PAGE 7: PANGAKO

7 1 0
                                    


(ONE SHOT)

———

                                         *F L A S H B A C K*

"Nessa, i-ipangako m-mong mamahalin mo s-si T–Tristan p-para sa-sa'kin," aniya ni Tita Ysabel, Tumango ako at nangiti nalang habang ang mga luhang namumuo sa gilid ng mga mata ay nagbabadya nang bumagsak.

Ilang minuto lang ay nangyari na nga ang mas ikinalungkot ko, Tita Ysabel passed away that day,And that day I promised to her that thing.

Ang mahalin ng tapat ang unico ijo niyang si Tristan, Alagaan at pasayahin.

*End Of Flashback*

"Tristan, please naman!! mag bago ka na naman! napapagod na akong palagi nalang mabalitaan na sangkot ka sa mga gulo, ipinapahiya mo ang sarili mo pati na si Tita Ysabel– "

"T-Tristan, my a-arm... N-nasasaktan ako le-let me go,"  wika ko rito, tinitigan ako nito ng matalim at diniinan pa ang pagkakahawak sa braso ko.

"Wala kang karapatan na magreklamo dahil ikaw ang may gusto nito, kaya ikaw iwasan mo ang magreklamo sa harap ko. Alam mo din naman na hindi kita gusto noon pa, si Mommy lang ang may gusto na pakasalan kita, mas gusto kong mawala ka sa buhay ko," wika nito.  Padabog nitong binitawan ang braso ko't uminom ng malamig na tubig .

"T-tama k-ka Si Tita Y-ysabel nga lang ka-kaya w-wala ako karapatan magreklamo, pero kong gusto mo talaga na m-mawala ako sa tabi at sa buhay mo, sige gagawin ko ' yon dahil 'yon ang pangako ko sa mommy mo na panatilihin kitang masaya sa piling ko at mahalin ka, p-pero kong ang makakapag pasaya sa'yo ay ang maging malaya, gagawin ko," kinagat ko ang pang ibabang labi ko upang pigilan ang luha kong mag unahan sa pagpatak.

Ilan ulit pa akong lumunok ng laway ko ngunit parang may kong anong malaking bagay na nakabara sa lalamunan ko.

Sobrang bigat sa dibdib at parang gusto niyang kumawala ng mga emosyon kong nag hahalo-halo na at hindi ko na maintindihan.

Galit ako, nasasaktan, nagtatampo, at Naaawa para sa sarili ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit sa dàmi ng mabuting nagawa ko ay puro pasakit ang nakukuha kung kapalit.

Blankong mukha lang at walang emosyon akong tinitigan ni Tristan. Tumango pa ito at itinaas ang Isang kamay senyales nang pagpapaalam nito sa'kin para sa gagawin kong pag alis sa pamamahay niya.

Tumango at ngumiti ng peke saka tumalikod na sa kanya, sa pag talikod ko sa Kanya naramdaman Kong do'n na nagsimulang mag unahang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Umakyat ako sa kwarto at Inayos ang mga gamit ko, at balak kong sa gabi nalang umalis kapag natulog na si Tristan dahil ayaw kong makita niya akong umalis kahit pa alam kong hindi naman niya ako pipigilan.

At nang Gumabi na at handa na akong umalis sa bahay at buhay ni Tristan ,Inalala ko pa na Dito ako sa bahay na ito Nangako na mamahalin ko siya at Pasasayahin at alam kong nagawa ko naman iyon ngunit Siya na mismo ang may gustong mawala ako sa buhay niya kaya naman wala na akong dapat pang patunayan sa kaniya .

TRISTAN'S POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko kaya naman iminulat ko na ang mata ko at tinignan ang oras at nakitang Alas Otso na ng umaga at bahagyang nagtaka kong bakit hindi man lang ako ginising ni Vanessa.

Huminga ako nang malalim bago bumangon ng tuluyan. Nag push ups pa ng kaunti at nag stretching bago nagtungo sa banyo.

may notes si vanessa na iniwan at nakalagay dito ang 'GOODMORNING SWEETY'

Page's of Wonders(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon