PAGE 5:BEAUTY IN BLACK

5 1 0
                                    


(ONESHOT)

"Girl, tignan mo siya o, literal na negra slash sunog hahaha," wika ng isa sa mga nakatingin sa'kin na babae. Kakatransfer ko lang sa school na ito at hindi ko akalaing ganito pala ang bubungad sa'kin.

"Yeah! Sinabi mo pa Hahaha," tugon naman nang kausap nito.

"Hi miss, p'wede bang magpapicture?" Wika ng lalaking lumapit sa'kin. tumabi ito sa'kin at agad na ipunuwesto ang cellphone niya sa angulong gusto niya pagkatapos ay tinignan niya ito.

"Ay bakit gano'n miss? parang wala ka naman dito? Parang 'yung anino mo lang yata itong naisama sa pictures, ang itim kasi eh hahaha,"

Tinignan ko ang lalaki at inilibot ko din ang aking paningin sa iba pang estudyanteng nakatingin sa'kin at tumatawa,dahil sa labis na hiya ko ay itinulak ko ang lalaki palayo sa'kin saka tumakbo palayo sa mga taong mapaglait at mapanghusga.

Nagtungo ako sa Cr na pambabae at mabuti nalang ay walang ibang estudyante doon.

Tinitigan ko ang sarili ko sa malaking salamin na naroon.

"Maganda naman ako ah,"

"Maitim lang ako pero pantay-pantay lang naman kami,mga estudyante,mga taong humihinga,"

"Lamang lang sila ng ilang paligo,"

"Akala mo kong sinong mga subrang puputi,eh mas maiitip ang budhi nila kesa kulay ko!"

"Makikita niyong lahat,patutunayan ko sa inyong lahat,Hindi kayo o ang kulay ko ang magdidikta ng gandang meron ako,"

Pagtapos no'n ay lumabas ako sa comfort room na taas nuo at walang bahid ng luha.

Sa mga araw na lumipas,araw-araw ako nakakatanggap ng pangungut'ya ng mga kamag-aral ko at minsan pati guro ay nakikisali pa,pero araw-araw ko din sa kanila pinapakita na magaling ako sa lahat ng bagay,matalino ako at may angking ganda na ako lang at ang mga taong nakakakilala sa'kin ng totoo ang nakakakita.

Halos nakalahati ko na ang isang taon na nakasurvived sa mga pangungutya ng lahat.

Narito pa ako sa loob ng silid aralan namin ng dumating si Miss Josefa,ang event manager ng school.

Siya ang nag Aannounce ng mga events o gaganapin sa school namin minsan inuutus nalang sa Student Counsil President.

"So .. On the 7'nth day of this week we will be having A Miss Campus Search,All Applicant who wan't to join on our event is welcome and must be attend on our practice ramp on friday. here is the listing paper you can now add you're name if you wan't to join in,"

"Waaahhh!! Si Steffany bagay d'yan! sigurado panalo agad yan!"

"Trueeee!!" mga kantyaw ng mga kaklase ko sa muse namin na talagang maganda naman,at maputi.

Tumayo si Steffany at agad na naglista ng pangalan niya,bago pa umupo ay kumaway pa ito gaya ng kaway ng mga Sumasali ng pageant.

Naghiyawan naman ang ibang at nagpalakpakan,Habang abala ang iba sa mga ginagawa nilang pagchicheer ay tumayo ako at agad inilista ang pangalan ko.

"So,In this Section we have two contestant."

"Huh? bakit two ma'am? si Steff lang po naglista d'yan. Sino naman yang naglakas loob na sumali at kalabanin si Steff?" aniya ni Mika.

"Please stand Miss,Avrielle Tunner?" wika ni miss Josefa at agad na tumayo ako.

Assual! madami ang nagulat at natawa.

"Hahaha,seriously Avri?! You'll join to Miss Campus search? Aren't you shy? or Shame? HAHAHAHA,"

"Why would I? Is there A skin color requirement? Miss Josefa?"

"Of course not! Any skin color can join to our campus search .. so thats it! On sunday Miss Steffany at Avrielle got it?" Huling tanong ni miss bago tuluyang umalis.

Nilapitan ako ni steffany at mika para comprontahin tungkol sa pagsali ko.

