!" masiglang Wika nito.

“Whoooh! Magiging Ama na ako!! mga kapit-bahay!magiging Ama na ako!"

“Mahal! haha tama na iyan ano ka ba!nakakahiya sa mga kapit-bahay,HAHAHA para ka namang sira eh,"

“Mahal napakasaya ko! Ako ang pinaka masayang lalaki ngayon,mahal mas pagbubutihan ko pa ang paghahanap buhay para sa'tin at sa magiging anak natin,pangako 'yan!"

“Mahal,ang mahalaga maayos kang makakauwi sa'min ng anak natin galing sa byahe,"

“Oo mahal,pakiss nga!"

“Hmmmua,tama na kumain kana ulit mahal ko,"

matapos namin kumain ay hindi ko padin maialis ang ngiti sa mga labi ko.

“Aalis na ako mahal,hintayin mo ako mamaya huh,"

“Oo mahal,sige na at magiingat ka. mahal na mahal kita mahal."

“Gano'n din ako mahal,Mahal na mahal ko kayo ng magiging anak natin."

Umalis nadin ako pagkatapos no'n.

Ilang oras na akong bumabyahe at maganda naman ang pagdating ng mga pasahero ngayon.

Alas otso na ng gabi at bumabyahe pa ako dahil sayang din at marami padin ang pasaherong sumasakay,plano kong pagka Alas nuebe ay uuwi na ako.

“Kuya sa kabilang kanto lang po,"

“Nako ma'am madilim kasi na parte do'n at isa pa po pauwi nadin po kasi ako sana dahil hinihintay na po ako ng magina ko. pasensya na po,"

Umalis na ako kaagad sa paradahan ng umalis ang babaeng kausap ko, habang bumabyahe ako patungo sa direksyon ng aming tahanan ay binilisan ko na ang pagdadrive dahil madalas ay wala namang sasakyang dumadaan dito.

Sa pagliko ng minamaneho kong trycicle ay may truck na bigla na lamang sumulpot at sumalubong sa'kin.

Pumailalim sa ten wheeler truck ang trycicle ko at ako naman tumilapon at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na alam.

CRIZELLE'S P.O.V

Mag-A-alas dyes na nang gabi at wala padin si Jerry—Ang asawa ko.

Alas nuebe ang sinabi niyang uuwi siya ngunit ngayon ay lagpas na pero wala padin.

Kanina ay bigla na lamang akong nakaramdam ng kakaibang kaba kaya hanggang ngayon ay hindi ako mapakali.

“Makainom na nga lang ng tubig,baka sakaling mawala itong kabang nararamdaman ko ..hayst jerry umuwi kana ..." wika ko sa sarili ko .kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig.

Iinom na ako ng tubig ng bigla nalang dumulas sa kamay ko ang basong hawak ko ,kaya't lalo akong nakaramdam ng kaba at namumuo na ang mga luha ko dahil dito,ayaw ko man magisip ng kong ano pero iisa lang ang tumatakbo sa isip ko,—baka may masama nang nangyari sa asawa ko.

Ilan saglit lang ay nagring ang cellphone ko,si Jerry ang tumatawag.

“Hello mahal—"nahinto ako sa pagsasalita ng ibang boses ang marinig ko.

“Hello ma'am? and'yan pa po ba kayo? Ahm ma'am kayo po ba ang asawa ni Jerry Gomez?"

Huminga akong malalim bago sumagot.

“Ah ,Oo ako nga po s-sino po k-kayo?"

“Pumunta po kayo sa Ospital ng Maynila ngayon,"

“S-sige po," Utal na sagot ko ramdam kuna ang panginginig ng buong katawan ko Na parang Nilagyan ng yelo ang mga paa ko dahil ramdam ko ang malamig na presyon sa talampakan ko.

Agad akong bumyahe patungo sa nasabing ospital.

At nang makarating ay agad akong nagtanong sa nurse at pinasunod ako sa isang parte ng ospital na wala masyadong tao at kong meron man ay mga taong umiiyak ang makikita mong nasa labas ng kwartong iyon.

“Pasok po ma'am,ito po ang katawan ni Jerry Gomez,” wika ng nurse na lalaki.

“K-katawan? T-teka s-sigurado ba kayo d'yan? A-anong katawan ang sinasabi m-mo n-nurse?"

“Nasa byahe po ang asawa ko. Alam ko! Hindi siya yan! Nagkakamali kayo!" sigaw ko sa nurse kaya't tinanggal niya ang telang puting nakatabon sa katawan ng bangkay.

Sa pagtanggal ng puting tela ay kusang nag unahan ang mga luha kong kanina pa pinipigilan.

“Waaa! Jerry!! Mahal ko!! H-hindi ito p-pwede! H-hindi 'to totoo mahaaaal!" paghagulgul ko sa loob ng morgue.

“P-paanong nangyari 'to?! S-sinong gumawa nito sa'yo mahal,"

“Accidente po ma'am ng truck at trycicle ng asawa niyo.tumilapon siya at nagulungan ng isa sa mga gulong ng truck,” Lalu pa akong napahagulgul dahil sa mga sinabi ng nurse.

Wala na, wala na'yong Taong mahal ko.
Wala nang tatayong Ama sa anak ko.
Wala na akong Asawa na maalaga, mapagmahal at maunawain.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon