THE MV DOÑA PAZ TRAGEDY

1 0 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Ito ay base sa totoong pangyayari noon, at ilan sa totoong impormasyon patungkol sa trahedyang iyon ay nakapaloob sa kuwentong ito ngunit ang karamihan ay aking idinagdag lamang upang magawaan ito ng kuwento.

Salamat sa pagbasa.

Ps: Pwede niyong ire-search ang tungkol sa trahedyang ito kung nais niyong mas malaman pa.

- - -

Nakaupo lamang ako sa isang tabi ng may marinig akong mga boses ng mga kabataan na mukhang naghahanap ng ipi-presinta nila para sa kanilang proyekto.

Madalas talagang may naghahanap dito sa lugar na'to lalu at isa ito sa pinaka matandang library na makikita mo sa buong mundo.

Narito na yata halos lahat ng mga bagay na alam at hindi alam ng mga kabataan patungkol sa'ting bansa .

Ang mga history ng iba't ibang bansa,mga pananakop,mga alyansa ,mga imperyalismo mga kasanayan at tradisyon.

Ngunit may isang kabanata sa buong mundo na hindi nalaman ng karamihan at hanggang sa mga sumunod na henerasyon ay iilan lang ang nakaalam nito.

Nilapitan ko ang dalawang kabataan na sa tingin ko ay nasa high school na ang mga ito.

Pinagmasdan ko ang librong kinuha nila ,mukhang naghahanap sila ng magiging bago sa pandinig ng mga tao.

"Chelsea,Ano? may nakita ka?" Umiling ang kasama nito at nagpatuloy sa paghahanap sa mga libro.

Dumaan ako sa likuran nila at napansin naman ako nang batang nagngangalang Chelsea.

"Ma'am,Librarian ask ko lang po,if meron ba kayong book dito na about sa mga bagong tuklas o history na hindi gaano alam ng iba?" Tumango ako rito.

"Ah ,saan ko po bandang Shielved makikita at ano pong title?"

"Wala sa libro iyong tinutukoy ko."

"Ah,Sabi niyo po meron?"

"Meron nga ngunit... Wala sa libro ang tinutukoy ko,Hindi naisulat sa kahit anong libro ang pangyayaring iyon."

"Eh Saan po namin makikita?"

"Hayaan ninyong ikuwento ko sa inyo ang buong pangyayari." Tumango sila at nginitian ako. naupo ako sa bakanting espasyo sa dulo at nagsimulang magkuwento.

"Taong 1987 Abente ng Desyembre,Pumalaot ang barkong pinangalanang MV Doña Paz,ng saktong 6:30 ng gabi. Napakaraming sakay nito Mga bata,matatanda,mga sasakyan at iba pa." Huminga akong malalim ng magsimulang bumalik muli sa aking alala ang mga nangyari no'ng gabing iyon.

Tila isang bangungot para sa'kin.

"Ang mga taong nakasakay sa barko ay puno ng galak sa kanilang mga mata,mababatid mo ito sa kanilang mga ngiting ipinapakita sa bawat isa sa loob ng barko,Ang barkong isa sa tinaguriang Luxury no'ng mga panahong iyon."

"Bago mangyari ang trahedya ang mga tao ay nagkakatuwaan kahit pa karamihan ay hindi kilala ang bawat isa. Halos ilang oras binyahe ng barko bago makarating sa distenasyon nito ,nang mag eksaktong alas otso ng umaga nangyari ang 'Di inaasahang mangyayari."

"Bakit po? Ano po ba ang nangyari?" aniya ni Chelsea.

"Ang barkong  Mv doña Paz ay may kasalubong na isa pang barko na pinangalanang Mv Vector. May mga laman itong tangke ng mga gasulina at iba pang mga bagay na maaring umapoy at sumbog. Ang mga oras na iyon ay isang bangungut na nagdala ng takot sa bawat isang nasa loob ng Doña Paz pagkat ang dalawang malalaking barko ay nagsalpukan dahil sa lakas ng alon sa dagat ng panahong iyon,"

"Hmm,bakit po ba maalon sa dagat noong panahong iyon?"

"May namumuong low pressure no'n na hindi pa naman tiyak kong magiging bagyo ba kaya't nakapaglayag pa ang mga barko."

"Ah.. kaya po pala tapos po ? ano nang nangyari,"

"Nagsalpukan ang dalawa,Napinsala ang makina ng Mv vector at ang iba sa mga tangke ng dala-dala nitong mga gasolina ay nabutas at natapanon sa loob ng barko pati sa dagat sa lokasyon mismo ng Mv doña paz."

"Hala," gulat na wika ng dalawa.

"Nagsimula ng mag panic ang mga tao dahil sa labis na takot at pangamba,ang iba ay umiiyak na mga matatanda,mga bata at mga sanggol gayon din ang mga ina ng mga bata,Sinubukang agapan ang lumalaking sunog sa loob at labas ng barko ngunit walang nagawa ang kapitan at iba pang crew nito dahil kumalat na sa dagat ang gasulina kaya mas mabilis na kumalat at natutupok ang mga bahagi ng dalawang barko,Sumabog ang isa sa tangke at tuluyang napinsala at nasunog ang halos kalahati ng barkong doña paz,nagtakbuhan at nagtalunan na sa dagat ang ibang mga tao nagbabakasaling makakaligtas sa trahedya."

"Omg!" nagAalalang wika ni Danica.

"Pagkatapos nang nangyaring malaking sunog sa ibabaw ng dagat halos karamihan sa mga sakay ng barko ay nakikitang nakalutang sa tubig dagat at wala ng mga buhay ang mga ito.Maraming  bata,at iba pa. Tinatayang 4,800 plus ang naging biktima dahil napag alaman ng mga Autoridad na ang Mv Doña Paz ay overloaded sa pasenger dahil may mga nakasakay din pala sa barko na mga taong wala sa listahan o bilang ng mga saktong pasahero lang na dapat sakay ng barko. idagdag niyo pa ang mga sasakyan panglupa gaya ng mga van at bus at mga pasahero din nito kaya nahirapang imaneobra ng kapitan dahil sa sobra-sobrang bigat na,"

"May mga nakaligtas po ba o wala?"

"Ang sakay ng barko ay nasa mahigit Limang libong katao na dapat ay nasa tatlong libo lang,apat na libo mahigit ang patay at bente kwatro lang ang survivor sa doña paz at ang dalawa pang survivor ay galing sa Mv Vector. may iba pang katawan na hindi nahanap hanggang ngayon,"

"Bakit po pala alam niyo lahat ng iyan ma'am,"

"Dahil... Isa ako Sa... mga Survivor na nahanap,Katorse lang ako no'ng panahong iyon at ngayon kwarenta enuebe na ako. Matagal nang panahon naganap ang lahat ngunit sa alalala at diwa ko ay parang kahapon lang,Kasama sa namatay at nawawalang katawan ang Buong pamilya ko."  Wika ko at isa-isa nang tuluyang nagbagsakan ang mga luha ko.

"Condolence po ma'am, may there soul be rest in piece,"

Tumango ako at patuloy na pinapunasan ang mga luhang pumapatak.

"And Ma'am thankyou very much po dahil, Hinayaan niyong ibahagi sa'min ang pangyayaring iyon ang makasaysayang trahedya bagamat mabigat para sa inyo pero naglakas loob kayo para ikuwento sa'min ,Maraming salamat po." Wika nito at matamis na nginitian ako.

Ngumiti ako sa kanila at nagpaalam nang babalik na puwesto.

———

end.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon