THE WORLD AFTER 2000 YEARS(ENDING)

1 0 0
                                    


WARNING: MATURE CONTENT!!
~

Dahan-dahan kung minulat ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Mabigat at parang pagod na pagod ako.

    ‘Nasaan ako? bakit hindi ko maramdaman ang buong katawan ko?’

Para bang tanging utak ko lang ang nagsasalita para sa'kin dahil maski bibig ko ay hindi ko maibuka.

    “Gising kana pala, Android0722.” Ani'ya.

    “Ohw! muntik ko nang makalimutan 0722, Alyanah. Isa ka na ding robotics figure. Isa kana sa mga tauhan kong susundin ang gusto ko. Kahanga-hanga kang talaga! lahat ng  evaluation na ginagawa ko sa mga human robots ko ay pasado ka. Mukhang magiging maganda ang magiging samahan natin, mahal kong anak.” Ani'ya pinindot ang isang green button dahilan para maigalaw ko ang dalawang balikat ko sa paraan ng pag galaw ng gaya sa mga robot.

‘Napaka walang hiya mo! pati ako na anak mo pinag-exeperimentuhan mo!’

“Lahat ng parte mo ay kontrolado ko na Alyanah, kaya't huwag mong tatangkain na kalabanin ako. Dahil ako mismo ang magpapasabog sa'yo, oras na gumawa ka ng hakbang laban s'akin! naiintindihan mo ba?!” maawtoridad nitong sabi. Tumango ang ulo ko ng dalawang beses para sang-ayunan sinasabi nito.

‘Walang puso! baliw na scientist!’ bulalas ko isip ko. Tanging sa isip ko nalang nasasabi bawat salitang gusto kong sabihin sa kaniya. Wala akong kalakas-lakas para makontrol ang robot na katawang meron ako. Pero nakakapagtaka lang na para bang hindi kasama ang pag iisip ko sa mga kaya nitong kontrolin? Hindi ba niya nakokontrol ang iniisip ko?

Dapat kung pag aralan bawat galaw na gagawin ko. Dapat akong mag-ingat.

Umalis si Dr. Agapito sa loob ng isang cylender lab kung saan niya ako pinag-experimentohan at kinabitan ng napakaraming monitoring devices.

Tinignan ko ang buong paligid sa labas ng cylinder lab. Hindi ko pa maigalaw ang katawan ko tanging ulo at mga daliri palang dahil sa mga nakaka-kabit s'kin. Sa labas ay napakaraming monitor t.v na makikita kasama na ang mga Cctv sa labas at ang ibang footage do'n ay kuha sa mga hallway at ibang parte pa ng tunnel na taguan ni Dr. Agapito.

Mayamaya pa ay aligagang kumakaripas ng takbo si Dr. Agapito at mukhang may emergency na nagaganap sa labas.

Mayroon siyang pinindot na yellow button sa malaking screen monitor ro'n.

“C'mon ellie! Update me on area 6, now!” bulyaw ni Dr. Agapito sa tinatawag nitong Ellie.

“Area 6 is attacked by other robots. Evacuate! evacuate!” Paulit-ulit na sabi ng monitor. Hinampas ni Dr. Agapito ang board dahilan para ito'y huminto at mag-shutdown. “Evac-cu-ate. . .” huling sabi pa ni Ellie. At Nanlilisik na tumingin sa direksyon ko ang baliw na scientist.

‘Anong iniisip niya? ako ba ang ipangsasalag niya sa  mga sumasalakay sa kaniya? at isa pa, ngayon ko lang nalaman na bukod pala sa amim nila lenard ay may iba pa palang kumakalaban sa doktor na'to.’

“Ikaw! ikaw ang pag-asa ko! ipagtanggol mo ako sa mga baliw at walang pusong robot na iyon! hindi pu-puwede na magapi nila ako!” Pinindot nito ang realease button na kulay pula nagkaroon ng kalayaan ang katawan kung robot na makagalaw sa sariling paraan. Pero alam ko na ang baway magiging galaw ko ay kokontrolin nito.

“Pumunta kana ngayon sa area 6 at patayin mo lahat ng robots na naroon! huwag mo silang hayaang makalapit sa'tin main lab Hahahahaha!” sabay ang pagtawa nito ng nakakakilabot. Sinunod ko ito sa nais niya para nadin makita ang sitwasyon na meron sa sinasabi nitong lugar. Sinilip ko muna at nakita ang mga human robot— hindi! hindi sila robot kundi ibang kasamahan pa namin ni Lenard. Marahil ay natalo na nila ang ibang umaatake sa'min kanina kaya heto at sinunod nila ang nasa plano namin. Gusto kung lumabas para magpakita sa kanila pero natigilan ako ng mapagtanto ko na iba na nga pala ang itsura ko sa dating ako. Tanging utak ko nalang mula sa dating ako ang meron sa katawang bakal na ito. Lahat ay nai-program na ng doktor para tugisin at talunin ang mga sumisira sa lugar na ito.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon