Four

557 54 25
                                    





"Wow.... food... food... food!!!!!" Tila batang tuwang tuwa si Bella ng makita ang mga pagkain na nakahain sa mesa..
"Aaayyiieeee thank you Dongskie..."



"Alam mo ang wierd mo! Pagkain lang yan maka react ka kala mo ginto ang nasa harap mo!" Pambabasag ni Eddison.



"Bakit? Ginto lang ba ang dapat binibigyan ng ganito ka OA na reaksyon? Alam mo Eddison kawawa ka.. ikaw pala yung tipo ng tao na hindi kayang mapasaya ng mga simple bagay.. alam mo maliit o malalaki mang bagay deserve ng OA na pag appreciate. Ikaw talaga! Siguro ang boring ng buhay mo!"



Saglit na natahimik si Eddison at napaisip sa mga sinabi ni Bella.. "Boring? Walang moment sa buhay ko ang boring. Araw araw nga para sa akin ay challenge. Kailangan araw araw nagpoprogress ang utak ko para maka usad sa buhay..." tila pagtatanggol nito sa sarili at pilit nyang binibigyan ng ngiti ang dalaga.




"Ah okay... so hindi boring pero nakakapagod!" Dahil hindi kilala ni Bella ang ugali ng binata kaya wala itong preno sa pagbabagsak ng mga salitang sinasabi nya.



"Hindi ah! Alam mo ikaw Basisay kumain kana nga lang masyado kang chismosa! Ayan ha ang dami kong inorder imposibleng magkulang pa yan sayo!" Pag iiba nito sa usapan.



"Syempre naman sobra sobra nato. Kaya nga anjan ka diba! Mr. Eddison Miguel Fernandez aka Dodong ni Basisay... kalimutan mo muna ang diet mo, let's eat like a monster! Let us enjoy this food!"



"Eat like a monster?" Pagtataka ng binata.


"Oo at mag eenjoy ka for sure! Kakain tayo ng nakakamay... tulad nito oh...." at ipinakita mg dalaga ang paraan ng pagsubo ng pagkain gamit ang kamay..


"Hindi mo ako kailangan turuan marunong ako nyan! Anong akala mo sa akin?"


"Wueh talaga ba? Sige nga..." panghahamon pa ni Bella.


Namangha si Bella sa galing ni Eddison kumain gamit ang kamay nito..



"See!!!😏" pagmamalaki pa nito.



"Ang galing mo Dongskie! Iba ka talaga. Sige kumain na tayo! Thank you for the food Big Dady..."



"Big Dady?"


"Si Lord! Sya ang Big Dady nating lahat..." natatawang sagot ni Bella.



"Ang wierd mo! " sabay subo ng pagkalaki laking kanin ni Eddison.



Nagulat ang binata ng biglang may nagflash! "Huy ano yan? Bakit mo ako kinukunan ng litrato? Ikaw ha paparazzi ka ba?"



"Ay wow ano ka famous? Picture lang pang rememberance..."


"Siguro pang IG mo yan ano? Tapos lalagyan mo ng caption na Memories in Bali..." natatawang sabi ni Eddison.


"Anong pang IG, wala ako kahit anong social media accounts. Mahilig lang talaga ako kumuha ng pictures lalo na kapag may magandang story, may lalim.. Tsaka isasama ko to sa scrab  book ko. Para kapag mawala man ako sa mundong to makikita ng mga magulang, mga kuya ko at pamangkin at future pamangkin ko pa ang naging journey ng buhay ko. Hindi naman lahat ng tao kinain na ng sistema ng social media nuh!"



"Umamin ka nga,, mamamatay kana ba kasi may sakita ka o di kaya depress ka! Kunwari masaya ka tapos may balak ka pala magpakamatay?!😵😵😵" at OA sa reaksyon si Eddison ng sabihin yun. Tila nang aasar na sabi nito.. "huy... very bad wag mong gagawin yun. Uwi ka muna mg Pinas bago ka magbigti!" Dagdag pa ni Eddison.



Ill Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon