PAGE 6: AKALA MO MAY HANDAAN KAYA NAKIKAIN KA

6 1 0
                                    

(ONE SHOT)

Nasa loob pa kami ng silid aralan nang marinig kong may pupuntahan ang crush kong si Gwen at jane kaya naman hindi ko napigilan ang sarili kong maki-usyoso.

"K-krash! b-baka pwedeng sumama ?" wiko ko rito.

"Huh? bakit? Eh ... 'Di naman kailangan ng assistant do'n ni Gwen, kaya next time ka nalang sumama. " anya ni Jane.

"hmff .. S-so-sorry a-akala ko ka-kasi—" napatigil ako sa pagsasalita ng mag-salita si Gwen.

"Sige na Gab!sumama ka na.basta h'wag kang manggugulo huh. " Agad akong napangiti at tumango bilang tugon rito .

Umalis kami ng silid aralan at nag-lakad ng bahagya ng makarating kami sa paradahan ng trycycle ay sumakay kami upang mas mabilis na makarating sa lugar na ni Gwen.

Hindi naman kalayuan ang bahay nila.

Bumaba kami sa isang eskinita at pumasok roon.

Sa dulo ay natumbok namin ang isang bahay na bato ngunit hindi kalakihan,may mga upuan sa labas nito .

Huminto kami dahil sinabi ni gwen na ipagpapaalam na muna niya na may mga kasama siya.

Ilan saglit lang ay bumalik ito at inaya na kaming pumasok.

Sa loob ay may mga taong nagkakainan hindi ko alam kong anong okasyon sa kanila Gwen pero sa nakikita ko ay naiinggit ako sa mga kumakain .

Pumasok si Gwen at Jane sa isang kwarto at ilan minuto na ang nakalipas ay hindi pa bumabalik at dahil nagugutom na ako kaya tumayo ako at kumuha din nang plato.

Napansin kong may lumabas na isang ginang na may edad na,hindi ako nahiya kaya nagpatuloy ako sa pagsasandok ng kanin at ulam.

Nang biglang magsalita ito,

"Ehhemp .. Gwen?!! Gwen?! Napakabait mo talaga anak ko,nag imbita ka pa ng sasalo satin kahit alam mong sakto lang ang pagkain natin.pinapaalala ko lang tanghalian ng pamilya ito at hindi pakain sa buong baranggay."

Naibaba ko ng wala sa oras ang plato at na napatikom nalang sa bibig ko dahil sa hiya ko.

Ang lahat ay nakatingin sa akin pati na si gwen.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon