LILLIE

1 0 0
                                    

•Work of fiction
DEDICATED TO: KAI AND LILLIE
~

Kasakuluyan akong pauwi sa bahay ng madaanan ko ang mga batang nagkukumpulan sa tabing-gilid ng kalsada na tila may pinagkakaguluhan, ang ibang bata at nagtatawanan samantalang ang isa naman ay umiiyak at sinasabing “Tama na 'yan please.. tama na!” Nagtaka ako kaya naman lumapit ako para mang-usisa sa mga bata.

“Anong nangyayari dito bakit pinapaiyak ninyo 'yung isang bata?hmm?”tanong ko.

“Ateeee, tulung po... kinakawawa kasi nila iyong tuta eh, ang laki daw ng mata,huhuhu” sabi ng batang umiiyak nagtaka naman ako sa sinasabi niya kaya tinanong ko ito ulit.

“Bata, ano ba iyong kinakawawa nila?”

“Itong aso po,” sabi niya at saka ipinakita ang maliit na kahon ng karton na may maliit na butas, binuksan niya ito sa harap ko at doon ay bumungad sa akin ang maliit na aso na wari ko'y may breed.

“Hala, kawawa naman siya, saan mo pala ito nakita bata?”tanong kung muli. At karga ko na ang aso.

“Dito lang po, hindi ko alam kung kanino siguro po ay naligaw o kaya naman lumabas ng bahay pero wala po kasing naghahanap kaya naman tinago ko nalang sa karton kaso nga lang iyong mga batang iyon, kinakawawa nila pagdating ko dito...”turan nito, tinitigan ko ang aso at tinitigan din ako nito sabay dila sa pisngi ko. natuwa ako kaya nakaisip ako ng ideya.

“Bata, kung gusto mo... sa akin nalang siya.”Wika ko, nabasa ko ang lungkot sa mata nito pero ilang segundo lang marahil ay naisip niya na mas makakabuti sa aso kung may kukupkup kaya walang ano'y-ano at pumayag ito.

Kaya naman pagdating ko ng bahay ay dala ko na ang aso na wala pang pangalan.

Pagdating ko ay agad na sinalubong ako ng kapatid kung  si bea.

“Sis, ano 'to? buksan ko ah,”sabi nito at binuksan nga ang kahon. nagulat man ito pero bakas sa mukha niya ang tuwa dahil pareho kaming pet lover.

“San mo naman to napulot? ang mahal nito ah, pero ba't gano'n? parang ang baho niya,”sabi ni bea habang nakatakip ang isang kamay sa ilong. Kinuha ko agad ang tuta at kinandong sa mga hita ko habang hinihimas ang likod nito.

“Arf! arf!” tinig ng tuta.

“Anong gusto mo?”Tanong ko sa tuta.Tumingin ito sa c.r. na parang sinasabi ng mga mata niyang gusto na niyang maligo.

“Gusto mo bang maligo?”wika ko pa. agad na tumahol ito.

“Arf! arf!”tugon nito napangiti ako ng napagtanto ko kung gaano ito katalino, alam niyang sabihin sa tao ang gusto niyang gawin mo o makuha niya.

Mukhang naturuan ito ng dating amo ng maayos. Binitbit kuna ito sa c.r kasama ang  sabon na maliit na at isang sache ng shampoo na pang tao, dahil wala naman kaming pet pa sa bahay kaya iyon muna.

Niliguan ko ito at panay ang tahol at kawag ng buntot nito na para bang isang batang tuwang-tuwa na pinaliliguan siya ng nanay niya.

“Behave!” utos ko, huminahon ito at naupo nalang pero ang buntot at kumakawag padin. Tinapos kuna agad ang pagpapaligo dito at saka binalot ng isang blanket na sumakto naman sa katawan nito.

“Oo nga pala, nawala sa isip kung wala kapang pangalan. Hmmm. . . hayaan mong bigyan kita,”habang nag-iisip ay nakatingin sa akin ang tuta, tinatagilid pa nito ang ulo niya na parang sinusuri kung anong ibibigay kong pangalan sa kaniya.

habang nag iisip ay narinig kung napasigaw ang kapatid ko, siguro ay natalo nanaman siya sa Mobile legend na nilalaro niya.

“Shutaaaaa! nakakainis ka lillie! ang tänga naman ng character na'to!!” dinig kung sabi nito.

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon