Chapter Nine: Dexie Maurice

134 2 0
                                    

"Dad.." mahinang tawag ni Margarette nang makita nya si Gustavo na nakaupo sa loob ng restaurant kung saan sila nagkita. Umimpis nag bahagya ang mukha nito at tila ba ilang kilo rin ang nabawas sa timbang.

Yumakap sya dito at hindi napigilan ang paghagulhol. Wala na syang pakialam sa paligid nya o sa mga taong nakatingin sa kanila. Gumanti ng yakap si Gustavo at pakiramdam nya ay nakahanap sya kakampi. Mahal na mahal nya ang kinagisnang ama.

"Dad, patawarin nyo ako. I'm sorry. Hindi ko gustong madisappoint kayo ni Mommy." sumisigok sigok na pakiusap nya. Kung kinakailangang lumuhod sya sa harapan ni Gustavo ay gagawin nya.

"No. Kami ang patawrin mo ng mommy mo, Princess dahil pilit naming minamanipula ang buhay mo." gumagaralgal na tinig ng Don.

"Mahal na mahal ka namin anak kaya pati kinabukasan mo gusto naming pakialaman dahil gusto kong mapunta ka sa maayos na lalaki. Patawarin mo kami kung nakakasal ang uri ng pagmamahal namin."

Lalo syang naiyak. Pakiramdam nya ay sinisisi ni Gustavo ang sarili.

"Bumalik ka na sa bahay, princess. Pinagsisisihan ng Mommy mo ang mga nasabi nya. Miss na miss ka na nya."

Umiling sya at nagbigay ng kaunting espasyo sa pamagitan nila ni Gustavo.

"Sorry, Dad. Gusto ko po munang lumayo. Ayaw 'kong isuong kayo sa kahihiyang ginawa ko kung mananatili ako sa bahay. Ayaw 'kong lumabas na kunsintidor kayo ni Mommy."

Malungkot ngunit nakakaunawang tumango ang Don.

"Saan ka pupunta, anak? Ang apo ko, Princess?"

"Malayo, Dad. And please, nakikiusap po ako sa inyo na wag nyo ipapaalam kay Atticus. Ang alam nya' y nalaglag ang anak namin." pakiusap nya. Bumuntong hininga ito na para bang nahihirapan.

"Hindi ko alam kung ano ang pinagkagalitan nyo at bakit kayo humantong sa ganito, anak. Ako ang nasasaktan para sa inyo. Nagkamali ako at nagmadali sa kasal nyo." dumukot ito ng panyo sa bulsa at nagpunas ng luha.

"Dad, nahanap ko na po ang tunay kong Daddy." pagiiba nya ng usapan. Napatda ito.

"Gusto ko pong magpasalamat sa inyo ni Mommy. Not just about the material things and lavish life you gave me. Thank you, Daddy for your love and care. Wala na akong ibang mahiling dahil kayo ang naging magulang ko. Mahal na mahal ko kayo ni Mommy." hindi nya maampat ang luha nya gaya ng Don.

"Kami pa rin naman ang magulang mo, princess diba?" hirap na tanong nito. Ramdam nya ang sakit doon at pagmamahal ng isang amang tila aagawan ng anak.

"Walang magbabago, Dad. Ako pa rin naman 'yung prinsesa mo, diba? Sana Dad, pagbalik ko bukas pa ang tahanan nyo para sakin, samin ng anak ko. "

"You will always be our princess, anak. Dalawang braso ka naming tatanggapin sa pagbabalik mo. Bilisan mo lang at tumatanda na ako."

"Thank you, Daddy. Thank you. Mananatiling kayo ang hari at reyna sa puso ko. Please take care of yourself. Ingatan nyo ni Mommy ang sarili nyo."

Masakit sa kanya na iwanan ang kinagisnang magulang ngunit mas masakit sa kanya ang makitang nahihirapan ang mga ito sa idinulot nyang kahihiyan. All her life ay walang ipinaramdam ang mga ito kundi pagmamahal.

Kinahapunan ay kumuha na rin sila ng plane ticket ni Yael patungong Hong Kong at mula doon ay lilipad sila papuntang San Diego.

----
HINDI namalayan ni Dex na nabali nya ang lapis habang hawak ito. Gigil na gigil sya sa nalaman sa isang private investigator. Pinaimbestigahan nya si Yael at ayon sa report ng imbestigador na inupahan nya ay umalis ito ng bansa kaninang umaga. Hindi ito nag iisa. Kasama nitong umalis si Savannah. Kung bakit ba naman pinaimbestigahan nya pa tuloy ay sya ang nasasaktan. Malinaw na ihinain ng dating kaibigan na mahal nito si Savannah. Dalawang beses nya iyong napatunayan. Una ay noong pinuntahan sya ni Yael sa opisina at pangalawa ay noong nakita nya ang dalawa sa Tarlac na hindi man lang namalayan ng dalaga na nasa tapat sya ng mga ito. Sweet na sweet ang mga ito at nagagawang tumawa ni Savannah na parang walang ginawang gulo. Dalawang beses na nyang napatunayan na mahal ng kaibigan ang dalaga ngunit heto at pinangatluhan nya pa.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now