Chapter Thirteen: SPG_2

239 5 0
                                    

KANINA pa pumipiglas si Savannah sa pagkakahawak ni Atticus ngunit wala itong planong bitawan sya. Malakas ito at hindi nya nagawang pumalag mula sa pagkakahawak nito. Mabilis ang paglalakad nito habang hatak ang kamay nya. Matapos nila lumabas ng hotel kanina ay pilit syang isinakay ni Attucus sa kotse nito. Nakababa na sila ng kotse ay hindi pa rin nito binibitawan ang mga kamay nya at kasalukuyang binabaybay nila ang pasilyong pamilyar na pamilyar sa kanya. Ito ang pasilyo patungo sa condo ng binata kung saan nabuo si Maurice. Bakit dinala sya ni Atticus dito? Makapasok sa loob ay pasalya sya nito binitawan sa sofa sa loob niyon. Matinding galit ang nasa mukha nito. Mula leeg hanggang bunbunan ang pamumula nito sa galit. Hindi nya alam na gaanong klase ng galit ang makikita sa binata.

"Now. Talk, woman! Bakit pinagkaitan mo ang anak kong mabuhay? At kinusinti ka ni Yael na gawin iyon. Ganyan ka ba kaselfish para kitilin ang anak ko para sumama lang kay Yael?" galit na tanong nito.

Tigagal sya! Bakit ganoon ang paratang ni Atticus sa kanya? Ang alam ba nito'y tumalikod sya sa kasal para sumama kay Yael? Naguguluhan sya! Bakit parang may mali sa mga nangyari?

"Sagot!" dumadagundong na parang kulog ang tinig na iyon ni Atticus. Napapitlag sya. Kailanma'y hindi nya pa nakitang magalit ng ganito ang binata. Nalilito sya sa nangyayari!

Dyos ko! Tulungan nyo po ako. Anong gagawin ko?

"H-hindi kita maintindihan." nalilitong sagot nya.

"Hindi mo ako naiintindihan. Matapos ang ginawa mo'y aaktuhan mo ako na parang wala kang ginawa. Nabilog mo ang mga magulang ko. Sa kabila ng lahat ay mainit ka pa rin nilang tinanggap." nanunuyang sambit ng binata. Sigurado syang kung naging lalaki lang sya ang kanina pa sya nito nasuntok.

"K-kalimutan na natin ang nangyari, please. May kanya kanya na tayong buhay." pakiusap nya dito. Gumagaragal na ang boses nya ngunit pinipigilan nya ang luhang gusto kumawala sa mga mata nya.

"Putang ina!" malutong na mura ni Atticus at malakas na sinuntok ang bubog na center table dahilan upang mabasag iyon. Takot sya! Alam nyang hindi sya sasaktan ng binata pero natatakot sya sa nakikitang pagwawala nito. Tama sya sa nakikita nyang galit sa mga mata nito kanina sa party tuwing masasalimpadan nya ito ng tingin.

"Hindi ko akalain na kaya mong kitilin ang buhay ng sarili mong anak." ramdam nya ang sakit at pait sa salitang iyon ng binata. Nais nyang maiyak sa nakikitang anyo nito. Nagpupuyos man ito sa galit ay hindi maiitago na nasasaktan ito sa pag aakalang namatay ang anak nila. Nais nyang sabihin ang totoo dito, ang tungkol kay Maurice ngunit lalo syang natakot. Ano bang dapat nyang gawin? Ang akala nya, pinaniwalaan lang nito na nalaglag ang anak nila. Saan nanggaling ang paniniwala nitong gusto nyang ilaglag noon ang bata? Kailanma'y hindi nya naisipan iyon. Ang sakit pala na hinuhusgahan ka ng bagay na hindi mo ginawa. Tuluyan na syang napaiyak.

"F-forget it, please. I--i' m sorry." kung para saan ang sorry nya ay hindi nya alam. Kusang namutawi iyon sa mga labi nya para payapain ito.

"Alam kong mali ako noong nabuo ang anak natin pero sana hindi mo sya idinamay sa galit mo sa akin. Sana ibinigay mo lang sya sa'kin, Savannah. Hinayaan mo nalang sanang ako ang magpalaki sa kanya kung hindi mo kayang magpakaina." nasasaktan sya sa sinasabi nito. Parang patalim iyong tumutarak sa kanyang dibdib.

"Kukunin ko kung anong kinuha mo, Savannah. I'll make you pregnant again at hinding hindi kita bibigyan ng pagkakataong gawin ulit ang ginawa mong 'yon." anito sa madiing tono ng pagsasalita at mabilis na sinakop ang mga labi nya. Mapusok at mapagparusang halik ang iginawad nito sa kanya.

Sa kabila ang marahas na paghalik nito sa kanya ay hindi nya maiwasang makaramdam ng pananabik. It's been three years at hindi nya itatangging hinahanap hanap ng puso nya ang binata. He kissed her hungrily and she couldn't suppress her moan. Tila iyon ang naging signal ng binata upang mas maging mapaghanap ang paghalik nito, naghahanap ng katugon and she willingly responded to his kisses with equal intensity and passion.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now