Chapter One: First Kiss

790 7 0
                                    

NAIINIS si Savannah Margarette nang mabungaran sa sala ng bahay nila ang binatang si Dex Atticus Fontanilla. Kausap nito ang kanyang mga magulang na mukhang giliw na giliw sa huli. Inaanak ito ng Daddy nya at madalas sa mansion nila. Apat na taon ang agwat nila kaya naman hindi sya naging malapit sa binata. Mas malapit sya sa kapatid nitong si Duke na isang taon lamang ang tanda sa kanya.

"Good morning" nakangising bati nito sa kanya ng makita sya nitong palapit sa mga magulang.

Napataas sya ng kilay dito. Kung di nya lang kilala ang lalaki ay malamang mapagkakamalan nyang ngiti ang mapanuyang ngisi nito. Tulad ng mga magulang nya na mukhang sayang saya sa "ngiting" ibinigay sa kanya ng binata.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray nyang sita sa binata. Hindi sya plastic para itago ang pagkadisgusto nya dito.

"Oh, Margarette, anak. Ofcourse, he's here to fetch you. Ganyan ba ang tamang pagtrato sa bisita?" ang mommy nya ang sumagot.

Napabuntong hininga sya. Nakataas ang sulok ng labi ni Atticus, animo'y nagpapahiwatig na kakampi nito ang mga magulang nya.

"Hindi ako sasabay sa kanya, Mom. May sarili akong kotse."

"Hija, nakausap na kami ni Dex. Nagpresinta sya na sya na ang maghahatid sundo sayo mula ngayon." pagpapaliwanag ng Daddy nya.

"Dad, marunong ako magdrive."

"Hija, paano nyo mabibigyan ng pagkakataon ang isa't isa kung inilalayo mo ang sarili mo kay Dex. Isa pa sanayin mo na ang sarili mo na kasama sya dahil malapit na kayo ikasal." masuyong sabi ng mommy nya  habang ang kanyang mukha.

Gustong maalibadbaran ni Savannah sa salitang "mapapangasawa" ngunit ipinagpaliban nya iyon ng makitang nangungusap ang mga mata ng Mommy nya kaya wala syang nagawa kundi ang tumango na lamang.

"Sya sige. Lumakad na kayo. Dex, mag ingat ka sa pagmamaneho." pagtataboy ng Daddy nya.

"Let's go, sweetheart."

Wala na syang nagawa kundi ang magbeso sa mga magulang at sumunod sa binata.

"Ano na namang pakulo 'to, Atticus?" agad nyang sita sa binata nang makapasok sila sa sasakyan nito.

"Masama bang sunduin ang fiancée ko?" nakangising tanong nito sa kanya.

"Fiancée? In your f*cking dream, Atticus. Hinding hindi ako magpapakasal sa'yo." galit nyang sabi dito

"Bakit? Sa tingin mo ba, gusto ko ring magpakasal sa'yo? You're not my type, Savannah." mapanuyang ganti ni Atticus.

Ramdam nya ang pamumula ng pisngi nya sa galit. Tila ba umusok ang kanyang tainga sa sinabi nito. Ang kapal ng mukha nito. Naiinsulto sya. Kung tutuusin ay napakalaki ng lamang nya sa ibang kababaihan. Hindi lamang pisikal na anyo ang kayang nyang ipagmalaki, beauty and brains sya at marunong sa gawaing bahay kahit pa lumaki syang may gintong kutsara sa bibig.

"The feeling is mutual, Mr. Fontanilla. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit basta basta ka na lamang pumayag sa pesteng kasalan na ito."

"Akala ko ba'y matalino ka? Napakasimple, Savannah. Parehong magbebenefit ang mga kumpanya natin kung magiging isa ang pangalan ng Fontanilla at Monreal. Mas maraming investor ang papasok sa parehong kumpanya."

Natahimik na lamang sya sapagkat gaya ng paulit ulit na ikinakatwiran ng mga magulang nya ay ganoon din pala ang paniniwala ng hudyo. Kung tutuusin ay kayang kaya magsurvive ng kumpanya nila ng walang koneksyon sa kumpanya ng mga Fontanilla. Agad yata syang tatanda kung palagi nyang makakasama si Atticus.

PABAGSAK na isinara ni Dex ang pinto ng kanyang opisina. May sinasabi ang kanyang sekretarya pero di nya man lang inintindi. Nagulat pa sya na madatnan sa loob ng opisina ang kapatid nyang si Duke kasama nito ang kaibigan nilang si Bernard.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now