Chapter TWENTY: Alice's Background

147 2 0
                                    

ALAM ni Alice na umiiwas sa kaniya si Dex. Hindi rin miminsang nakita nyang nakatingin ito sa screen ng cellphone nito habang pinagmamasdan ang isang larawan. Natitiyak niyang larawan iyon ni Marga at ng anak nito. Ramdam niya ang unti unting paglayo ng binata sa kaniya. Sa tuwina'y gumagawa ito ng paraan upang walang mamagitang sekswal sa kanilang dalawa. Pagod. Palaging nakalock ang silid nito o di kaya naman ay hindi ito umuuwi sa bahay ng mga ito na tinutuluyan nila sa San Diego.

Anumang oras ay alam niyang tuluyang mawawala sa kaniya si Dex. At hindi niya hahayaan iyon. Malaki na ang ipuhunan niya upang maabot ang mundo ng mga ito. Hindi niya kakayanin ang nakaambang kabiguan sakali man. Hinding hindi na siya babalik muli sa dating buhay niya. Bukod sa mahal niya si Dex ay ang estado nito sa buhay ang alam niyang tuluyang makapag aahon sa kaniya mula putikan.

Lumaki siyang may masalimuot na nakaraan. Malupit sa kaniya ang tadhana mula pa pagkabata. Panganay siya ng isang GRO sa bar at dahil sa trabaho ng kaniyang ina ay hindi ito pinanagutan ng kaniyang ama na hanggang ngayon ay di niya nakikilala at hindi niya intensiyong kilalanin pa. Dalawang buwang sanggol pa lamang siya ay nagbalik na sa pagtatrabaho sa bar ang kaniyang inang si Stella Amador at hindi nagtagal ay nakakilala ito ng panibagong customer na sandaling nagpatikim dito ng karangyaan, si Mauricio Serna.

Isang buwan pa lamang nakakabalik si Stella sa trabaho ay inalok na ito ni Mauricio na maging maybahay nito. Sumama ang kaniyang ina sa huli at naiwan naman siya sa tiyahin niyang si Rosario dahil umano hindi siya tanggap ni Mauricio lalo pa at ipinagbubuntis na ng ina niya noon ang anak ng mga ito, si Yael na ngayong ay Yael Cojuangco. Nadagdagan pa ang anak ni Stella at Mauricio na nangangalang Bianca. Madalas ay nakatanaw lamang siya sa malayo sa tuwing isasama siya ni Rosario sa labas ng masion ni Mauricio upang silipin ang kaniyang ina.

Inggit na Inggit ang batang puso niya noon sa tuwing makikita ang karangyaan ng kaniyang dalawang kapatid. Ninais niyang lumapit sa mga ito at magpakilala ngunit natakot ang siyang ipagtabuyan ng mga ito. Sa luho at yaman ng mga ito ay hindi malabong ayawan rin siya ng mga ito tulad ni Mauricio. Walang gabi na hindi niya hiniling na sana'y isinama na lamang siya ni Stella sa bago nitong pamilya. Bagaman hindi ito nagkukulang ng sustentong ibibibigay nito kay Tiya Rosario para sa kaniya ay gusto niyang may matawag na pamilya, ama katulad ng mga pangkaraniwang bata

Nag umpisang magbago at mas lalong lumupit ang kapalaran sa kaniya noong nagkahiwalay si Stella at Mauricio. Ayon sa tiyahin niya ay nahuli ni Mauricio si Stella na may kaniig na iba sa sariling tahanan ng mga ito. Nilayasan ni Stella ang asawa bitbit ang dalawa nitong anak na si Yael at Bianca. Nasa pitong taon noon ang batang si Yael at magtatlong taon naman si Bianca. Gaya ng ginawa dati ni Stella ay itinambak nito ang dalawang bata sa tiyahin niyang si Rosario at nagbalik muli ito sa bar na dating pinapasukan.

Sa kahirapan ng buhay at kagipitan ng ina-inahan niyang si Rosario ay nagdesisyon itong dalhin ang dalawang bata sa bahay ampunan. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na ipakilala ang sarili sa kaniyang mga kapatid dahil wala pang isip noon si Bianca habang ang bulol na bulol namang si Yael ay palaging nagwawala at naghahanap sa ama nito. Dalawang araw matapos nila ihatid ni Rosario sa bahay ampunan ang dalawang bata ay kinuha siya ni Stella dahil maaari na daw siya nitong mapakinabangan.

Sa edad na walong taon ay ginawa na siya nitong katulong. Napakalupit ng sarili niyang ina. Tagalaba. Tagalinis. Tagamasahe, iyon ang naging papel niya sa buhay ni Stella. Hindi sasampung lalaki ang nakikilala niyang inuuwi nito sa kanilang bahay sa loob lamang ng isang buwan. Mulat na siya sa kalupitan ng mundo sa edad niyang iyon. Dalawang beses pa nagbuntis ang kaniyang ina at muli't muli'y dinadala nito sa kaniyang Tiya Rosario ang bata. At magkasama naman sila ni Rosario na iiwan labas sa gate ng bahay ampunan ang sanggol. Dahil siya ang pinakapanganay sa mga anak ni Stella ay siya lamang ang naiwan dito.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now