Chapter Seven: Runaway Bride

145 3 0
                                    

KINABUKASAN ay bisita ni Marga si Atticus ngunit hindi nya ito hinarap. Wala ng mas sasakit sa nararamdaman nya. Madali para sa kanya na tanggapin ang at yakapin ang katotohanang ito ang lalaking nakaniig nya. Sa katunayan ay gusto magdiwang ng kalooban nya dahil ito ang lalaki nakauna sa kanya. Ang ipinagdaramdama nya ay ang mga nalaman nya kay Alice. Talagang sumugat iyon sa puso nya. Kagabi ay maya't maya syang nagigising at maya't maya ring pumapasok sa utak nya ang mga nalaman.

"Anak, may problema ba kayo ni Dex?" tanong ng Mommy nya nang makapasok sa kanyang silid.

"Konting tampuhan lang, Mmy. Don't worry, hindi ito makakaapekto sa kasal namin."

Masuyong ngumiti sa kanya ang ina at niyakap sya.

"Salamat, anak."

Masakit man para sa magulang ay nakabuo sya ng plano. Mas masakit kung makikita ng mga ito na iwanan sya ni Atticus at pagmukhaing tanga sa araw ng kasal nila. Mahal sya nang mga magulang. Hindi nya kakayaning makita na nasasaktan ang mga ito kung makikita ang anak sa kakahiyan.

----
MARTES. Araw na ng kasal nina Savannah at Atticus. Kasalukuyang inaayusan si Savannah ng isang kilalang make up artist sa bansa.

"Ayy bakit naman ganyan ang itsura mo? Ikaw ang kakasaling mukhang makikipaglibing." malanding puna ng baklang nag aayos sa kanya. Wala syang naging reaksyon o tugon.

"Hindi mo ba alam na preggy si Mrs. Fontanilla? Normal sa buntis ang mood swings palibhasa wala kang matris." mataray na sita ng assistant nitong isa ring bakla.

Palihim nyang sinipat ang kanyang cellphone. Sana'y makisama sa kanya ang panahon. At sana'y dumating sa oras ang kausap nya.

Nakahanda na ang wedding gown nya. Pumasok muna sya sa kanyang silid upang magbanyo nang hindi binibitawan ang kanyang cellphone. Napapitlag sya ng bilang tumunog iyon. Dali dali nyang kinuha ang isang bag na kagabi pa nakahanda. Naglalaman iyon ang cash, passport at ilang mahahalagang bagay.

Pinili nyang sa likod bahay dumaan upang walang masyadong makapansin. Buo ang plano nyang wag sumipot sa simbahan. Kung hindi sisipot si Atticus ay ganoon din sya. Patas sila! Maghihintay ang mga bisita sa kanila sa wala.

----
Maganda ang gayak ng simbahan. Hindi maitatanggi na en grande ang gaganaping okasyon. Nagsusumigaw sa bawat ayos ng mga nagagandahang bulak ang karangyaan. Money talks. No! Money screams, shouts and yells. Iyon ang malinaw sa Fontanilla. Talaga nilagakan ng malaking salapi ang kasalang iyon. Kumpleto ang mahahalaga tao sa mga Monreal at Fontanilla. Ilang media din ang nasa labas ng simbahan.

Umuugong na ang mahinang bulong bulungan sa loob ng simbahang pagdadausan ng kasal nina Savannah at Atticus. Sinakop na rin kakaibang takot ang dibdib ng binata. Ang kaninang excitement na nararamdaman ay napalitan ng takot sa maaaring mangyari. Pinanlamigan sya sa naisip. Trenta minutos na ang nakalilipas sa oras na dapat ay nandoon na si Savannah ngunit ni anino nito ay di pa nila nakikita.

Bakas na ang pag aalala sa mukha ng mga magulang nya at sa mga magulang ng dalaga. Nanatili syang walang imik at hindi ipinahahalata ang tensyon sa mga bisitang naroon.

"Anak, mag iisang oras na'y wala pa si Margarette. Hindi rin matawagan ang telepono nya." anang ng Mommy nya nang makalapit ito sa kanya. Napahilot sya sa sentido.

Nasa ganoon silang ayos nang lumapit sa kanila ang isang bakla. Namumukhaan nya ito. Ito ang assistant ng make up artist ni Savannah. Hinihingal na lumapit ito sa kinaroonan nya sanhi marahil ng pagtakbo at pagmamadali. Nag alala sya sa takot na nakita nya sa mukha nito.

"Sir, nawawala po si Ma'am Margarette." takot nitong pahayag.

"What?" ang Mommy nya. Nadagdagan ang pag aalala nito.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now