BYERNES ng gabi at nakatanaw si Savannah sa labas
ng bintana ng kwarto nya. Hindi nya alam kung matutuwa ba sya o matatakot. Sa Martes ay tuluyan na syang tatawaging Mrs. Dex Atticus Fontanilla, hati ang nararamdaman nya. Natutuwa sya dahil si Atticus ang kanyang mapapangasawa. Natatakot dahil hindi nya alam kung ano ang nakaabang na sa buhay may asawa at nababagabag dahil sa sitwasyong niyayakap ng binata.Abot langit ang pasalamat nya dito dahil inako nito ang batang nasa sinapupunan nya. Hindi man malinaw sa kanya ang rason nito ay gusto nyang matuwa lamang ay may kudlit iyon sa kanyang konsensya. Hindi nya magawang lubusang magsaya dahil alam nya sa pagkatao nya na inaako nito ang batang nasa sinapupunan nya. Wala pa man ay ramdam na nya pagmamahal sa nilalang na nasa loob ng kanyang tiyan. Nasa ganoong syang pag iisip ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
Please meet me now at Esquivel Heights. At the penthouse. Drive safely.
Mensahe iyon mula sa numero ni Atticus. Pasado alas otso pa lamang ng gabi. Hindi masama kung sundin nya ito ngunit kakaibang kaba ang lumukob sa kanyang pagkatao ng mga oras na iyon.
Esquivel Heights.
Ang lugar na nais nyang ibaon sa limot. Ang lugar kung saan nya naiwala ang pinaka importanteng bagay sa kanyang pagkababae. Kung may maganda mang nangyari ng gabing iyon ay wala iba kundi ang batang nasa sinapupunan. Bunga ng kanyang sariling kagagahan na handang akuin ni Atticus. Kabado man ay mas pinili nyang harapin ang sariling multo. Nagbihis sya at tuloy bumaba sa grahe ng kanilang mansion.
KULANG ang salita upang ilarawan ni Savannah ang nararamdaman nya ng mga sandaling iyon. Kasalukuyan nyang tinatalunton ang hallway patungo sa penthouse ng Esquivel Heights. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang lahat. Ang hallway. Ito ang hallway na bumungad sa kanya noong gabi kasama nya ang lalaking nakaniig nya.
Namamawis at nanginginig ang kanyang kalamnan. Hindi nya mawari kung aatras ba sya o dederetso ng lakad. Bumuntong hininga na lamang sya at mas pinili ang ikalawa. Nasa pintuan pa lamang sya ay dinig na dinig na nya ang masasayang tawanan ng mga kalalakihan. Dalawang pamilyar na boses ang umagaw sa kanyang atensyon. Ang baritonong boses ni Atticus at ang boses ni Spencer. Walang kamalay malay ang mga ito na nakasilip na sya sa loob. Pawang mga kaibigan ni Atticus ang naroroon.
Bachelors party. Malinaw sa kanya iyon. Alam nyang normal ang ganito sa tuwing may kakasalin ngunit hindi nya maiwasang ang pagkagulat dahil hindi nya alam na nag oraganisa pala si Atticus ng ganoon pero ipinagsawalang bahala nya iyon sapagkat natuon ang kanyang atensyon sa dalawang taong nag uusap.
"So dude, kelan mo aaminin sa asawa mo ang totoo?" tanong ni Spencer kay Atticus na ikinakunot noo nya.
May sikreto ba si Atticus na itinatago sa kanya?
"Siguro'y after the wedding na o pagkatapos nya isilang ang anak namin." hindi nya makita ang mukha ni Atticus sapagkat nakatalikod ito sa gawi nya pero siguradong sigurado sya na ang binata ang nagsalita.
"Hindi ba mas maganda kung aminin mo na bago ang kasal nyo? Hindi magandang isipin na ako ang pinag iisipan nyang ama ng anak nyo. Sasamain ako kay Lora. " natatawang wika ni Spencer.
Gulantang sya. Ano ang ibig sabihin ng mga ito?
"Hayaan muna natin, pare. Baka masurpresa sya kapag nalaman na ako ang kasama nya ng gabing 'yon at hindi ikaw. Kitang kita ko kung paano sya binagabag sa pag aakalang ikaw ang kasama nya." nag unahang malaglag ang luha nya. Para syang kakapusin ng hininga sa bombang isinabog sa kanyang harapan.
" Mananamantala ng lasing. " pabirong turan ni Spencer na ikinatawa ng lahat.
Gusto nyang maglaho sa kinatatayuan. Kulang ang salitang pahiya para pangalan nya ang nararamdaman ng mga oras na iyon. Heto ang mga kaibigan ng asawa at ginagawang pulutan ang kakatwang pangyayari sa buhay nya. Gusto nyang mapangiti ng pagak. The irony of life!
YOU ARE READING
Obsessed With You By: Viktoria King
RomanceTutol si Margarette sa kasalang gusto ng mga magulang nya. Nakatakda syang ikasal sa inaanak ng Daddy nya na si Atticus. Mula ng malaman nyang ikakasal sya sa binata ay hindi na sya nakapag isip ng matino. Isang gabi nagpunta sya sa bar at isinuko a...