Chapter Nineteen: Dinner With Fontanillas

150 2 0
                                    

SABADO ng hapon at ikatlong araw na nina Savannah at Maurice sa mga Cojuangco. Napagdesisyunan niyang bumalik na sila sa kaniyang bahay dahil natitiyak naman niyang hindi siya mapupuntahan doon ni Atticus. Ayon kagabi kay Yael ay tumulak ang binata pa-San Diego upang asikasuhin ng personal ang Rancho ng mga ito doon. Walang oras na hindi naghanap si Maurice sa ama nito mula noong nananatili sila sa mansion ng mga magulang ni Yael. Parang hinihiwa ang puso ni Savannah tuwing magtatantrums ang anak sa paghahanap sa daddy nito. Hindi iisang beses niyang inisip na hingin ang numero ni Atticus sa kaniyang mga magulang. Mabuti na lamang at nandiyan si Yael upang sa tuwuna ay libangin at payapain ang anak.

Bago tuluyang umuwi ay dumaan muna sila sa mga magulang niya. Mabuti at naabutan niya ang mga ito. Nakahandang umalis ang mag asawang Cristina at Gustavo nang datnan nila.

"Oh, I miss you, apo." masuyong halik ni Cristina kay Maurice.

"Whey ay you going, Lola, Lolo?" tanong ni Maurice matapos humalik sa pisngi ng kaniyang mga magulang. Naunahan siya nito sa pagtatanong.

"Halina, sumama na kayo sa amin, Marga. Papunta kami sa mga Fontanilla, tiyak na matutuwa sina Kumpadre pag nakita ang apo namin." pag aanyaya ni Gustavo. Alanganin siya. Tiyak niyang wala doon si Atticus ngunit lalong maghahanap ang anak niya kapag nakita nito ang pamilya ni Atticus.

"Fontanilla, Lolo? That's my dad's lastname. Ay we going to visit him? " inosenteng tanong ni Maurice habang karga ni Gustavo.

"Your Daddy's not here. He's in San diego, honey. Hindi ba nagpaalam sa inyo si Dex, Marga?" tanong ng Mommy niya. Napangiwi siya. Paano niya ba ipapaliwanag sa mga ito na iniwasan niya si Atticus at hindi na niya nagawang makausap?

"We stayed in Cojuangco's for three days, Mom. Since nung huling visit namin dito. Hindi na ulit kami nagkita ni Atticus."

"At nagawa mong manatili doon ng ilang araw samantalang dito'y oras lang ang itinagal ninyo." may pagtatampo sa tinig ni Cristina.

"O siya! Tama na iyan at baka kung saan pa mauwi. Sa amin na kayo sumakay at doon tayo maghahapunan."

Buhat ni Gustavo si Maurice pasakay ng kotse ng mga ito kaya naman wala na siyang nagawa kundi sumunod na lamang.

-----
"You'y hel, Dutchess." masayang bati ng batang si Maurice sa pinsang si Dutchess. Nakangiting pinagmamasdan nina Yvionna at Franco ang magpinsan.

Matapos magkabatian ay agad na nagkayayaan sa hapag. Bago pa man dumating ang pamilya nina Margarette doon ay paksa na ito ng pamilya Fontanilla. Inilahad ni Jessica sa kaniyang mga in-laws ang mga nalaman niya noong huling magkausap sila ni Marga. Patawarin siya ng kaibigan ngunit alam niyang iyon ang paraan upang magkaroon ng kasagutan ang lahat. Halos atekihin ang biyenan niyang si Franco sa galit. Mabuti na lamang at laging nakaagapay si Yvionna sa asawa upang pawiin ang galit ng asawa.

Galit pareho ang biyenan niya para sa dating sekretarya ni Franco at ngayo'y sekretarya't kasintahan ng bayaw nyang si Dex. Hindi iisang beses na pinigilan ni Duke ang ama na tawagan si Dex at sabihin dito ang mga natuklasan. Nakiusap rin siya na hayaang malaman ni Dex ang totoo kapag nakabalik na ang mga ito ng Pilipinas. Kasalukuyang nasa San Diego ang kaniyang bayaw at kasama doon si Alice upang personal na tutukan ang kinakaharap na problema.

----

"Hija, mabuti't nakasama ka. Ang sabi ni Jessica ay magkapit bahay lang pala kayo. Ilang araw daw kayo wala sa bahay mo kaya hindi ka niya personal na naimbitahan." basag ni Yvionna sa hapag matapos ang  isang maikling dalangin.

"Yes po, Tita. Nasa mga Cojuangco po kami nitong nga nakaraan."

"Babalik ka na ba, Marga sa kumpanya niyo?" si Duke ang nagtanong at sinundan ng pagsubo ng pagkain.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now