"Ma, ayan nakauwi na tayo.. Siguro naman susunod kana sa bilin ng mga doktor... Alam ko ayaw na ayaw mong na oospital pero bakit napaka tigas ng ulo mo Ma!" Panenermon ko kay Mama, at handa na din naman ako sa mga susunod nyang pwedeng gawin sa akin. Ahahaha kilala ko ang Nanay ko at wala silang pinag kaiba ng ugali ni Bella... Napangiti na lang ako.
"Hoy Eddison! Baka nakaka limot ka Nanay mo pa din ako. Tong batang to maka sermon..." Kitams.. reaksyonista din po sya ahahahah..
"Ma, I love you.. kaya ako nagsasalita ng ganito kasi ayaw kong lagi kang nasa ospital. Kaya dapat ingatan mo yang sarili mo..."
"Aba ang sweet naman ng anak kong yan... Sino na yang babaeng nagpatino sa bunso Kong to?! Blessing pa din ang pag punta mo sa Bali anak kahit na tutol na tutol ako sa pangungulit mo pa din kay Mr. Ong. Sya nga pala kamusta yung proposal mo sa kanya? Closed deal ba?
"Hindi Ma!" Maikling sagot ko.
"Hindi? Aba bakit naman anak ano ang nangyari? Parang bago yan anak ah.. Si Eddison hindi nakapag close ng deal?" At napa angat ako ng tingin sa Nanay ko. Ngayon ko lang na realize na ang taas pala ng expectation ng Mama ko sa akin kahit purong kontra na lang ang ginagawa nya sa akin...
"May nangyari ba na di maganda anak?" Malambing na boses ni Mama.
"Si Mr. Ong po kasi Ma.. Masyado nyang inisulto ang pagkatao ko..."
"Ha? Teka nga naguluhan ako lalo.. " kita ko sa mga mata ni Mama ang sobrang pagtataka.
"To my surprise Ma pamangkin pala ni Mr. Ong si Bella.. Anak sya ng kapatid na babae ni Mr. Ong.. And that time akala nya ganun na ako ka desperado na gagamitin ko yung pamangkin nya para makuha ang gusto ko. To think wala naman talaga ako ka alam alam na may connection pala silang dalawa...."
"Wow talaga ba anak? Kung iisipin mo nga posible naman talagang gawin mo yun.." at talaga namang napasama ako ng tingin sa Nanay ko..
"Seriously Ma, pati ba naman ikaw?" Tanong ko na ipinahalata ko talaga ang pagtatampo ko sa kanya.
"Eddison anak, kilala ka sa industriya na pinasok mo na lahat gagawin mo makuha mo lang ang proyekto na gusto mo. Masisisi mo ba sila na pag isipan ka ng masama? Eh yun ka eh... Baka nakalimot kana sa mga kalokohan na nagawa mo noon!!! Kaya wag kang aarte na nagtatampo jaan.."
"Ano ba naman yan Ma.. pati ba naman ikaw? Di ka ba proud sa naabot ng buhay natin ngayon? Nang dahil sa pagiging disperado, madiskarte at pagiging matalino ko Ma nasa tugatog na tayo ng mundo. Hindi na tayo basura na iniwan lang ng magaling mong ex husband..." At muli ko nanamang na ungkat ang nakaraan...
Mabilis na nabatukan ako ni Mama ng hindi man lang ako naka ilag... "Mama naman oh..." Sa tono ng boses ko ay tila nabalik ako sa pagkabata..
"Anong basura na pinagsasabi mo? Tayo naging basura ng iniwan tayo ng magaling mong ama? Naku bata ka, isang malaking No! No! No!!! Nang iwan tayo ng ama mo yun ang naging mitya para maging mas matapang tayo sa buhay. Hindi pagiging basura yun anak, daan yun na inilatag ng Dyos kaya andito tayo napadpad... At proud ba kamo? Ako proud sayo?"
"Oh bakit Ma? Hindi ka ba proud sa akin?" At talaga namang patampo na ako..
Naramdaman ko na lang ang paghaplos ng kamay ni Mama sa mukha ko.
"Hindi lang proud anak sobrang proud na proud ako sayo.. Sinong mag aakala na magiging ganito ka sagana ang buhay natin diba? Dati rati naglalabada lang ako para lang matustusan ang pag aaral nyo at halos 2 beses lang tayo sa isang araw kung kumain. Imbes na mapariwara kayo ng kuya mo ay mas ginamit nyo pang inspirasyon ang pag iwan sa atin ng Papa nyo.. Kaya hindi lang ako proud kung may hihigit pa sa salitang iyon anak yun ang level ng pagmamalaki ko sa inyo ng kuya mo..."
BINABASA MO ANG
Ill Find You
RomanceYou meet someone unexpectedly, and having no clue how much they'd mean to you in the future. How the path of two strangers crossed, and how it has changed and affected your life so much. And how an accidental clash of worlds, was the most beautiful...