"Oh, Dex. Anak, napadalaw ka. Masyado mo naman ata kami na-miss wala pang bente kwatro oras na nagkakahiwahiwalay tayo. Wala ngayon dito si Margarette." pabirong bati ni Gustavo kay Dex pagkapasok nya ng mansion ng mga ito. Nagmano sya sa mag asawa.
"Ninong, Ninang, may sadya po talaga ako eh." walang paligoy ligoy nyang sambit. Napakunot noo si Gustavo.
"Hihilingin ko po sana na makapasok sa kwarto ni Savannah. Gusto ko po sana malaman kung may natitira o naitatago pa syang notebook noong nag aaral sya. Gusto ko po sanang makita ang handwitten nya."
"Oo naman, Hijo kaso'y pwede ba naming malaman kung bakit?" tanong sa kanya ni Cristina na bakas sa mukha ang pagtataka.
Dinukot nya ang pitaka sa kanyang bulsa at ipinakita nya sa mga ito ang maliit na papel na naipakita nya kay Duke.
Dex
Buo ang desisyon kong wag ituloy ang kasalang ito. Ilang beses ko pinag isipan pero hindi ko kaya makisama sa taong hindi ko mahal. Hindi kita kayang mahalin at hindi ko kayang tanggapin ang batang nasa sinapupunan ko. Kasama ng pagtalikod ko sa kasalang ito ay ang pagtalikod ko bilang ina. Wag mong asahan na mabubuhay pa ang batang nasa tyan ko. Napagdesisyunan kong sumama sa taong totoo kong minamahal. Good bye.
Marga
Kunot noo ang mag asawa matapos basahin ang maliit papel na inabot nya.
"Sino ang nagbigay sa'yo nito, anak?" tanong ni Gustavo.
"Si Alice ho. Inabot nya sakin yan noong araw ng kasal namin ni Savannah."
"Kung nalaman ko kaagad sana ito'y naipagtanggol ko sana ang prinsesa natin, hon. Hinusgahan natin si Margarette, Diyos ko." sapong ang noong napaupo si Cristina. Pagsisisi ang nasa tinig nito at di makapaniwalang nailing.
"Kay Alice ho. Inabot nya sakin yan noong araw ng kasal."
"Napakalaking pagkakamali natin na inuna natin ang galit para sa prinsesa ko. Hindi ko sya nagawang protektahan. Kaming mga magulang nya ang unang nanghusga sa kanya. Kung nakita ko lamang ang sulat na iyan noon ay isang daang porsyento kong masasabi na hindi si Margarette ang nagsulat nyan. Kailanma'y hindi ka tinawag ni Margarette na sa pangalang Dex at bukod pa roon ay hindi nya kayang gawin sa sarili nyang anak ang bagay na ito." naluluhang sabi ni Gustavo.
"Patawarin nyo ho ako. Nabulag ako ng matinding selos sa pag aakalang totoo ang nakasulat dyan. Naging sarado ang utak ko upang alamin ang totoo sa likod ng sulat na 'yan. Natitiyak ko hong may kinalaman si Alice dito, kung bakit ho ay hayaan nyo akong alamin iyon. Ebidensya nalang ho ang kulang para patanunayan ang hinala namin ni Duke."
Nagsimula na rin nyang ikwento at aminin sa mga magulang ni Savannah ang kapangahasanan nya sa lasing na anak ng mga ito noong gabing nabuo ang anak nila. Ipinagtapat nya rin sa mga Monreal ang pagpapanggap nya sa harap ng dalaga dahil sa inakala nitong ibang tao ang umangkin ng kalinisan nito. Wala syang dapat itago lalo pa ngayon at gusto nyang hingin ang mga kamay ni Savannah sa mga magulang nito.
"Patawarin nyo ho ako sa pagtatakip na ginawa ko sa kapangahasan ko noon. Plano ko ho na suyuin at aminin kay Savannah ang lahat pagkatapos ng kasal namin. Hindi ko po kaya aminin sa kanya ang bagay na iyon before our wedding dahil natatakot po ako na iwan at kamuhian ako ni Savannah but she found out the truth four days before the wedding. Aksidente nya hong narinig ang kwentuhan namin ng kaibigan ko na ako ang lalaking umangkin sa kalinisan nya. Hindi ko po alam kung bakit pinuntahan ako ni Savannah sa condo ko. Hindi nya alam na ako ang may ari ng unit kaya nakapagtataka na puntahan ako doon ni Savannah, wala ho kaming usapan na magkikita. Maliban ho noong gabing may mangyari sa amin ay hindi pa nakakatapak si Savannah." mahaba at malinaw nyang pagkukwento habang tinatalunton ng kanyang isip ang mga alaala ng nakaraan.
YOU ARE READING
Obsessed With You By: Viktoria King
RomantikTutol si Margarette sa kasalang gusto ng mga magulang nya. Nakatakda syang ikasal sa inaanak ng Daddy nya na si Atticus. Mula ng malaman nyang ikakasal sya sa binata ay hindi na sya nakapag isip ng matino. Isang gabi nagpunta sya sa bar at isinuko a...