"A mother and daugthers love and sacrifice"

1 0 0
                                    


(ONESHOT)
~

Nakabihis na ako ng uniporme ko dahil naghahanda na ako sa pagpasok sa eskwela.

Nadinig ko pang nag-aaway ang mama ko at  kinakasama nito, pero nakinig lang ako at mayamaya nga'y lumabas na ako sa maliit na kuwarto ko na parang walang narinig na sigawan at murahan ng dalawa.

“Alis na po ako,”paalam ko at dire-diretsong naglakad palabas ng barong-barong naming tirahan.

“S-sige anak, mag-iingat ka.” tugon ni mama. Nauutal pa dahil sa nabigla ito ng bigla akong lumabas mula sa kuwarto.

Madalas silang magtalo dahil sa pera dahil ang kinakasam nitong si tito ken, wala na ngang trabaho madami pang bisyo, minsan dahil sa kalasingan nito nasaktan na niya si mama.

Narating ko na ang eskwelahan ko. Pagpasok ko sa gate ay nakasabay ko na ang mga kaibigan ko doon, sina lucy at brenda.

Masaya silang nag ku-kuwento tungkol sa mga napapanood nila na mga teleserye sa t.v. na hindi ko naman alam dahil wala naman kaming t.v. sa bahay.

“Tahimik mo naman diyan, Mira.”Pag uusisa ni Brenda.

“Wala lang 'to,”sagot ko pero ang totoo ay nararamdaman ko na kasi ang gutom ko tanging kape at bahaw na kanin lang kasi ang kinain ko sa bahay bago umalis hindi nadin ako nag abalang humingi dahil siguradong kaunti lang o baka walang pera si mama.

Sa buong klase ay wala akong natutunan pano'y lumilipad ang utak ko sa gutom.

Madalang ang may maibaon ako sa buong linggo, makakapagbaon lang ako kung mangangalakal ako, tapos hahatiin ko pa para sa mga kapatid ko.

Bata pa lang ako ay ganitong buhay na ang nakikita ko, kaya gustong-gusto kong yumaman para mai-alis ko sa ganitong buhay ang mga maliliit ko pang kapatid.

Mabilis na natapos ang buong klase at tumunog ang bell senyales na lunch na.

Tulala padin ako at nararamdaman na ang panginginig ng tuhod ko dahil sa gutom, lunch break na kasi at heto, wala akong ipambibili ng kahit na ano sa canteen kaya napag desisyunan kong huwag ng bumaba at idaan nalang sa pag inom ng tubig at pag idlip ang nararamdamang gutom ko.

“Uy!” Kalabit sa akin na may kasamang tulak, hindi ko kasi napansing kanina pa pala nila ako tinatawag.

“U-uy, a-ano ba kasi iyon, Lucy?”

“Hala? patay malisya yarn? haha, lunch na kaya! kaya tara na at bumaba.”ani'ya. Umiwas ako ng tingin at ibinaling ang paningin sa labas ng bintana na parang may  tinatanaw sa malayo.

“Hoy! ano ba mira, tara na baba na tayo.”pag-uulit pa ni brenda.

“Sige na bumaba na kayo, wala akong gana kumain eh, busog pa ako.” wika ko pa ngunit ang tiyan ko na mismo ang kusang nagtraydor sa akin Nang marinig kung bigla ang pagkalam nito napapikit mata nalang ako dahil sa kahihiyan.

“Busog daw uh, haha loka-loka talaga! sa atin pa talaga magsisinungaling. Tara na mira at tumayo kana diyan. Libre ka namin.”Usal ni Brenda. Siya ang madalas na gumagawa nito sa aming tatlo, dahil madalas may sobra sa pera niya.

Hinila na ako ni lucy at hindi naman na ako nagpapigil dahil baka ano mang oras ay mahimatay na ako sa gutom.

Pumila na kami at umorder ng makakain, inorder ng dalawa ay tuna burger at isang juice samantalang ako ay isang spaghetti lang na namumutla ang kulay.

Naupo kami sa isa bakanteng lamesa at sinimulan ang pag kain.

“Lucy, after high school ba anong course kukunin mo?” tanong ni brenda kay lucy. Naningkit ang mata ni lucy at kunwaring nag iisip sa gustong kuning kurso.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon