DALAWANG araw nang nakalabas si Savannah sa ospital at hinatid sya ni Yael sa condo nito. Doon sya pansamantala pinatira ng binata. Nagtataka man sa kabaitan nito ay hinayaan nya na lamang. Hindi sya ipokrita upang hindi amining kailangan nya ito. Kailangan nya ng tulong nito.
----
Nasurpresa si Dex sa bisitang nadatnan nya sa kanyang opisina. Ang kaibigan nyang si Yael."Napadalaw ka?" aniya nang makaupo sa kanyang swivel chair. Seryoso ang mukha ng kaibigan.
"Hindi mo ba aalamin ang kalagayan ni Margarette matapos ko syang dalhin sa ospital?" seryosong tanong nito. Pailalim syang tiningnan. Pagak syang napatawa.
"Para ano? I don't care. The hell with that woman."
Nagtiim ang bagang nito at sinamaan sya ng tingin na ipinagtaka nya. Naningkit ang mga mata nya sa naisip na posibilidad.
"At ano ang ibig sabihin ng pagmamalasakit na 'yan, Cojuangco?" maanghang nyang tanong. Tumayo ito sa upuan at nakipagsukatan ng tingin sa kanya. Kung patalim lamang ang inilalabas ng palitan nila ng titig ay natitiyak nyang sugatan na sila pareho. Walang gusto magbawi sinuman sa kanila.
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Siguraduhin mo lang na hindi mo guguluhin si Margarette pagkatapos ng lahat ng ito." matigas na pahayag ng kaibigan. Pagak syang napatawa. Bakit sya ang parang manggugulo? Malinaw na nasaksihan ng kaibigan nya ang pang iiwang ginawa ni Savannah. Ano ang ibig sabihin ng pagbabanta nito?
"Hindi ko alam na ikaw pala ang taong tumutuklaw sa akin patalikod. Magaling kang magbalat kayo, kaibigan." natawa sya ng pagak at sinamahan pa ng nakakainsultong palakpak. Nagtagis ang mga bagang ni Yael at kitang kita nya ang pagtitimpi nitong hindi sya suntukin.
"Tell me, Yael. Ikaw ba ang lalaki sa likod ng pag atras ni Savannah sa kasal namin?" Nagulat ito sa tanong nya ngunit mabilis na naitago ang emosyong iyon. Napalitan ng amusement ang mukha nito at sya naman ang pagak na pinagtawanan.
"Magaling ka, Dex. Magaling kang negosyante pero--"
"Save it, Cojuangco" mabalasik na putol nya sa sasabihin nito. Ayaw nyang marinig ang mga salitang minsan na nyang narinig kay Savannah.
"Ano ang ipinunta mo dito? Saan ko utang ang pagbisitang ito, Yael? Natitiyak kong hindi si Savannah ang dahilan."
"I wish not. Gusto ko malaman mo kung anong nangyari sa anak nyo."
"Wala akong pakialam sa ginawa nya. Inilaglag nya ang anak namin, that's it. Dalawin ko man sya'y hindi maibabalik noon ang anak ko. Wala na akong pakialam sa kanya." mabagsik nyang sambit. Nagpupuyos sya sa galit.
"Kung ganoon ay wala na pala tayong dapat pag usapan. Tiyakin mo lang na hinding hindi mo lalapitan si Margarette at guguluhin." pagbabanta nito sa kanya.
"At ano ang gagawin mo? Pinapatawa mo ako, Conjuangco. Alam mong pinapilay ko ang mga taong bumabangga sa akin."
"But not me, Fontanilla. Kaya ko makipagsabayan sayo."
Mariing nagtagis ang mga bagang nya. Heto't nasa harapan nya ang kaibigang handa atang ialay ang buhay para sa isang babae. Isang babaeng tumalikod sa kanya.
"Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo masaktan ang...." nanggigigil na bulalas nito na hindi magawang dugtungan ang sasabihin.
"Ang ano, Yael? Ang babaeng mahal mo?" nanunuya nyang tanong.
"At kung sasabihin kong oo?" mabilis na kabig nito at mabilis ding umigkas ang kamao nya sa panga nito. Kung anong bilis nya'y ganoon din ai Yael, nakaganti kaagad ito ng suntok sa kanya.
"F*ck you, Fontanilla." anito habang sapo ang mukha. Gaya nya ay putok ang labi nito. Tinalikuran sya nito at akmang lalabas ng opisina.
"Oras na lumabas ka ng opisinang ito ay kalimutan mo na ang pagiging magkaibigan natin." nanggigigil na banta nya. Natigilan ito ngunit hindi humarap.
YOU ARE READING
Obsessed With You By: Viktoria King
RomanceTutol si Margarette sa kasalang gusto ng mga magulang nya. Nakatakda syang ikasal sa inaanak ng Daddy nya na si Atticus. Mula ng malaman nyang ikakasal sya sa binata ay hindi na sya nakapag isip ng matino. Isang gabi nagpunta sya sa bar at isinuko a...