Tulad nang mga nagdaang araw ay maagang nagising si Eddison na hindi na din naman na nabago sa paningin ni Joros.
"Good morning Sir.." bati nito sa amo na halata nya ang pagkabalisa nito kaya mahinahon nya itong binati.. "Coffee sir you like?" dagdag pa nito dahil tila wala sa wisyo si Eddison na kanina pa palakad lakad sa kanilang maliit na sala... "Sir???" mahinahon muling sambit ni Joros..
"Imposible talaga eh! Papanong nangyari yun??" bigla namang bulalas ni Eddison na lalong nagbigay pagtataka kay Joros.
"Ano pong nakakapagtaka Sir?" lakas loob na tanong nito. Halos maluwa ni Joros ang kapeng hinihigop ng tingnan sya ng masama nito. "Sorry sir,, medyo nagu......" hindi natuloy ni Joros ang pagdadahilan ng magsalita muli si Edisson.
"SI Bella!"
"Si Bella po? Di po ba makikipagkita kayo ulit sa kanya ngayon.."
"Si Bella, pamangkin sya ni Mr. Ong ..." at muli nanamang nabulunan si Joros.
"Pamangkin? si Bella? Totoo po ba?" sunod sunod na tanong nito.
"Nagulat ka din diba? Halos hindi ako nakatulog sa kakaisip kagabi..." si Eddison.
"Eh sir mukhang tadhana na talaga ang naghatid sayo kay Bella para malapit kana po talaga kay Mr. Ong, pagkakataon nga naman oh."
"Hindi magandang biro to Joros. Kapag nalaman ni Mr. Ong na malapit ako sa pamangkin nya iisipin non na ginagamit ko ang pamangkin nya, at ayaw kong sumama ang tingin nila sa akin lalo na si Bella kapag nalaman nya ang tunay kong pakay sa Tito nya..." at tuluyan na itong napa upo sa sofa..
Dahan dahan si Joros na humigop ng kape at may munti itong ngiti sa mga labi nya..
"Wala na may nanalo! Tinutubuan na ng puso ang manhid kong amo.." bulong ni Joros sa sarili.
"Ano sa tingin mo Joros?" at muli nanamang nasamid si Joros.
"Sir wala naman talaga kayong masamang intensyon kay Bella, sa Tito po nya meron. " at sa sinabing iyon ni Joros ay sinamaan sya ng tingin nito. "Ibig ko po sabihin sir eh,, may pakay po tayo sa Tito nya. Pero si Bella po ay wala sa plano talaga.. Eh ano po sabi ni Bella tungkol dun sir, siguro naman po na open nyo na po sa kanya ang tungkol dun..."
"Oo naman, pero wala naman para sa kanya yun. Kasi walang alam si Bella sa gusto kong negosasyon sa Tito nya. Ewan ko ba Joros bakit bigla naman akong nagdalawang isip... Ipapakilala nya ako sa Tito nya ngayon, pupunta kami sa praktis ng kasal ni Mr. Ong, dalhin mo yung proposal paper ko para sa kanya. Bahala na lang mamaya.."
Sa kalagitnaan ng usapan nila ay biglang nag ring ang phone ni Eddison. Napatingin si Eddison kay Joros bago nya tuluyang sagutin ang tawag...
"Hello Bella?" halata sa boses ng binata ang tensyon.
"Huy Eddison good morning.. Bakit parang ang tensyon mo ngayon?"
"Ha? Uy hindi.. Ako tensyon??" utal utal na sagot nito.
"Talaga lang ha! ,, Eh bakit parang garalgal masyado yang boses mo? Tsaka di ako sanay na hindi mo ako tinatawag na Basisay o di kaya naman Isay.. Ano pong meron?" derecho naman salita ni Bella.
"Ha.. yun ba pasensya kana Isay, maaga lang kasi ako tinawagan ng secretary ko. Naghatid lang ng masamang balita. Pagsisinungaling nito.
"Ah ganun ba Dong.. Eh kamusta daw? Malaking problema ba Dong? Gusto mo wag ka na lang sumama ngayon. Papasingit na lang kita ng schedule sa secretary ni TitoDhie para sa appointment mo sa kanya.."
"No! It's okay Isay na ayos ko na.. So ano ready kana?"
"Sure ka Dong? Kaya ko naman pumunta mag isa o hiramin ko muna si Joros alam mo na pang front ko lang.."

BINABASA MO ANG
Ill Find You
RomanceYou meet someone unexpectedly, and having no clue how much they'd mean to you in the future. How the path of two strangers crossed, and how it has changed and affected your life so much. And how an accidental clash of worlds, was the most beautiful...