PAGE 3: LOVE VS. RELIGION

8 1 0
                                    

WARNING:

What is contained in the story is just my imagination, any religion or identity mentioned is not intended. Everything that happened in the story is based only on what I know and does not criticize any belief or tradition.
-

(ONESHOT)

"Babe, Uhmm... paano kung paglayuin tayo nila Abe ko, anong gagawin mo?" Kabado at hindi sigurado kong tanong sa kasintahan kong si Micheal.

Siya ang pinakamamahal ko, at hindi ko kaya na malayo pa sa kaniya. siya ang nais ko makatuluyan at pakasalan. Pero may isang hadlang sa'min.

Ito ay ang relihiyon ko, isa akong muslim at ang kasintahan kong si Micheal ay isang katoliko, ang relasyon namin ay lingid sa kaalaman ng mga magulang ko ngunit sa pamilya niya ay pormal akong kinikilala bilang kasintahan ni Micheal.

Hindi man samin sinasabi ng pamilya niyang Humahadlang sila ay ramdam kong ganoon nadin dahil siguro sa pagkaka iba ng kinagisnan naming relihiyon at alam din ng pamilya nila ang mga kahaharapin ni micheal oras na malaman ito ng pamilya ko na siya din ipinag-aalala ko.

"Tinatanong pa ba yan? syempre, ipaglalaban kita. Kasi ganoon kita kamahal Zahara. Ayaw ko ng malayo ka sa'kin. Gusto kitang pakasalan." prenting sagot naman ni Micheal.

"Magpa convert ka kaya?"

"Wala naman akong problema doon Babe, kaso nga lang baka wala akong ipang dore sayo. pasensya kana ah, masyadong makapal ang mukha ko para pangarapin kang maging asawa pero wala naman akong kakayanan na maibigay ang posibleng hingin sa'kin ng iyong abe,"

"Hayaan mo na, inshallah pagbibigyan din tayo ni Allah at alam kong hindi niya tayo pababayaan," isang malungkot na ngiti lang ang isinukli sa'kin ng kasintahan ko.

Kinabukasan nagplano kami ulit na magkita dahil first anniv namin at icecelebrate sana namin ito sa isang halal fast food. Napaka simple pero sobrang saya ko na umabot kami sa puntong ito.

Nakaupo ako habang hinihintay si Micheal ng lumapit sa'kin ang waiter.

"Excuse me po, Ma'am. may nagpapabigay po nito sa inyo galing po sa isang lalaki." wika ng waiter dala ang isang kapirasong papel.

binuklat ko'to at binasa, galing sa nanay ni micheal ang sulat.

*Nanay ni Micheal ito, Hindi na darating ang anak ko. huwag muna siyang hintayin pa dahil kritikal ang lagay ng anak ko ngayon dahil sa ginawa ng pamilya mo sa kaniya, huwag mo na din kaming hanapin pa kong san namin siya dinala dahil hindi ko na hahayaan pang masira pa lalo ang buhay ng anak ko dahil lang sa pakikipagrelasyon niya sayo!*

Hindi ko namalayang humahagulgol na pala ako sa pag iyak habang binabasa ang sulat ng nanay niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kaniya.

dali-dali akong lumabas sa fast food chain at tinungo ang opisina ng ama ko upang alamin ang lahat.

Bago ako kumatok ay may nadidinig akong kausap ang papa ko.

"Natapos niyo na ba ang pinapatrabaho ko sa inyo? Huwag niyo ng hahayaang makakalapit pa yang kristiyanong yan sa anak ko," wika nito sa kausao niya. hindi na nga ako nagdalawang isip pa at pinasok na ang silid.

"Ama! Anong ginawa niyo!? bakit niyo ginawa iyon sa kasintahan ko?!"

"Zahara, Mabuti at nandito kana."

"Ama ! sumagot po kayo sa tinatanong ko, pakiusap!" wika ko habang humahagulgol.

"Oo, ginawa ko nga iyon. para din yon sa ikabubuti mo. wala siyang magandang maidudulot sayo, kaya maghanda ka para bukas. dahil iyon ang araw ng iyong kasal para sa lalaking napili namin para saiyo. hinding-hindi ako tatanggap ng kristiyano sa pamilya natin. kahit pa mag balik islam siya! naiintindihan mo?" Galit na sabi nito. Lumabas ako ng silid at takbo lakad na nagtungo sa bahay nila micheal ngunit bigo akong makita silang nandon.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon