Chapter Five: Pregnant

217 3 0
                                    

SAKAY si Savannah ng elevator paakyat sa opisina ni Atticus. Kanina'y tumawag ito sa kanya at pinapunta sya ng binata sa opisina nito. Nagpahintay ito ng kaunting oras at pupunta sila ngayon sa restaurant na para sa food tasting. Nakiusap ito na sya na lamang ang pumunta sa kumpanya ng mga Fontanilla dahil gipit ito sa oras kung susunduin pa sya sa kabilang kumpanya. Isa pa'y tapat lamang ng building ng Fontanilla Group of Companies ang restaurant na magcacater sa kasal nila.

Bagamat pareho silang abala sa kanyang kanya nilang kumpanyang ay hindi sila nawalan ng oras upang personal na asikasuhin ultimo maliit na detalye ng kanilang kasal. Magaan na rin ang pakiramdam nya at aaminin nyang masaya sa tuwinang kasama ang lalaki. May pakiramdam syang kumportable sya dito. Hindi na rin sila nagtatalo at hayagan din ang pagpapakita nito ng sweetness. Nais nyang mangiti nang maalala kung paano sya nito tratuhin. Lumulobo ang puso nya.

"Hi. Nasa loob ba si Atticus?" bati nya sa sekretarya nitong si Alice.

Ang sekretarya ni Atticus na kilalang maldita bagaman ay hindi sya nito pinapakitaan ng masama ngunit hindi rin naman masyadong maayos ang pakitungo nito sa kanya. Noon pa, tuwing makikita sya nito sa mga pagtitipon na naroon ang dalaga ay palagi itong nakaismid sa kanya. Napabalitaan naging kasintahan iyo ni Atticus ngunit namatay ding agad ang balitang iyon. Siguro'y isa rin sa mga naging affair ng binata. Sa pagkakaalam nya ay magkaklase ang dalawa noong college sa university na pareho nilang pinasukan ng binata.

"Nasa loob pa. May ka-meeting." anito na tila ba walang gana. Tila ba napilitan lang itong sumagot sa kanya.

"Sige. Hihintayin ko nalang sya dito." aniya kapagkuwan at saka naupo.

She wants to befriend with her kaya nagsimula syang magbukas ng usapan.

"Kanina pa ba sila sa loob?"

Bumuntong hininga na may irap pa ang dalaga bago sumagot. Nabuhayan sya ng inis sa inasta nito. Unti unti na nyang nakikita ang

"Look, Ms. Monreal. I have a lot of work to do. I don't have time to chitchat with you." mataray nitong bigkas na ikinainit ng ulo nya. Akmang syang magsasalita nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Atticus at sunod sunod ang tatlong lalaking naglabasan kasama ang binata.

" Oh hi, sweetheart. Kanina ka pa? " bati sa kanya ni Atticus at humalik sa kanyang pisngi.

"Wala pang five minutes."

"By the way, Savannah. Si Mr. Cayetano Evasco at si Mr. Manuel Oracion, gentlemen meet my lovely fiancée, Savannah Margarette Monreal." proud na pagpapakilala ni Atticus sa kanya.

"We're pleased to meet you, Hija. Tama ang bulung bulungan na bantay salakay ang binatang Fontanilla. Kung ganyan nga ba kaganda ay talagang babakuran." natatawang pahayag ni Mr. Evasco. Hindi nya maintindihan ang mararamdaman. Tila ba isa syang teenager na hiyang hiya.

Matapos magpaalam ng dalawang matanda ay hinarap ni Atticus si Alice, ang sekretarya nito.

"Bakit hindi mo pinapasok si Savannah, Alice?" tanong nito sa dalaga na tumitipa sa computer nito.

"Sabi mo kasi wag kayong abalahin." sagot ng sekretarya na umismid pa.

"But she's my wife. Ayaw ko na maulit ito. Let her in kasi sino pa ang kaharap ko."

My wife. Tila ba sya ihinele ng mga katagang iyon. Masama ang tinging ipinukol ni Alice sa kanya ngunit tinaasan nya lamang ito ng kilay. Ang kaninang nais nyang tarayan ito dahil sa pagmamaldita nito sa kanya ay nalusaw ng mga katagang binitawan ni Atticus. Gustong magdiwang ng puso nya.

-----
Maraming putahe ang nasa harapan nina Atticus at Savannah ng mga sandaling iyon ngunit tila ba hinahalukay ang sikmura ng dalaga sa kakaibang amoy ng Garlic-buttered shrimp. Nangangasim ang sikmura nya at anumang oras ay alam nyang maduduwal sya. Nahihilo rin sya sa masangsang na amoy ng pabangong gamit ng Manager ng restaurant.
Hindi na napigilan ni Savannah ang panlalabo ng kanyang paningin. Napakapit sya sa braso ni Atticus at tuluyan tumumba. Kung hindi sya maagang nasalo ng binata ay malamang sa sahig sya pupulutin.

Obsessed With You By: Viktoria KingWhere stories live. Discover now