LOVE MOVES IN MYSTERIOS WAYS

0 0 0
                                    

•Work of fiction
•Written by : Aeiy wp
#CAHIW
#TWC
~

Totoo ba na pwede mong mahalin angbisang taong hindi mo pa naman nakikita?

People now a days will come and go. . .
'Yung bigla nalang silang kakatok sa pinto ng buhay mo para mang gulo,  tapos bigla nalang din mawawala ng hindi mo namamalayan.

Babalik na parang walang nangyari... na parang hindi nila alam kung ano 'yung pain na dinulot nila sa tao.

Pero sa kabilang banda may mga tao na bumalik para maging opisyal na parte ng buhay mo.
~
2011 nauso na ang gm o ang pagsesend ng text sa isang grupo o mas kilala sa tawag na Clan.

I was reading my favourite pocket book that i bought last week, nauuso pa lang din ang wattpad noon, O, baka sadyang late bloomer lang ako. Tanging keypad lang kasi ang gamit ko sa pakikipag communicate sa mga kaibigan ko.

Nakarecieve ako ng text galing sa bestfriend kong si Grace.

"Best! May ipapasa akong clanform, sali ka, para naman magkaroon ng kulay at ingay ang boring mong buhay hahah" Sabi nito sa text na agad kong nireply-an.

"Ano naman gagawin ko doon? Ni-hindi ko nga alam ang mga ginagawa niyo sa clan." Turan ko sa text at agad na sinend. Mabilis itong nagreply.

'Iba talaga pag keypad warrior at clanista! Bilis magtipa!'

" Tuturuan kita! Don't worry. Fill up mo nalang muna hehe," Sabi nito kaya naman ginawa ko ang gusto niya.

Pagksabi kong nafill-upan ko na ay may sinend naman 'tong number at doon ko daw isend. Kaya ayon ang ginawa ko.

"Best! Anong codename nilagay mo?" Tanong niya sa text. Napaisip ako. Kasi wala akong inilagay na code name doon kaya naman binago ko ang form na pinasa ko do'n. Makalipas nga lang ang  ilang minuto mabilis akong naipa-welcome sa clan nila na ang pangalan ay Sinner and Saint.

Napangiwi pa ako nang mabasa ang pangalan ng clan. Agad akong nagtext kay Grace kung paano ba ang gagawin. Gaya ng sinabi niya ay isi-nave ko muna ang mga number at nilagyan ng markang 's' ang bawal pangalan ng contacts para hindi ako malito.

Lumipas ang mga araw na unti-unti kong natutunan ang galawan sa clan.

morning everyone!

Cooleet at u're screen...

SAS|GM
-
Bati ko sa loob ng clan. May isang number ang pumansin sa bati ko at nagreply sa akin via private message.

Tanging ' HAHAHAH' lang ang naging reply nito sa Gm ko kaya imbis na matuwa ay tila matagumpay nitong nasira ang umaga ko.

Iyon na nga ang simula ng araw na palagian niya akong inaasar, mapa private message man o gm floor ay paulit-ulit niya akong binubulabog ng mapang-asar nitong tawa at kaunti nalang ay iisipin ko ng may sayad siya.

Isang araw nang magpa welcome ang welcomer ng grupo isa na dito ang babae na alyas na Amber.

Dalawang araw akong hindi nakatanggap ng pang aasar ng lalaking si na ang alyas ay Donut. Sound's yummy, but the question is yummy ba talaga?  Hahaha, silly me!

After two days nga ay muling nakatanggap ng mga Gm ni Donut pero tanging Gm lang niya ang natatanggap na may tag na number 14. Napansin kong pareho sila ng tag kaya iisa lang ang naisip ko na baka mag jowa sila.

Lumipas na halos ang isang buwan mula ng makasali ako sa clan na SAS and wala pa rin naman pagbabago. Si Donut at Amber minsan nagpaparinigan na mahahalata mong may tampuhan, minsan naman ay halos puro sweet things ang laman ng gm nila.

Nagbawas din ng member ang  founder.

After two weeks pa nga ay wala na ako nakikitang tag ng dalawa. Hindi ko na din ito masyadong pinagtuunan ng pansin, nakikipag usap ako madalas sa gmf para makaiwas din sa pag terminate o pag warning sa mga nagiging display.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon