"So, si Alice ang dahilan kung bakit ka umatras sa kasal." lamang ang pagpapahayag kaysa pagtatanong sa boses ni Jessica makalipas ang sandaling katahimikan. Napabuntong hininga sya.
Ikinwento nya sa kaibigan ang nangyari apat na araw bago ang kasal nila ni Atticus. Mula sa narinig nyang usapan nito at ni Spencer hanggang sa kung paano sila nakita ni Alice at ang pagtatapat ng babae sa realasyon nito at ni Atticus pati na ang ipinagbubuntis nito.
"That bitch!" nanggigigil na sambit ni Jessica. Nagtataka sya sa reaksyon nito. Pinigilan nya ito nang matanaw na papalapit ang dalawang bata. Ayaw nyang may marinig na hindi magandang salita ang mga bata. Knowing her bestfriend, walang preno ang bunganga nito.
"Mommy, Dutchess told me that she has an Uncle named Dex. Is that my Daddy?" tanong ni Maurice nang makalapit sa kanila. Kinalong nya ito at kinalong naman ni Jessica ang anak.
"Yes, baby. That's your Daddy and Dutchess is your cousin." si Jessica ang sumagot sa tanong ng anak nya. Parehong nanlaki ang mga mata nina Dutchess at Maurice at mayamaya pa'y nagyakap.
"Oh, that's why we look like a twin." matalinong sambit ni Maurice. Pareho silang natawa.
"You're so smart, honey." papuri ni Jessica.
"So, anong plano mo ngayon? Inakala namin, ng lahat na nalaglag ang anak nyo. Ipapaalam mo ba sa mga in laws ko ang tungkol kay Maurice? Kuya deserves to know about her." usisa ni Jess pagkalabas nina Dutchess at Maurice ng komedor. Matapos nya bigyan ang mga ito ng sandwich at juice ay nagpaalam upang muling maglalaro.
Ikinwento nya kay Jessica na kilala na ng mag asawang Fontanilla ang anak nya bago pa man idaos ang anniversary party ng mga magulang nya. Nakiusap na rin sya dito na wag muna ipaalam kay Atticus. Kung magkikita muli sila ng binata ay gusto nyang sa kanya nito mismo malaman.
"Paano ka nakatakas noong kasal mo? Si Yael ba ang tunulong sayo?" tanong nito kapagkuwan.
"Hindi. Kapatid ni Alice ang nagtakas sakin. Isang gabi bago ang kasal ay humingi ako ng tulong kay Alice. Sinabi ko sa kanya na hindi ako tutuloy sa kasal tulungan nya lang ako makatakas. Naaawa ako sa kanya at sa ipinagbubuntis nya. Malinaw sa akin na mahal nila ni Atticus ang isa't isa, walang sya kalaban laban. Alam kong masakit sa kanya na makitang ikakasal ang lalaking mahal nya. Pakiramdam ko'y inagawan ko ng ama ang anak nya. Isa pa'y gusto ko din isalba sina mommy at ang sarili ko sa kahihiyan. Ipinagtapat sa akin ni Alice na hindi ako sisiputin ni Atticus sa kasal namin." naluha sya sa ikinwento nya sa kaibigan. Sa tuwing maalala nya ang nangyaring iyon ay nanariwa ang sakit na naradaman nya noon.
Tigagal si Jessica. Hindi ito makapaniwala sa mga nalaman. Hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin sya. Nagpahid sya ng luha at akmang tatayo pero mabilis na pinigilan sya.
"Marga, hindi nabuntis ni Kuya si Alice. Hindi sila nagkaron ng relasyon. Two weeks pa lang na girlfriend ni Kuya ang babaeng 'yon. Ang kapal ng mukha nya! Sinadya nya na ikaw ang umatras sa kasal para ikaw ang lumabas na masama. Kakalbuhin ko talaga sya pag nakita ko." gigil na gigil si Jessica. Talagang galit. Kilala nyang war freak ang kaibigan at hindi malabong totohanin nito ang sinabi.
"Hindi ko alam ang magagawa nina Mommy sa kanya o ni Kuya. Ang kapal ng mukha!" nanggagalaiti pa rin ito.
"Maybe, Atticus and I aren't really meant for each other. Ayaw kong maapekto ang nakaraan para magkasira sila. Nagpropose na si Atticus sa kanya. Hayaan na natin." malungkot na sabi nya. Tapos na ang nakaraan at ito na ang kasalukuyan. Hindi man totoo ang sinabi noon ni Alice ay malinaw sa kanya na nagawa nito iyon dahil mahal nito ang binata at nakamit na nito ang nais. Nagpropose na dito si Atticus. Masakit man ay kailangan nyang tanggapin iyon.
YOU ARE READING
Obsessed With You By: Viktoria King
RomanceTutol si Margarette sa kasalang gusto ng mga magulang nya. Nakatakda syang ikasal sa inaanak ng Daddy nya na si Atticus. Mula ng malaman nyang ikakasal sya sa binata ay hindi na sya nakapag isip ng matino. Isang gabi nagpunta sya sa bar at isinuko a...