"Hoy! seryuso ka talaga? Alam mo magback out kana habang maaga pa at baka pagsisihan mo lang yan sa huli,mahiya ka nga sa balat mo!" Aniya niya mika.

"Pwede ba Mika,H'wag mo akong diktahan sa kung ano ang dapat at hindi ko pwedeng gawin, Hindi ako nangialam nang si Steffany ay nagpalista pero pgdating sa'kin ay napaka bigdeal naman ata para sa'yo,Bakit?! Wala kabang tiwala sa kaibigan mo na pinagmamalaki mong maganda na kaya niyang manalo? si miss josefa na ang nagsabi ANYONE CAN JOIN! d'yan kana," Akmang aalis na ako ng hawakan ni mika ang braso ko at titigan ako ng matalim sa mata.

Bago ako binitawan nito ay inirapan pa ako ng mata nito,na hindi ko naman na pinatulan.

Mabilis na lumipas ang 3 araw at biyernes na nagpunta na kami ng mga contestant sa Miss Campus Search upang ipractice ng pagrampa.

Naging madali para sa'kin ang practice dahil noong elementary at hanggang nag 2nd year high school ako ay nagmomodeling ako,Natigil lamang ng sinabi ng mama ko na magfocus muna ako sa pagaaral kaya't itinigil ko kahit na kinukulit ako at panay ang tawag ng handler ko sa'kin.

"Verry Good miss Avrielle,You did very well, you look like a real model out there. I'm impressed!" papuri ni sir melvin,ang gay instructor ng pageant. napangiti naman ako sa sinabi nito at sa aking pheriperal vission ay nakikita ko ang naiinis na imahe ni Steffany at Mika.

Dumating na ang araw ng linggo,pinagdala lang kami ng dalawang formal dress para at isang pang susuotin namin na alam daw naming maeenhance ang beauty namin.

Dinala ko nalang ang Isang White long sleave Off shoulder na crop top at isang mini skirt na may cut sa isang side at kulay pink .

I know na mas iitim ang kulay ko o mas magiging halatang maitim talaga ako dahil sa mga kulay na napili ko, but i think that is the best choice for me to enhance more of my self.

Nagsimula na ang rampahan at unang pinasuot ang mga dala naming Formal dress ,ang kulay na dala ko ay maroon.

Natapos agad ang pagrampa at ang next ay ang Q and A .. Iisang tanong lang itatanong sabi ni miss principal para maevaulate kong kanino ang mag S-stand out.

"Here's your Question Ms.Steffany Rivero, kung may isang batas kang ipatutupad sa loob ng School Campus ano ito at bakit?"

"Ahm ... Ehm ... Ano...S-siguro po ay 'yong Pagbibigay ng mga proff ng mga mahihirap na task.Yon pong ipagbawal?hehe," wika ni Steffany,madami ang hindi naintindihan ang nais niyang sabihin pero pinilit na unawain nalang,Ako na ang huling tatawagin.

"Miss Avrielle ,here's your question. kung may isang batas ka na ipatutupad sa loob ng school campus ano ito at bakit?" pag uulit ng tanong para naman sa'kin.

Huminga muna akong malalim at sandaling nanahimik at pinagmasdan ang mga taong nagparamdam sa'kin ng panglalait.

"Kung mayroon man akong batas na ipatutupad sa loob ng School Campus iyon ay ang NO TO BULLYING,dahil sa totoo lang isa ako sa mga nakaranas at patuloy na nakararanas niyan,dahil sa kulay na meron ako na nag sabi nga ng karamihan ay sunog o natusta ,Sa totoo lang po Hindi madali ang makaranas ng pambubully sa kapwa mo tao at estudyante kung minsan pa ay pati guro mo lalaitin ka,sa mga taong mabubully madami kaming tanong sa isip namin kong bakit namin nararanasan ang mga yon gayong wala naman kaming ginawang masama, Kaya't gugustuhin kong magkaroon ng NO TO BULLYING sa School para maprotektahan ang mga estudyanteng walang lakas ng loob para ipagtanggol ang sarili sa mga kapwa nila mag aaral. h'wag sana nating kalilimutan na sa mundong ibabaw pantay pantay lang tayong tao,Yun lamang po maraming salamat." Mahabang wika ko ,madami ang nagpalakpakan at ang iba ay tumayo pa.

At sa huli ako ang nanalong

Miss Campus.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon