Chapter Fourteen: Duke and Dex plan

162 3 0
                                    

NAGISING si Savannah na may mabigat na nakadagan sa binti nya at nakapulupot na braso sa kanyang katawan. Inaalala muna nya ang nangyari kagabi bago tuluyang iginala ang mga mata sa paligid. Madilim pa at mahimbing pang natutulog ang lalaking nakayakap sa kanya, walang iba kundi si Atticus. Dahan dahan syang gumalaw upang makaalis sa pagkakayakap nito. Nang makatayo sya ay agad na hinanap ang mga damit na hinubad sa kanya kagabi ng binata. Bago pa tuluyang lisanin ang condo ay pinagmasdan muna ang binata. Hindi naman sigiro nito malalaman ang nais nyang gawin. Tutal ay tulog naman ito kaya lihim nya itong ginawaran ng halik. Dali dali nyang hinagilap ang kanyang purse at lumabas ng unit. Ayon sa kanyang cellphone ay pasado alas tres y media na ng madaling araw.

Dahil sa spare key na dala nya ay mabilis syang nakapasok sa loob ng bahay na ibibigay sa kanya ng Daddy Maurice nya. Dumeretso kaagad sya sa kwarto ni Maurice upang bisitahin ito. Nadatnan nyang mahimbing na natutulog ang anak nya at yakap ito ni Yael. Hindi na nya nilapitan ang mga ito dahil baka magising pa. Nagtuloy na lamang sya sa sariling kwarto. Matapos maglinis ng katawan ay iniluklok nya ang sarili sa kanyang kama. Hinayaan nya ang diwa na alalahanin ang pinagsaluhan nila ni Atticus. Bakit gusto nitong magkaanak sa kanya? Nagtataka sya. Bakit umabot ng ilang taon bago nagpropose ito kay Alice? At nasaan ang anak ng mga ito? Hahanapin nya ang mga kasagutang iyon.

Kung pagbabasehan ang outburst ni Atticus tungkol sa "nalaglag" nilang anak ay nakatitiyak syang wala itong anak. Nasaan ang anak nito at ang anak ni Alice? Alam nyang magagalit si Alice oras na malaman nito ang pinagsaluhan nila ng binata ngunit wala syang makapang takot o pangamba. Masama ban syang tao kung sasabihin nyang wala syang makapang kudlit sa kanyang konsensya. Nasa ganoon syang pag iisip ng dalawin muli ng antok.

---

NAGPUPUYOS sa galit si Alice ng umagang iyon. Kagabi ay dumalo sila ni Dex sa anibersaryo ng mga magulang ni Margarette. Ang sayang naramdaman nya nang alukin sya nito ng kasal ay napalis nang malaman nyang magkasama umalis si Margarette at Dex. Walang pakundangan iyong ipinahayag ni Yvionna sa harapan nya at tila masayang masaya pa ang mga kaharap nya na muling nakitang magkasama ang dalawa. Hindi sya manhid upang hindi maramdamang balewala sya sa mga taong nakasalamuha nya kagabi. Maliit na maliit sya kumpara sa mga ito at harap harapang isinasampal sa kanya ni Yvionna na hindi sya nito gusto para sa anak. Lantaran ang ginagawang pang-a-out of place na mga ito sa kanya. Ni hindi nga namalayan ng mga tao doob na nilisan nya ang lugar. Nakaramdam sya ng pagkapahiya at pang iinsulto. Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin sya nababagay kay Dex. Hanggang ngayon ay si Margarette pa rin ang sentro ang atensyon ng karamihan.

Malalim na sya masyado ang lihim nyang galit kay Margarette at unti unti nyang nararamdaman na inilalayong muli nito si Dex sa kanya. Alam nyang inaagaw nito ang atensyon ng lalaking minamahal nya. Ginawa nya ang lahat upang maging karapat dapat kay Dex at kung kailan maayos na silang nagkakamabutihan ay saka bigla namang susulpot si Margarette. Aagawin na naman nito ang lalaking mahal nya. Hindi sya makakapayag. Ngayon pa na may pinanghahawakan na sya sa binata bilang fiancée ni Dex. Nagawa nyang alisin sa landas nya  noon si Marga at mas kaya nyang gawin iyon ngayon. Kaya nyang tuluyang maalis sa landas nya ang babaeng ito. Nanggigigil na naibato nya ang bawat gamit na mahahawakan sa loob ng unit nya. Hinding hindi sya makakapayag na mawala si Dex sa kanya! At hindi na nya kayang umarteng maamong tupa. Hindi sya magpapaapi.

----
Nagising si Margarette sa maliit na kamay na kumikiliti sa kanyang talampakan. Inaantok pa nyang iminulat ang mga mata. Gusto nyang mapaungol nang makitang alas syete pa lang ng umaga, iilang oras pa lamang ang naitutulog nya. Linggo ngayon at nais nya sanang matulog sa maghapong iyon pero agad na may dumamba sa kanya. Napangiti sya nang pupugin sya ni Maurice ng matutunog nitong halik.

"Wake up, mommy. Wake up!" pangungulit ni Maurice na tumalon talon pa upang maalog ang kama nya. Wala syang nagawa kundi pupungas punga na bumangon. Agad nyang niyakap ang anak at pinupog ng halik.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now