Kina umagahan ay maagang nagising si Eddison. Maaga itong naligo at nag ayos ng sarili na hindi naman nya normal na ginagawa. Saktong pag labas nito ng kwarto ay sya ding paglabas ni Joros na kakagising lang at hindi pa nakakaligo."Hala! Good morning sir! May maaga po pala tayong lakad? Sorry talaga sir magmamadali lang po akong maligo..." at papasok na sana pabalik sa kwarto nito si Joros ng tawagin ito ni Eddison.
"Joros!" Agad naman napapikit si Joros sa pag aakalang bubulyawan sya nito. Dahan daham itong humarap sa kanya ng naka yuko.
"Sir...."
"Oh bakit ganyan ang itsura mo? Wala tayong lakad. Pero ako meron kaya wag kana magmadaling mag bihis..."
Unti unting napa angat ng mukha si Joros dahil sa pagtataka na din sa kalmadong pagsasalita ng amo... "Po? Sir? Wala po tayong lakad? Kayo meron?" Halong pagtataka at pasimpleng pang iintriga ang ginawa ni Joros sa amo.
"Hoy Joros mga salitaan mo ha! Oo may lakad ako,actually kami ni Bella..." napansin naman nito ang facial expression ni Joros ng sabihin yun.
"Sir mukhang espesyal si Bella ah.. Ngayon ko lang nakitang nag effort kayo sa babae... Hmmm... she must be special?"
"Shut up Joros. Hinihingi ko ba ang opinion mo? Hindi naman diba?" At agad tumalikod ito kay Joros at pinawalan ang ngiti na kanina pa nya pinipigilan.
"Sorry po sir..." pagpapa umanhin nito.
"Wala lang si Bella at itong lakad naming to pambawi ko lang to sa pambabastos ko sa kanya sa eroplano... Siya nga pala wala pa din bang balita si Cacai tungkol kay Mr. Ong."
"Kakatawag lang po ni Cacai sir. Hanggang ngayon po kasi hindi pa din sya binibigyan ng appointment ng secretary nya para po sana maka meeting sya. Ang dahilan daw po kasi lagi ay busy si Mr. Ong sa paghahanda para sa Golden wedding anniversary nila ng asawa nya. Kaya po pala andito sila Mr. Ong sa Bali kasi dito po sila mag re-renewal of vow..."
"Alangya! May paganun ganun pa talaga si Mr. Ong kung kelan naman tumanda saka naman nag inarte ng ganyan. Well tawagan mo kamo si Cacai sabihin mo wag na wag nyang titigilan si Mr. Ong. Tsaka ikaw gawan mo din ng paraan. Ikaw ang andito baka magawan mo ng paraan. Aalis na muna ako. Sana pagkabalik ko may maganda na kayong ibabalita sa akin ha!" Magsasalita pa sana si Eddison ng mag ring ang phone nito.
"Hello Basisay!"
"Hoy Dongskie, asan kana? Kalalaking tao nagpapa antay ka pa! Sasama ka ba o hindi?"
"Hoy Basisay ayaw na ayaw ko sa lahat yung sinisigawan. Kanina pa ako ready may mga inihabilin lang akong trabaho sa driver ko. Baka nakakalimutan mo business man ata ang chaperone mo ngayon. Ang swerte mo pinag lalaanan pa kita ng oras ko..."
"Ay iba din, oo at hindi lang ang sagot sa tanong ko kumuda ka naman ng bongga! Pwes maraming salamat po sa inilaan mong oras para samahan ako ha? Kung napaka busy mo din naman pala kaya ko naman din ang mag isa. Baka nakakalimot ho kayo mahal na hari na kayo po ang may sabi na gusto nyong sumama at hindi ko po kayo pinilit. Paalam na po at salamat sa oras." Agad naman pinatayan ni Bella ng telepono si Eddison na nagpataranta sa binata para magmadaling lumabas ng pinto. Hindi na nya napansin pa si Joros.
Nang nakalabas na si Eddison ay pasimple namang kumanta si Joros...
"Pag ibig na kaya, pareho ba ang nadarama? Ito ba ang simula di na mapipigilan. Pag ibig na ito sanay di matapos ang nadaramang ito. Pag ibig na kaya ito? Pag ibig na kaya ito... hmmm... pagkat nararamdaman pag ibig na ngayon lang natagpuan.... Huh! Langya pumapag ibig na ang bossing ko...."
BINABASA MO ANG
Ill Find You
Roman d'amourYou meet someone unexpectedly, and having no clue how much they'd mean to you in the future. How the path of two strangers crossed, and how it has changed and affected your life so much. And how an accidental clash of worlds, was the most beautiful...