GALIT na galit si Dex sa ibinalita ng abogado nya. Gusto umano bilhin ng isang Mauricio Serna ang buong share nya sa kumpanya ng mga Monreal. Pabagsak na noon ang kumpanya ni Gustavo Monreal nang biglang makabangon ito sa tulong ng dalawang bagong investor, si Yael Cojuangco at Mauricio Serna. Nakapagtataka na sa kabila ng pabagsak na kumpanya ay pinag aksayahan ito ng isang Mauricio Serna, gaya nila ay isa rin itong kilalang business tycoon. Madaming negosyo at madaming sangay ang kumpanya nito. Kung kay Yael ay hindi sya nasurpresa dahil gagawin nito ang lahat para kay Savannah.
Pabagsak na noon ang pinaghirapan ng Monreal at kaya nga sila naipagkasundong ipakasal ni Savannah ay upang maging isa ang Monreal at Fontanilla nang sa ganoon ay maisalba din ang kumpanya ng mga ito at upang hindi tuluyan batakin ng bangko. Dalawang taon na noong walang pumapasok na investor at dagok iyon sa Monreal Canning. Lumobo ang utang nito sa bangko at di nagawang bayaran dahil wala ng makuhang investor. Walang ibang paraan kundi ang makipagmerge ito sa ibang kumpanya upang hindi ito tuluyang mawala na parang bula ngunit hindi natuloy ang pakikipagmerge ng Monreal sa Fontanilla noong tinalikuran ni Savannah ang kasal nilang dalawa.
Natuloy o hindi ang kasal nila ay handa syang tulungan ang kumpanya ng Ninong Gustavo nya ngunit nagpakatanggi tangi ito. Kaibigan itong matalik ng Daddy Franco nya at Ninong nya pa, walang dahilan upang hindi nya tulungan si Gustavo. Dahil sa kahihiyan ay tinanggihan nito ang tulong nyang iyon. Kilala nya ang Ninong nya bilang may palabra-de-honor at mas nanaisin nitong makitang natutupok ang kumpanyang pinaghirapan kaysa tumanggap ng tulong na wala itong maiibigay na kapalit. Ganoon pa man ay gusto na lamang nya noon na sya ang magtake over sa kumpanya ng Ninong nya. Nais nya noong bilhin ang buong share nito at sya na ang bahalang magbayad ng mga utang. Ito ring ang balak nyang gawing bala kay Savannah oras na makrus muli ang mga landas nila ngunit pumasok sa eksena ang negosyanteng si Mauricio Serna at nag-invest ito ng malaking halaga sapat upang mabayaran ang utang ng mga Monreal sa bangko. Wala pang isang linggo ay nag invest din si Yael Cojuangco sapat upang mapatakbo muli ang Monreal Canning. Sa kabuuan ay nasa thirty nine percent share ang nasa pangalan ng Monreal, thirteen percent kay Mauricio Serna, fifteen percent kay Yael Cojuangco, twenty five percent sa kanya and the rest ay sa iba pang investors.
Nais nyang mainsulto sa balitang nais bilhin ni Mauricio ang share nya. Hindi nagkakalayo ang yaman nila at wala syang makitang dahilan upang pag interesan nito ang share nya. Mukhang sinusubukan nito makipagbilangan ng yaman sa Fontanilla.
"May isa pa akong gusto ibalita sayo, Mr. Fontanilla. Mukhang masasagot na ang matagal nating katanungan kung bakit ganoon na lamang ang pagtulong ni Mr. Serna sa mga Monreal." napakunot noo sya sa tinurang iyon ni Atty. Gutierrez.
"Ano iyon, Attorney?"
"Si Mauricio Serna ay biological father ng batang Cojuangco. Anak nya si Mr. Yael Cojuangco."
Tigagal man ay pagak syang napangisi.
"So that explains why. Tungkol kay Savannah ang lahat."
Nakalabas na ang abogado ay naiwan pa ring nanggagalaiti sa galit si Dex. Talagang sinusubukan sya ng Yael na ito. Tatlong taon na ang nakakalipas mula ng mangyari ang kahihiyang iniwan ni Savannah. Limot na ng mga tao ang ginawang pagtalikod ni Savannah sa kasal nila. Natakluban iyon ng isilang ni Jessica ang anak nito kay Duke at agad na inayos ang kasal ng mga ito. Ang akala nya noon ay dadalo si Savannah sa kasal ng dalawa dahil malapit na kaibigan ng huli sina Jessica at Duke ngunit nagkamali sya. Gaya noong kasal nila ay wala ni anino ni Savannah ang dumating. Ngayon ay masaya ang kapatid nya sa piling ng babaeng mahal nito at ng anak na si Dutchess Bethany.
Sa kabila ng galit nya ay hindi nya maiwasang makaramdam ng kapayaan ng maalala ang tatlong taong gulang na pamangkin. Malapit sa kanya ang bata. Siguro ay dahil na rin sa naaalala nya ang kanyang anak kung ito'y nagkaroon ng pagkakataong mabuhay.
YOU ARE READING
Obsessed With You By: Viktoria King
RomanceTutol si Margarette sa kasalang gusto ng mga magulang nya. Nakatakda syang ikasal sa inaanak ng Daddy nya na si Atticus. Mula ng malaman nyang ikakasal sya sa binata ay hindi na sya nakapag isip ng matino. Isang gabi nagpunta sya sa bar at isinuko a...