"Finally na isipan mo ding umuwi!" salubong ni Kuya sa akin pagka pasok ko ng pinto. Pero mas pinili kong hindi na din sumagot. Naglakad ako ng derederecho palapit sana ng hagdanan pero agad naman akong hinarangan ni kuya. "So ano, wala kana ding balak na kausapin ako at si Mama? Magmamatigas kana din sa amin ha?" dama ko pa din ang tensyon na namamagitan sa amin ni kuya..
"Kuya please, pagod na pagod ako. Let's not talk today.. May bukas pa diba? Baka pwedeng ipa ubaya mo na muna sa akin kahit isang gabi lang.." at pasimple ko syang itinulak. Pero mabilis naman din nyang nahawakan ang braso at napakahigpit nun.. "Aray!" napasigaw ako sa sakit dahil na din sa dami ng test na ginawa sa akin kanina kaya dama ko pa din ang bugbog ng karayom sa mga ka ugatan ko.. Sa pag sigaw kong yun ay mabilis naman akong binitawan ni kuya..
"Robi!" sabay kami ni kuyang napalingon kay Mama na hindi ako sigurado kung kanina pa bang nasa likod namin ni Kuya.. "Hayaan mo na munang makapag pahinga si Eddison at bukas na tayong lahat mag usap usap." hindi na ako kumibo pa at agad ng umakyat papunta sa kwarto ko..
"Damn it! Bakit nga ba dito ako umuwi sana sa condo na lang ako nagpunta ng makapagpahiga ng maayos.." bigla naman nag ring ang phone ko at si Joross.. "Hello, Joross!"
"Sir Good evening po,, alam ko po ayaw nyo po paistorbo pero hindi ko na po talaga alam saan ko po kayo hahanapin.. Saan ko po kayo pwedeng sunduin sir? nag aalala na po kasi sa inyo ang Mama at Kuya nyo po.."
"Umuwi kana Joross nasa bahay na ako.."
"Hay salamat! Thank you Lord! Akala ko mawawalan na ako ng amo sir,... ay sorry po akala ko po mawawalan na ako ng idea saan ko po kayo hahanapin.. Pinag alala nyo kami sir ha.. ngayon lang po nangyari na hindi kayo nag paramdam sa amin. Namiss na po ni Cacai yung galit at sermon nyo po sa kanya hahahahhahha" alam kong pinapagaan lang ni Joross ang usapan namin pero wala talaga ako sa wisyo na makipag usap sa ngayo.. "Sorry po sir, napa sobra po ata ako.." pagpapa umanhin nya sa akin ng wala syang marinig na kahit ano man sa akin.. "Sige po sir, ibaba ko na po itong tawag para po makapagpahinga na po kayo.."
"Joross!"
"Sir???"
"Bukas I want you and Cacai early morning in my office, madami tayong dapat pag usapan at dapat ayusin.. I guess matatagalan akong mawawala. I will file for leave maybe 2 - 3 months.. Kaya need ko ang tulong nyo at mapapag iwanan sa office.."
"Sir?? Saan po kayo pupunta? Bakit ang tagal nyo pong mawawala?" sunod dunod na tanong ni Joross. "Ay sorry po sir,,," agad naman nyang bawi.
"Ang daming nangyari ngayong araw Joross,, I don't have energy to explaine everything. Bukas malalaman mo and I am hoping na you and cacai will have a good team work habang wala ako okay.. Sige bukas na lang, really need to rest now.."
"Noted sir,, pahinga na po kayo.. Good night sir.."
Gustuhin ko man ang magbihis ng damit ay para na akong hinila ng kama ko at tuluyan na din akong nilamon ng antok ko..
BINABASA MO ANG
Ill Find You
RomanceYou meet someone unexpectedly, and having no clue how much they'd mean to you in the future. How the path of two strangers crossed, and how it has changed and affected your life so much. And how an accidental clash of worlds, was the most beautiful...
