WHAT IF'S OF YESTERDAY

0 0 0
                                    

What if there is something you haven't done?

Paano kung wala kana pa'lang panahon para bukas?

Paano kung hindi muna masabi sa taong 'yon iyong mga gusto mong sabihin?

Malalaman ba niya ang nararamdaman mo kung wala kana para ipaalam iyon?

-
THIRD POV

“Anak, samuel, Bakit ganito. . .” hagulgul ng nanay ni samuel habang pinahihinahon ito ni lea. Umiiyak din ang babaeng kaibigan ni samuel, ngunit kailangan niyang ipakitang ayos lang siya. . . Mabigat sa dibdib ang mga nangyayari ngayon dahil alam niyang sa dulo ay siya nalang mag isa dahil wala ng samuel na yayakap sa kaniya sa t'wing problemado siya o kaya ay brokenhearted nanaman.

“Lea, bakit ganoon bigla nalang hindi gumising si samuel, hindi ba magkausap pa kayo kagabi kasi sabi niya. . . magtatapat na siya sa iyo at ayaw niya na maubos pa ang oras niya at baka tuluyang hindi makapagtapat,  pero . . . *hik*  iyun na pala ang huling beses na makikita ko siyang masaya.”  Sabi ng nanay ni samuel, tinapik at niyakap nalang ni lea ang nanay ni samuel at dinala muna sa isang sulok para paupuin, at habang hinihintay nila ang ambulansiya na kukuha sa katawan ni samuel sa bahay nito.

“Tita rita, kumalma po muna kayo, magpakatatag po kayo. andito lang po kami para sa inyo, lahat kaming mga kaibigan ni samuel.”malungkot na turan ng dalaga. Sa mga salita nito ay nagtatago ang lungkot at pagka dismaya dahil nawalan ito ng mabuting kaibigan na palagi siyang dinadamayan, higit pa doon ay taong nagmamahal pala sa kaniya ng matagal na panahon.

Makalipas nga ang kalahating oras ay dumating na ang ambulansyang tinawagan ni lea para maidala ng ospital ang katawan ni Samuel. Agad na kinilusan ito ng mga medical staff at dinala sa pinakamalapit na ospital, pagkarating sa ospital ay sinubukan pang irevived ang katawan ni samuel ngunit tila kusa na itong bumigay.

Sa kabilang dako si lea at ang nanay ni samuel na si rita ay tahimik na naghihintay sa doctor sa ibabalita nitong masama, alam na nila ang sasabihin ng doctor ngunit sa loob-loob nila ay tila hindi parin sila handang marinig ito. Mayamaya lang ay dumating na ang doctor.

“Hello ma'am, kinalulungkot po namin ibalita sa inyo na hindi namin narevived ang anak niyo kahit na ilang beses namin itong sinubukan na turukan ng pampatibok ng puso, im sorry po at condolence.” ani ng doctor na kumausap sa nanay ni samuel. Agad ding nagpaalam ang doctor na kausap nila.

Hindi padin makapaniwala ang nanay niya at si lea na wala na siya.

“Samuel! Samuel! N-nasaan po si samuel?!” humahangos na wika ng isang babae, tila naguguluhan ang dalawa kung sino ang babae dahil hindi sila pamilyar sa itsura nito at wala din silang kilala na ibang kaibigang babae ni samuel bukod kay lea.

“Sabi ko nasaan siya?!”galit na sigaw nito, nangingilid ang luha niya sa galit at guilt, pinipigilan ang sarili na magwala. Naikuyom nito ang kamay niya.

“Teka sino ka ba iha? Bakit kilala mo ang anak ko?” Takang tanong ni rita. Humarap ang babae kay lea at tinitigan ito na parang sinusuri ang bawat sulok ng mukha ng dalaga.

“Kaibigan po ako ni Samuel. Hindi lang siguro niya ako naipakilala pero matagal na po kaming magkakilala, batch mate kami no'ng college at naging magka-klase din sa isang subject. . . Pasensya na nga po pala kung biglaan ang pagpunta ko dito,” wika niya kay rita habang nakatingin padin kay lea.

“Oo nga, nakakabigla ka. Lalo na't hindi ka sa amin pamilyar, akala ko nga'y may girlfriend na ang anak ko di lang sinasabi dahil sa reaksyon mo kanina eh parang gilprend ka,” turan ni rita. “Siya nga pala iha, ano'ng pangalan mo?” tanong nito.

Humarap naman ang babae kay rita at nagpakilala ng maayos. “Ako nga po pala si Regine Solis, Nice to meet you po,”aniya ni regine.

“At saka bakit ba parang kanina pa matalim ang tingin mo sa bespren ng anak ko? Magkakilala ba kayo?”wika ni rita.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon